Kabanata 1
How much is your rate?"Dump that woman, father," Callum said firmly to his father when it was just the two of them. His father's expression became serious and cold when he said that.
"Pati ba naman ikaw ay tumututol sa pagpapakasal ko?"
"Do you not see it? You're being used by that woman. It is clear that she does not love you. Pera niyo lang ang siguradong pakay ng babaeng iyon."
"Don't say that, son! You don't even know her. Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan niya at hindi mo alam kung gaano siya kabuting tao. Hindi mo dapat hinuhusgahan ng ganyan ang Tita Katharina mo. Hindi mo siya kilala." Mariing sambit ng matandang Montemayor. Umiling-iling ang binata, tila hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ng kanyang ama.
"Tita? Are you fvcking kidding me, Dad?" nakangisi at puno ng insultong sabi ni Callum sa kanyang ama.
"I look older than her, so how the hell can I call her that? Dad, para mo ng anak ang babaeng 'yon hindi man lang ba kayo nahihiya?"
"Wala kang karapatang sabihan ako ng ganyan, Callum Nicholas!"
"I just don't want you to fall behind. That woman will leave you once she has what she wants. She will just drop you, I swear to you," may kalakasang sabi ng anak.
"Nang iniwan niyo akong mag-isa dito ng iyong ina at ng iyong mga kapatid, may narinig ka bang panunumbat sa akin, ha, Nicholas?"
Doon natigilan ang binata. Mula kasi din na maghiwalay ang mga magulang ay pati ang dalawang kapatid niyang babae ay umalis na din ng mansyon at parehong sumama sa kanilang ina.
"Noong iniwan niyo akong lahat, si Katharina ang nag-alaga at nagpuno ng puwang na iniwan ng iyong ina sa puso ko. Anak, alam kong hirap kang magtiwala at alam ko ding kapakanan ko lang ang iniisip mo ngunit maniwala ka... mabuting tao si Katharina. She's the only woman I've met who has a pure and soft heart. Please make an effort to get to know her first."
"Dad, oo maaring iniwan ka namin dito sa hacienda pero hindi kami kailanman nawala para sa inyo. Palagi lang kaming nandito kapag kinakailangan niyo. Pupuntahan ka namin basta magsabi ka lang. Pamilya mo kami kahit nasaan pa kami."
"Hindi niyo na kailangan gawin iyon ngayon dahil may mag-aalaga na sa akin. Ayaw niyo ba iyon? Hindi niyo na ako kailangan pang isipin, maari ninyo nang gawin ang mga bagay na gusto niya sa Manila. 'Wag mo na lang akong diktahan sa bagay na ito, Nicholas. Huwag niyo na akong pakialaman pa dahil alam ko kung ano ang ginagawa ko." May kadiinang sabi ng ama. Napapailing na nasapo ng anak ang kanyang sintido. Hindi na niya alam kung paano pa makukumbinsi ang ama na hiwalayan ang babae.
"I know it's selfish, but I want you to make a decision. Choose between us, your children, and that woman. You make your choice, Dad," malamig na sambit ng binata.
Nanlaki ang mga mata ng Don sa sinabi ng kanyang panganay na anak. Hindi siya makapaniwalang pinapipili siya nito sa dalawang bagay na parehong mahalaga sa kanya.
"Bakit mo ginagawa sa akin ito Nicholas? Noon ba ay pinapili ko kayong mga anak ko kung kanino niyo gustong sumama? Nagalit ba ako nang mas piliin ninyong mapalapit sa inyong ina kaysa sa akin? Kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit o kahit sama ng loob sa inyong mga anak ko kahit na naiwan ako ditong mag-isa. Inintindi ko kayo kahit na masakit sa akin na mahiwalay sa inyong lahat. Nagpaubaya ako dahil alam kong iyon ang gusto niyo. Hindi ko kayo tinutulan na makasama ang inyong ina. Kaya sana naman anak, hayaan niyo na akong maging maligaya. Ito na lang ang kaisa-isa kong hiling mula sa inyo."
"Pero mali! Mali ito! She's twice your age! Hindi ba kayo nahihiya? Isipin niyo naman ang iskandalong pinapasok niyo."
"Wag mong gamitin sa akin ang tonong iyan Nicholas. Anak lang kita. Wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses!"
BINABASA MO ANG
Ruthless Desire
RomanceWARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much younger than him. He suspected Katharina of manipulating his father, and so he planned to ruin their relationship. However, as he tried to d...