030

23.8K 349 30
                                    

030

C A L L U M

"Love, let's sleep. Bukas mo na tapusin yan." Pauline said as she pulled me to our room. Walang nagawang hinayaan ko na lang siya. Nahiga kami sa iisang kama at mahigpit siyang yumakap sa akin. Pinikit niya ang mga mata niya habang ako naman ay nanatiling dilat at nakatitig sa ceiling.

Limang taon na din mula ng pakasalan ko siya. Akala ko kapag pinakasalan ko si Pauline ay makakalimutan ko na siya pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito. Sa limang taon naming pag sasama ni Pau, siya pa din ang paulit ulit kong hinahanap. Para bang palaging hindi kompleto ang araw ko.. Parang may kulang palagi. At hindi ko alam kung ano ba yun.

Paulit ulit ko mang isipin kung ano yun pero hindi ko makuha-kuha. Akala ko ang pakasalan si Pauline ang pinaka mabuti kong gawin nuon pero bakit ganito.. bakit parang gusto kong magsisi. Ayokong saktan si Pauline kaya hindi ko sinasabi sa kanya ito pero... hindi na talaga ako masaya sa kanya o sa amin. Nuon pa man hindi na talaga ako masaya pero pinilit ko pa din. Limang taon kong pinilit maging masaya sa kanya pero ewan ko ba. Para akong hindi makontento at may kung ano palaging hinahanap.

"Pau.."

"Hmm?"

"Gusto ko na magkaanak."

Dumilat siya at humarap sa akin. Maliwanag ang mukha niya at malawak ang kanyang ngiti na abot abot hanggang sa kanyang tenga. Alam kong matagal na niyang gustong magkababy kami since we got married but sinabihan ko siya na hindi pa ako handa para duon dahil di ko pa alam kung paano magpaka-ama. Pero hindi na naman ako bumabata. At baka ito na yung matagal ko na palang hinahanap. Baka kaya pakiramdam ko may kulang ay dahil gusto ko lang ng anak. Isang anak na mag bibigay kulay sa mundo naming dalawa ni Pauline.

Anak na mag pupuno ng kulang na nararamdaman ko.

"Akala ko hindi mo na sasabihin yan." Sumimangot siya at napangiti na lang ako habang napapailing.

"How many kids do you want?" I asked. She just smiled and shrug her shoulder.

"Di ko alam. Kahit ilan. How about you?"

Nag isip ako sandali bago ako ngumiti sa kanya.

"Mga wala siguro." I said and she burst out laughing.

"Oh no. That's too much."

"I thought you said kahit ilan?" I said smiling and she doubled over in laughter.

"Ang daya mo. You're mean, parang ayaw mo na talaga ako pabalikin sa pag momodelling ah."

I hugged her so tight and kissed the top of her head.

"Gusto mo pa bang bumalik?" I asked.

Honestly, ayoko na talaga siyang pabalikin sa pag momodelo dahil ayoko nang maulit yung nangyari sa amin nuon. Ayoko na muling mag kasala sa kanya. Ayoko nang masaktan siya ulit at natatakot ako na baka mangyari ulit iyon kapag nabusy nanaman siya sa pag momodelling pero naisip ko din na baka ayun talaga ang nag papasaya sa kanya. At ayoko namang hadlangan ang nag papasaya sa kanya.

"Alam mo namang buhay ko ang pag momodel di ba?"

"I know love. But promise me, you'll give me a son first."

Ruthless DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon