028

22.1K 358 44
                                    

028

K A T H


Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay sa maleta. Handa na akong umalis pagkatapos ng ilang oras kong pag iyak sa kwarto. Hindi ko kayang mahiwalay kay Callum pero hindi ko din yata kakayaning makita siyang nasasaktan at nahihirapan. Gulong gulo siya, litong lito at hindi ko iyon kayang tiisin. Okay na ako yung masaktan. Sanay na din naman ako eh. May karapatan pa ba akong mag inarte? Mula bata ako nag titiis ako para kay nanay at ngayon mas pinili kong mag tiis para sa taong mahal na mahal ko.


Isang magandang regalo si Callum para sa akin kahit na nag simula pa kami sa mali. Ang mahalaga... kahit sa sandaling panahon naiparamdam niya sa aking mahalin. At kahit sa maikling panahon natutunan kong sumayo ng lubusan. Kaya ituturing ko itong pagkakakilala namin na isang regalo. Regalong habang buhay kong iingatan. Hinding hindi ko makakalimutan ang bawat sandaling nakasama ko siya. Pang habang buhay ko iyong dadalhin. Habang buhay ko siyang mamahalin.


Katangahan nga sigurong maituturing ito pero mahal na mahal ko lang talaga si Callum at hindi ko na alam kung magagawa ko pang mag mahal ulit gaya nga pag mamahal ko sa kanya. Hindi ko alam. Wala nang sigurado sa akin ngayon..


Papalabas na ako ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Callum na walang kaemo-emosyon ang mukha. Tinitigan niya ako at sunod ang mga gamit ko. Nakita ko kung paano nag iba ang hilatsa ng kanyang mukha.


"Kath, don't do this to me please." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang parehong kamay ko. Gusto ko na kagad bumigay nang sabihin niya iyon. Gusto ko na agad siyang yakapin at kalimutan na lang ang planong umalis pero hindi talaga pwede eh. Hindi siya magiging masaya sa akin.


"Patawarin mo ako Callum." Sabi ko na pilit pinipigilang mapaiyak.


"No please. Bigyan mo lang ako ng konti pang oras. Aayusin natin 'to. Mahal na mahal kita Kath..."


"Callum hindi. Bakit ka ba nag kakaganyan? Kakakilala mo lang sa akin, hindi mo pa ako lubos na kilala. Si Pauline, siya ang babaeng nararapat para sayo. Siya ang tunay mong mahal. Nalilito ka lang. Wag mong hayaang mawala sayo si Pauline. Mahal na mahal ka niya Callum, wag natin siyang saktan."


"Then how about you? Paano ka? Paano ka na Kath? Ayokong bumalik ka sa dati na punong puno ng takot. Ayoko na ng nakikita kang nasasaktan at umiiyak. Ayokong nakikitang may mga luha dyan sa mga mata mo dahil putangina ang sakit sakit. Lumalaban ako Kath, luamalaban ako para sayo kasi ayokong iwan ka. Ayokong mag isa ka. Ayokong nalulungkot ka. Ayokong nakikita kang nawawasak paulit ulit sa tuwing napapanaginipan mo yung nakaraan mo. Tapos ganun ganun na lang? Iiwan mo na lang ako? Onting panahon pa Kath, onting panahon lang ang hinihingi ko at magiging tama din ang lahat ng 'to. Ipag lalaban kita."


Tumalikod ako at binuhat ang maletang may lamang mga gamit ko. Lalabas na sana ako dahil baka hindi ko na mapigilan at mapaiyak na lang ako sa harap niya ngayon. Kailangan kong panindigan ang sinabi ko kay Pauline.

Ruthless DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon