041
K A T H
Pareho kaming nakatitig lamang ni Callum sa kisame at hindi umiimik. Ang malalalim na pag hinga lamang namin ang maririnig sa buong kwarto. Hindi ko na alam kung paano humantong sa ganito ang lahat. Hindi ko na alam kung paano kami napunta dito dahil sobrang bilis nang mga pangyayari. Ang tanging naalala ko lang ay hinalikan ko siya na agad naman din niyang ginantihan at pag katapos nun para na akong nawala sa katinuan. Nag padala nanaman ako sa nararamdaman ko para kay Callum. Hindi ako akalain na ganito pa din pala ang epekto niya sa akin. Alam kong mali itong ginawa namin, pero ewan ko ba. Sa tuwing gagawin namin iyon wala akong maramdamang pag tutol sa kaloob-looban ko. Hindi ko makitang mali ito. Pakiramdam ko ito na ang pinaka tamang bagay sa mundo. Ang makasama siya at maging isa kami. Ganun din kaya ang nararamdaman niya para sa akin? Hindi ko na alam. Isa lang ang sigurado ko ngayon, na sobrang mahal na mahal ko pa din siya.
"How much?"
Nahinto ako sa pag iisip nang mag salita siya. Napatingin ako sa kanya. Nakatuon pa din ang paningin niya sa kisame. Kumunot ang nuo ko sa tanong niyang iyon. Hindi ko malaman kung ano bang ibig sabihin niya sa tanong na iyon.
"Ano?"
"Your rate."
Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matatawa sa tanong niyang iyon. Pagkatapos kong ibigay ang sarili ko sa kanya tatanongin niya ko kung anong presyo ko? Ganun na ba talaga kaliit ang tingin niya sa akin? Hindi ko pinag kakatiwala ang sarili ko sa kanya para lang bastosin ng ganito. Wala akong interest sa pera niya. Hindi ako nag papabayad. Oo nuon, inaamin ko. Nag pabayad ako. Pero para iyon sa anak namin! Para yun kay Nicholas at hindi para sa akin kaya anong karapatan niyang bastosin ang pag katao ko ng ganito? Bumangon ako mula sa pag kakahiga at dalidaling nag bihis.
Ang tanga mo kasi Katharina eh. Bakit ba kasi hanggang ngayon hindi mo pa din mapigilan yang sarili mo? Hindi na nga pwede di ba? Hindi na. Wag mo na ipilit pa dahil mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo. Mas lalo mo lang pinapahirapan ang loob mo. Tama na. Sobra na eh. Sobrang sakit na.
Matapos mag bihis ay agad akong lumabas ng kwarto ng walang kahit anong sinasabi sa kanya.
Bakit ba kasi umaasa pa akong magiging maayos pa ang lahat. Bakit ba kasi hindi ko na lang tanggapin na wala na talaga. Na hindi na niya ako mahal at kahit kailan hindi magiging tama na mahalin siya.
"Bakla! Anong oras na bakit ngayon ka lang? Anong nangyari nakausap mo na ba si Callum? Nasabi mo na ba sa kanya yung tungkol kay Nicholas."
Imbis na sagotin si Meg ay agad akong yumakap sa kanya. Sunod sunod na nag sipag landasan ang mga luha sa mga mata ko. Bakit ganun, napaka sakit pa din. Kahit napaka dami ko ng pinag daanan, grabe pa din yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing mamaliitin ako ni Callum. Sobra akong nanliliit sa sarili ko. Bakit ba kasi hanggang ngayon may puwang pa din siya sa puso ko? Kahit ilang taon na ang nag daan bakit siya pa din? Pinapahirapan ko lang ang sarili ko.
"Bakla, ayos lang yan. Matatapos din lahat ng 'to."
Pinunasan ko ang mga mata ko at hinarap si Meg.
"Alam na ni Callum ang tungkol kay Nicholas. Nagkita na sila at duon na si Nicholas titira sa kanya."
"Ano?!" Gulat na tanong ni Meg.
BINABASA MO ANG
Ruthless Desire
Storie d'amoreWARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much younger than him. He suspected Katharina of manipulating his father, and so he planned to ruin their relationship. However, as he tried to d...