033

23.3K 368 11
                                    

033

K A T H

Paulit ulit na tumatakbo sa isip ko yung inaalok sa akin ni Callum na sampung milyon at ang kapalit nito ay kailangan mabigyan ko siya ng isang anak. Sapat na ang limang milyon para sa pag papagamot ni Nicholas, makakatulong din iyon sa buhay namin para makapag simula ulit. Pwede akong mag simula ng maliit na negosiyo pag tapos ng operasiyon ni Nicholas na magagamit namin para sa kinabukasan niya. Pwede na kaming makapag simula ulit ng anak ko sa halagang yun. Pero kung totoosin, matagal ko na siyang nabigyan ng anak, hindi ko nga lang pwedeng sabihin sa kanya iyon dahil baka naman kunin niya na lang bigla sa akin ang anak ko. Hindi ko yata kakayanin iyon. Si Nicholas na nga lang ang mayroon ako, kukunin pa sa akin. Hindi ako papayag. Hinding hindi ako papayag, handa akong makipag patayan para sa anak ko kung kinakailangan.

Hindi ko man siya mabigyan ng maranyang buhay pero lahat naman gagawin ko para sa kanya. Handa akong isakripisyo ang lahat para mabigyan lang siya ng maayos na buhay at wala akong hindi kayang gawin para sa kanya.

Nalaman kong hindi siya kayang bigyan ng anak ni Pauline kaya siguro sa akin siya lumapit. Napabuntong hininga ako. Ayokong masaktan nanaman namin si Pauline. Ayoko nang makasakit ng tao pero ito na lang ang pinaka madaling paraan para mapaopera ko na kaagad si Nicholas. Napatingin ako sa hawak kong pera na bigay ni Callum. Hiyang hiya ako sa sarili ko pero wala eh. Kailangan ito ng anak ko.. ng anak niya.

Pero hindi ko maiwasang isipin na paano kaya kung nagkatuluyan kami ni Callum? Masaya kaya kami kasama ng anak namin? Siguro...  hindi naman na maibabalik yung dati kahit na manghinayang pa ako.

Dumiretsyo ako agad sa hospital para dalawin ang anak ko. Kasalukuyan kasi siyang nakaconfine. Sabi ng doctor kailangan daw kasi nila mamonitor ang bata mayat maya kaya nga mas lalo kong kaylangan ng pera dahil napaka laki ng gastosin sa hospital. Ipinambili ko ng jollibee ang perang ibinigay sa akin ni Callum at ang iba naman ay itinabi ko na muna. Hindi ko na nga sana tatanggapin ang perang yun pero nag pumilit si Callum. Mas lalo ko tuloy naramdaman kung gaano ako kababang babae.

"Nanaaaay!" Salubong sa akin ng anak ko. Nag taka ako nang madatnan ko duon si Meg. Lumapit ako sa anak ko at mariing hinalikan siya sa ulo bago ako bumaling kay Meg.

"Alam kong in demand yang beauty mo kaya ako na muna ang nag bantay sa bagets." Aniya bago pa man ako makapag tanong. Ngumiti ako at sumagot.

"Salamat Meg ah. Napaka dami mo ng naitutulong sa amin."

"Hay naku wag kang mag alala, may bayad tong ginagawa ko 'no! Bayaran mo na lang ako pag nakaluwag luwag ka na." Pabirong sabi niya.

"Nanay, jabee ba yan?" Tanong ng anak ko na nakatingin sa daladala kong paperbag ng jollibee. Ngumiti ako at inilabas ang labas ng paperbag.

"Naging good boy ka ba habang wala si nanay?" Tanong ko.

Tumango tango siya habang nakatitig pa din sa mga pagkain. Isinuklay ko ng kamay ko ang buhok niya.

"Oh ayan. Dahil good boy ang baby ko, may jabee siya. Yeheyyy!"

"Ay sus may pa jollibee si ate mong girl. Mukhang nag enjoy kagabi ah, umaga na nakauwi eh." Sabat ni bakla. Agad namang nag init ang mag kabilang pisnge ko nang maalala ang nangyari sa amin ni Callum.

"Nicho, kumain ka lang muna dyan ah. Mag uusap lang kami ni tita Meg mo." Sabi ko pero parang di ako naririnig ng anak ko at busyng busy lamang ito sa pag subo ng pagkain. Napailing ako habang nangingiti. Ang sarap sarap niyang panuorin pag ganyan. Sana palagi kong nabibigay ang lahat ng gusto niya.

Ruthless DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon