043
K A T H
"Duon na talaga kayo titira ni Nicholas? Eh paano yung asawa?" Tanong ni Meg nang ikwento ko sa kanya ang pag tira ko sa bahay ni Callum. Ayoko din naman talagang duon tumira dahil ayoko namang may iba pang maisip samin ang ibang tao kaya lang si Nicholas kasi eh. Kilala ko yung batang yun hindi yun makakatulog sa gabi ng hindi ako nakikita. Sabi ko nga aalis na lang ako pag nakatulog na siya at babalik ako bago siya magising pero hindi naman pumayag si Callum. Mas mahirap daw yung ganun tyka mapilit talaga si Nicholas.
"Hindi ko nga alam Meg eh. Hindi na kasi sila tumitira sa iisang bahay."
"Kaya ikaw ang magpapabahay?"
"Hindi naman ganun yun Meg. Titira lang ako dun para sa anak namin. Yun lang yun."
"Yun lang ba talaga girl? Baka malaman laman ko buntis ka nanaman ulit dyan ah."
"Hindi ah. Mag kaibigan na lang kami ni Callum. Mas okay na ganto kami."
"Kaibigan? Dyan! Dyan nag sisimula yan eh. Kaibigan kunyare yun naman pala mag papatulan din sa bandang huli. Naku Kath, tigilan mo na ah. Huwag ka na umasa dahil masasaktan ka lang. Alam mo yan. Ang mga bata na ang mahalaga ngayon hindi na kayong dalawa ni Callum kaya tigilan niyo yang kaharutan niyo. Ang mali, hindi kailan man magiging tama. Tandaan niyo yan."
Napabuntong hininga ako.
"Alam ko na naman yan Meg."
"Mabuti naman. Ayoko lang makita kang nasasaktan ulit Kath."
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabing yun ni Meg. Napaka bait niya talaga sa akin pati na sa anak ko. Kahit kailan hindi niya kami pinabayaan ni Nicholas. Sa tuwing nagigipit kami ay nag papadala siya ng pera sa probinsya. Malaki laki na din ang utang na loob ko kay Meg kaya nangako talaga ako sa sarili ko na kapag nakaluwag luwag ako ay babawi naman ako sa kanya. Wala na din kasi siyang pamilya kaya kami na din ni Nicholas yung tinuring niyang pamilya.
"Salamat talaga Meg ah. Napakadamim mo ng naitulong sa amin. Ang dami na din ng utang ko sayo."
"Ano ka ba! Hindi utang yun at hindi ako naniningil ng kabayaran. Jusko sino sino pa bang nag tutulungan kundi tayo ding mga mahihirap."
"Hayyyy. Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko ngayon kung hindi kita nakilala. Napaka dami mong naitulong sa amin ni Nicholas."
"Pamilya na ang turing ko sa inyong mag ina no."
"Salamat talaga."
"Nga pala, di ba nag hahanap ka ng trabaho?"
"Oo sana."
"Saktong sakto may bagong bukas na restaurant malapit dito at hiring sila ngayon. Kilala ko yung manager kaya ipasa mo na lang sa akin yung resume mo at ako na ang bahala."
"Naku salamat. Malaking tulong yan."
Tinulungan ako ni Meg mag empake ng mga gamit ko dahil lilipat na nga ako sa bahay ni Callum. Yun kasi ang napag kasunduan na duon ako titira sa bahay niya para sa mya bata. Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na balak ko ding mag trabaho para hindi naman ako mag mukhang palamunin lang sa bahay niya. Ayoko namang may masabi pa yung ibang tao. Tyka gusto ko din naman kumita sa sarili kong pag sisikap.
BINABASA MO ANG
Ruthless Desire
RomanceWARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much younger than him. He suspected Katharina of manipulating his father, and so he planned to ruin their relationship. However, as he tried to d...