031
C A L L U M
I went to a bar with my friends to unwind. I have been so stressed for the last few weeks that I don't have any more energy. It's been a month since Pau and I decided to have a baby pero nalaman namin na hindi pala iyon possible dahil hindi kayang mag buntis ni Pau. Pareho kaming na depress sa balitang iyon pero mas naapektuhan siya. Alam kong gustong gusto na niyang magkaruon ng anak at nang malaman niyang hindi pala siya pwedeng mag kaanak ay sobra siyang na depress. Kaya hinayaan ko na muna siyang mag bakasyon sa bahay ng mga magulang niya. Hindi ko kasi siya kayang alagaan dahil kahit ako din naman ay na depress sa nangyari. Gustong gusto ko na magka anak at bumuo ng isang pamilya pero bigla namang ganito.
Kaya naman para makalimot ay binuhos ko yung buong atensyon ko sa pag tatrabaho. Dalawang linggo na si Pauline na nag babakasiyon sa mga magulang niya. Hinahayaan ko lang dahil gusto kong makarecover siya sa depression. Sabi ko nga sa kanya mag pahinga na muna siya at pag maayos na siya ay papayagan ko na siya uling mag modelo. Yun lang naman kasi ang alam kong paraan para muli siyang bumalik sa dati. Madalas kasing madatnan ko siyang tulala pag uuwi ako galing trabaho. Hindi din iyon nakakatulong pati sa akin. Pagod na ako sa trabaho at ang makita siyang nagkakaganun ay sobra sobra na. Kaya nang mag aya ang mga kaibigan ko nung college na uminom ay hindi na ako nag dalawang isip na sumama.
Gusto kong mag libang kahit sandali. Makalimot kahit saglit lang. Ayoko na munang mag isip sa mga oras na ito. Gusto ko lang mag enjoy.
Maya maya ay nag simulang umingay ang paligid nang lumabas na ang mga babaeng halos wala ng saplot sa stage. Nag hiyawan ang mga kasama ko at napangisi lang ako pero ang ngising iyon ay unti unting nag laho nang makilala ko ang babaeng nasa gitna. Katulad ng mga kasama niyang babae sa stage nakasuot din ito ng napaka nipis na tela.
Hindi ako makapaniwala kaya kinusot kusot ko pa yung mga mata ko pero ang mukha talaga niya ang nakikita ko. Lasing na ba ako? Imposible. Hindi siya 'to. Hindi siya ganitong klaseng babae... Hindi siya ganito kababang babae.
She started to dance as I clenched my fist. She's not the girl I used to know. Malayong malayo siya sa babaeng nakilala at minahal ko nuon. Hindi maaring siya iyon.. Imposible. Lasing na yata talaga ako. Nanatiling nakapako ang tingin ko sa kanya habang sumasayaw siya sa gitna ng stage. Maganda pa din siya, walang kasing ganda pero ibang iba na ang hitsura niya sa nuon... Wala na yung mala anghel niyang mukha nuon na nagawa akong linalangin. Malayong malayo ang hitsura niya ngayon sa mala anghel na Katharina'ng nakilala ko. Isang matapang at palabang babae ang nakikita ko ngayon, malayong malayo sa mahinang Katharina nuon. O baka naman kasi ito talaga ang tunay na siya.
Mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ko sa mga palad ko. Gusto ko siyang hilahin pababa ng stage na yan at ipamukha sa kanya kung gaano naging miserable ang buhay ko dahil sa kanya. Halos mabaliw ako kakahanap sa kanya nang umalis siya tapos makikita ko siya dito bilang isang puta. Mas pinili niyang mag pakaputa kesa may stay sa akin. Sabagay mas marami nga naman siyang lalaking mapeperahan. Kung magpapaka puta siya dito.
I can give her the fvcking world kung nag stay sana siya. Hindi na niya kailangan mag trabaho dahil ituturing ko siyang reyna pero bakit mas pinili pa din niyang iwan ako. Maybe hindi siya marunong makontento. Bakit ba kasi ako nag pauto pa sa babaeng ito?
BINABASA MO ANG
Ruthless Desire
RomanceWARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much younger than him. He suspected Katharina of manipulating his father, and so he planned to ruin their relationship. However, as he tried to d...