Kaybigan, nasabi ko na ba sa iyo?
Naiinis ako kapag kinikiliti mo ako,
Lalo na kapag ayoko pang tumayo,
Hindi ka sa akin lumalayo,
Gagawin mo ang lahat,
Para mata ko'y tuluyang mapadilat.
Kaybigan, nasabi ko na ba sa iyo?
Pero kahit ganun, iyon ay akin ding ginusto,
Sa araw-araw na magkasama tayo,
Napapangiti mo ako nang todo,
Lalo na sa mga korni mong biro,
At tila wala mong katapusang mga laro.
Kaybigan, nasabi ko na ba sa iyo?
Ika'y isang himala mula sa itaas na sa aki'y sumaklolo,
Kahapon, oo, kahapon.
Noong buhay ko'y isa nang patapon.
Kaya nga salamat talaga,
Sa aki'y ikaw ay nagtiyaga
Kahit lagi akong nagdradrama,
At lagi lang gustong nakahilataPero kaybigan, nasabi ko na ba sa iyo?
Minsan ako na'y nalilito.
Nitong mga nagdaang araw,
Pagtingin sa iyo'y madalas na ninanakaw,
Sa tuwing ngingiti ka na,
Dibdib ay di mapakalma,
Hindi naman dating ganito,
Oh kaibigan, nasabi ko na ba sa iyo?--
Salamat.
I said that for so many times. Alam ko.
May mga pagkakataon pa nga na binibilang mo sa isang araw kung ilang beses kong sasabihin iyon sa iyo. You enjoyed doing that, don't you? And it made me smile somehow. Thank you. Again, kita mo.
Salamat sa paghila sa akin sa kama sa mga panahong ayoko lang talagang tumayo. Salamat sa pangungulit mo, kahit nakaririndi madalas. Salamat sa pagtatalak, dinaig mo pa ang alarm ko.
Salamat sa pagtitimpla ng kape sa mga umagang gumigising ako kasama mo. Ayoko ng timpla mo nung una dahil masyadong matamis. Pero kalaunan, hinanap hanap ko na.
Salamat sa pagluluto ng paborito kong sinigang. Kahit na nung una napagkamalan kong nilaga. Wala naman kasing asim talaga.
Salamat sa paghuhugas ng pinggan minsan sa bahay kahit bisita ka lang. Salamat sa pagaayos ng kalat kahit naman hindi dapat.
Salamat sa pag-alalay sa akin kapag nalalasing ako. Nainis ka sa maraming panahon na iyon, alam ko. Pero nanatili kang nandyan para puntahan ako.
Salamat sa pag aantay sa akin kapag minsang ginagabi ako. Hindi ko nga alam kung bakit mo ginagawa, pero gusto ko.
Salamat sa mga kakornihan mo na iniirapan ko man, nginingitian pa rin.
Pero ang korni talaga, pramis. Sa tawa mo lang ako natatawa e.Salamat sa mga biglang pagyakap. Salamat sa paghawak sa kamay.
Salamat sa presensiya.
Lahat nang iyon, napapakalma ako, iyon ang aking pinakagusto.Salamat.
Walang katapusang pasasalamat.
Pero..
Pwede bang iyong mga bagay na ginagawa mo ay abusuhin ko na? Pwede bang sa araw-araw ay gawin mo na lang sa akin iyon?
'Cause I am liking the feeling you are giving me amidst of the confusion. You are making me smile. You are making my heart beat frantic. You are making me more human.
Gusto kong sabihin, gusto kong hilingin. Pwede ba?

BINABASA MO ANG
STASI
PoetrySampung Tulang Alay Sa Iyo At nang maikling pagbabalik tanaw sa kwento ng pag-ibig ko para sa iyo.