Sa isang kisapmata,
Nahulog at bumulagta..
Ang nilalang na dati'y nasa alapaap,
Nang dahil sa pag-ibig na minsan lang ay kanyang pinangarap.Sa isang kisapmata,
Mundo niya'y gumuho na..
Pahina nila di pa man opisyal na nagsisimula,
Ay tinuldukan na.Sa isang kisapmata,
Kahit pa mahal nila isa't isa..
Para sa ikaliligaya ng iba,
Pag-ibig nila ay tinapos na.--
"Mahal kita."
At mahal na mahal na mahal rin kita.
Alam mo iyan. Nagmamahalan tayo. Hindi ba?"pero...."
Pwede bang balikan natin ang eksenang iyon? Pwede bang huwag mo nang ituloy? Pwede bang hanggang doon lang sa sinabi mong mahal mo ako? Sana mahal mo na lang ako, love me without buts.
"Hindi tama to."
Mali ba ang mahalin natin ang isa't isa? Kung oo man, naramdaman mo bang mali ang mahalin ako? Naramdaman mo ba? Ano, sagot?
"Tama sila. Tama naman sila."
Bakit kailangan mo silang pakinggan?
Hindi ba pwedeng ang pahalagahan lang natin ay iyong nararamdaman natin para sa isa't isa? Hindi ba pwedeng ang pakinggan lang natin ay ang tibok ng puso nating nagiging isa?"Itigil na natin to."
Hindi ba pwedeng lumaban tayo?
You and me, against them, against the world. Let's just love each other 'till our end.Kaya naman natin iyon, mukhang mahirap pero kakayanin natin iyon.
Maniwala ka. Magtiwala ka.Naaalala mo ba? Iyak ako nang iyak habang nakaluhod, hawak ko ang mga kamay mo. Natatakot na tuluyan kang mawala kapag binitiwan ko ang mga iyon.
"Please. Don't do this. I- I love you."
Iyan ang isa sa mga katagang sinabi ko. Pero kahit ano atang pagmamakaawa ko, buo na ang loob mo.
"I am sorry. Ito ang tama. Sana maintindihan mo."
Naiintindihan ko. Naiintindihan ko naman. Pero masakit talaga.
"Sana maibalik pa natin sa dati ang lahat. Friends."
Gusto mong tapusin iyong pahina na halos may tayo na. Pero gusto mong ibalik iyong dati sa atin at magpanggap na parang walang 'pag-ibig' na namagitan.
Pwede ba iyon?
BINABASA MO ANG
STASI
PoetrySampung Tulang Alay Sa Iyo At nang maikling pagbabalik tanaw sa kwento ng pag-ibig ko para sa iyo.