Kaybigan

31 1 0
                                    

Buhay ko'y puno ng kahungkagan,

Hindi alam kung anong patutunguhan,

Araw-araw sa pagmulat palang ng mata,

Tuwina'y iniisip na ang sa gabi'y pagpahinga.

Ngunit ang lahat ng iyon,

Ay bahagi na lang ng isang noon,

Sapagkat ika'y dumating,

At siyang nakinig sa aking piping mga daing.

Pagpasok mo sa'king buhay ay di inaasahan,

Ngunit Siya'y lubos na pinasasalamatan,

Ikaw ang kanyang anghel na ibinigay sa akin,

Upang ako'y kaibiganin at kilalanin.

Kaibigan, maraming salamat,

Salamat sa pagiging sa alamat,

Alamat na siyang aking naging gabay,

Upang magkakulay muli ang aking buhay.


--


I remembered all those days when I am lost in my deep thoughts. Malalalim na isiping tila walang kabuluhan para sa kanila pero sa akin ay lumulunod.

Gigising ako sa bawat umaga na dumarating. Pero para saan? Para kanino o sa anong dahilan?Ipinagpapatuloy ang buhay, nakikiagos sa galaw ng mundo. Pero bakit? Bakit wala akong maramdaman?

Breathing but barely living, that was my drama. I was certain I am losing myself. 

Then you found me, a directionless wanderer in this city. Akala ko, tulad ka lang ng karamihang napadaan lang pero nagkamali ako. Tumambay ka sa buhay ko.

You had no hesitations being a part of my yeah-not-a-fucked-up life pero buhay na mapapa 'hay buhay' lang ang iba. And you colored the black and white pages of my yeah-not-a-gloomy chapter of my life pero parte na ayaw basahin ng iba kase nabuburo lang sila.

Malapit ko na sanang punitin ang mga pahinang iyon na hindi napag-iinteresang basahin ng iba at tapusin ang kwentong para sa akin ay wala ng saysay pero buti na lang dumating ka.

Thank you. 

Thank you for being so stubborn and persistent in pulling me out of my laziness to find a reason to live my life to the fullest.

Kahit ayaw ko noong una. Kahit ayaw ko talaga.

'Cause I somehow believed that I'm not worthy of any saving. But thank you for believing the opposite. Thank you. You saved me, kaibigan.

STASITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon