Urong, Sulong

15 1 0
                                    

Urong, sulong
Papakinggan ang aling bulong?
Bulong ba sa kaliwa,
Na ang sabi, nadarama ay itatwa
O ang bulong sa kanan
Na ang sabi, huwag itong labanan.

Urong, sulong
Sa paggawa ng desisyon bigyan nang tulong,
Hahakbang ba ako palapit
At yayakap nang mahigpit
O tatalikod, hahakbang nang isa dalawa
At sa sarili na lang ay maaawa.

Urong, sulong
Alin ba ang mas marunong?
Yung isip na pilit kang winawaksi
O itong pusong sa pagtangi sayo'y kay liksi,
Puso ba o ang isipan,
Alin ang dapat kong pakinggan ?

Urong, sulong
Pwede na akong makulong.
Urong, sulong
Tila ako'y nakikisabong.
Urong, sulong
Sa pagkalito ako na ay nalulong.

Hays.
--

Urong, sulong.

Should I give up or should I keep on chasing pavements? La la la la.

To love you or to love you not?

Ang hirap.
Ang hirap hirap naman.

Gusto kong hawakan ang kamay mo, tulad nang dati. Pero natakot na akong gawin baka hindi ko mapigilan at hindi ko na mabitawan.

Gusto kong yakapin ka at sabihan kung gaano ka kahalaga kaso baka bigla akong madulas at masabi kong mahal kita.

Gusto kong maging tayo. Ay, leche. Ito na pala ang gusto ko. Sasabihin ko ba? O hindi? Ipapadama ko ba? O hindi?

Gusto ko talaga. Maniwala ka. Pero ayoko din. Maniwala ka rin. Magulo ba? Magulo talaga. Haaays. Bahala na.

STASITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon