Ngiti mo'y di ako tinatantanan,
Lahat ng iyo'y nakikita sa isipan.
Anumang pilit kong pigilan,
Tila may sarili itong buhay na nais doo'y manirahan.Gusto na kitang laging makasama,
Gusto na kitang laging makita,
Gusto ko naman sa iyo ako'y magpasaya,
Sapagkat dulot sa akin niyon ay sigla't ligaya.Bakit nga ba?
Biglang ganito na ang nadarama..
Hindi pwede, hindi dapat,
Pero kailangan ko nang maging tapat.Leche, mahal na yata kita.
Kaibigan, paano na?
Hindi ko to sinasadya,
Sana maniwala ka.Lalayo ba ako?
O mas lalapit pa sa iyo?
Magagalit ka ba?
Eh kase mahal na nga yata kita.
--I woke up one day looking forward seeing you, smiling from one ear to the other.
But letting that smile fade afterwards. Kase naman, hindi nga pwede diba?
Hindi pwede, hindi dapat.
Nang dahil sa maraming nakakalecheng dahilan.
You are a girl.
And so am I.
Society rule. BAWAL.
Pero leche, masarap pala ang bawal.
Pwede ba nating tikman?You are straight.
And obviously now, I'm not.
Pero pwede namang mabaluktot ang mga tuwid. Sabi nila, masaya ang paglalakbay sa daang hindi tuwid.
Kita mo, masaya ako sa iyo.
Kaya, pwede bang subukan mo ring mabaluktot nang dahil sa akin?But then..
You are taken.
And I hated that.
Pero mas may oras ka pa sa akin keysa sa kanya. Pwede ba akong mag assume? Pwede ba?And the greatest reason is that you are my friend and our friendship is the best thing that happened to me yet.
Could I take a risk on losing that?
Hindi syempre.
Kaya nga hindi talaga pwede, hindi dapat kahit pa mahal na yata kita.

BINABASA MO ANG
STASI
PoetrySampung Tulang Alay Sa Iyo At nang maikling pagbabalik tanaw sa kwento ng pag-ibig ko para sa iyo.