SSIK

15 1 0
                                    

Sagot Sa Iyong Kapangahasan

Ilang araw at gabi akong nagpabaling baling,
At paulit ulit na nagtatanong sa hangin,
Bakit labi mo'y bigla na lang nangahas,
Maggawad ng halik at iwan akong parang natuklaw ng ahas.
Nais kong lumapit at magtanong,
Ngunit lakas sa dibdib ay di ko maikalong,
Hahayaan ko na lang sana ulit,
At kaliwanagan ay di na ipipilit.
Subalit isang gabi ay dumating
Sa ilalim ng mga bituing nagniningning,
Binigla mo ako sa isang katanungan,
Sa iyo ba'y may nararamdaman?
Walang gatol ang aking naging kasagutan
Oo, ika'y aking iniibig
Aking daliang bukambibig.
Akala ko usapi'y  agad ding tutuldukan,
Ngunit ninais mong palayain ang aking isipan,
Sa kung bakit mo ako hinalikan
Isinatinig ko iyon para na rin sa aking katahimikan,
At ang iyong sagot sa iyong kapangahasan
'Pareho na tayo ng nararamdaman'.

--

Ilang araw, ilang linggo ang lumipas, wala akong lakas na mahugot para itanong sa iyo kung anong dahilan.

Sorry. Sorry kung lagi na lang.

Isang araw nagkayayaan kayong magbabarkada, out of town activity.
Isinama mo ako. Ayoko sana pero..
Yun nga napilit mo ako.

Ang lakas mo kasi sa akin e. Mahal kita e.

Pero tinanong kita bakit hindi ang boyfriend mo ang isama mo, umiwas ka lang ng tingin at nagkibit balikat. Hindi na ako nagtanong pa at pumayag na lang na sumama.

Tatlong araw at dalawang gabi.

Wala namang masyadong nangyari, the usual happy happy.

Pero sa ating huling gabi habang nakasalampak tayo sa buhangin sa may dalampasigan, ginulat mo ako sa tanong na..

"Mahal mo ba talaga ako?"

Akala ko, akala ko hindi na mangyayari tong ganito. Kaya hindi ko napaghandaan iyong kaba na nadama ko.

Aamin ba ako? Tapos ano? Bahala na.

"Oo."

Katahimikan.

Mahabang katahimikan ang namayani sa ating pagitan.

Halu-halo na ang naiisip ko, ang nararamdaman ko. Paano kapag pagkatapos neto, mawala ka na sa buhay ko? Paano na ako? Kaya ko ba? Makakaya ko ba?

Nakailang buntong hininga na ako at nakarami na sa pagbibilang ko sa bituin para pakalmahin ang sarili ko.

Nanatili kang tahimik. Paano na kapag natapos ko nang mabilang lahat ng natatanaw ko? Ano nang mangyayari? Bahala na.

"Wala ka bang gustong itanong sa akin?"

Biglang napahinto ako. Nakalimot kung nasaang bilang na ako. Ano na nga ba ulit? Haaays. Bahala na nga. Napatingin ako sa iyo. Seryoso ang iyong tingin sa akin.

At alam ko, gusto mo akong magtanong. Gusto mo akong maliwanagan.

"Bakit mo ako hinalikan?"

Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa iyong labi.

"Mahal rin kita."


STASITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon