Nakaw na Sandali

11 1 0
                                    

Pareho na ang ating nararamdaman,
Ngunit tayo naman ay nakikipagtaguan,
Buong ingat para hindi mahuli,
Sa ating mga nakaw na sandali..
Yakap at mga halik na ating pinagsasaluhan,
Palihim at laging sa may kasuluk-sulukan,
Hindi ko maririnig..
Ang iyong tinig na umiibig..
Kapag tuwina'y nasa harap nang madla,
Pagkat pag-ibig sabi mo'y dapat ikaila,
Sapagkat ang mundo'y mapanghusga..
Sapagkat sa buhay mo'y meron pa siya..
Kaya't kahit damdamin sa isa't isa'y malinaw..
Handa akong maging dakilang magnanakaw..
Ng mga sandaling sumasaklaw,
Sa damdaming di pa natin maisigaw.

--
Parang tayo na, pero hindi.

Hindi pa.

Meron pa rin siya sa buhay mo..

Gusto kong itanong kung bakit.

Mahal mo pa siya?

Mas mahal mo siya?

Ano ako sa iyo?

Ano tayo?

Gusto kitang papiliin sa aming dalawa. Pero natatakot ako. Baka sampalin lang ako ng katotohan.
Kaya tinitiis ko kahit masakit.

Kase alam ko na mahal mo ako. Naniniwala akong ako na ang mahal mo.

I set aside that sickening thought na gustong magsumiksik sa isip ko na ako ang talo sa sitwasyon.

Without hesitation, minahal kita nang buo. Kase iyon din naman ang magpapasaya sa akin.

I choose to create wonderdul memories with you without thinking of the future that may come.

Hindi ko makakalimutan iyong roadtrips nating dalawa. Pinuntahan natin iyong mga lugar na hindi pa natin napupuntahan sa bayan natin.
Hindi ko makakalimutan iyong simpleng kulitan, inisan at lambingan. Hindi ko makakalimutan iyong mga maiinit na halikan at yakapan. Hindi ko makakalimutan iyong ngiti mo tuwing sinasabi mong mahal mo ako.

Lahat, lahat nang iyon ay nakatatak na sa puso ko at isipan. And I am looking forward of creating more memories with you.

Kahit pa halos lahat nang iyon ay ninakaw lang. Kahit pa ang mga susunod doon ay magiging nakaw pa rin.

STASITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon