A L A Y
"It's nice to have your friends for dinner."
Kumukulo ang dugo ko at naiinis.
"Masyado syang pabida." Naiinis kong sambit sa isa ko pang bestfriend na si Regine.
Ako si Yvonn.
Nasa meeting kami ng group namin para sa isang project namin sa Science. We're 4th year students at ngayon ay nagpapakahirap sa project nato para maka graduate.
Ang tinutukoy kong kinaiinisan ay si Clarize.
My ex~ bestfriend. Pero alam nya ay okay kami pero inis parin ako sa kanya.
Malapit na malapit kami sa isa't isa noon. Para na nga kaming magkapatid eh pero sabi ng mga iba kong kaibigan ay inaagaw na nya ang lahat sa akin.
Ang atensyon ng parents ko...
mas pinupuri pa nila si Clarize kesa sa akin.
Sa school... na agaw nya ang 1st honor sa akin nung 3rd year at maski boyfriend kong si Adrianvirr Katipunan ay syang naging dahilan kung bakit kami nag hiwalay.
Pero kinausap nya ako at kunwari ay okay na... beso beso na... best friend bestfriend parin... pero deep inside... naiinis parin ako sa kanya.
Masyado syang pabida.
Ako ang leader sa group nato pero kay Clarize sila nakikinig.
Diba nakakainis ang mga pabida?!
Hinaplos haplos ako ni Regine para kumalma kalma.
"It's ok lang my friend. May araw rin yang ambisosya/slash/sucker na yan." mejo naiinis na sabi ni Regine.
Ang theme namin na i pre present ay Nature.
Magiisip kami ng kahit ano basta may kinalaman sa nature.
"I suggest na magpakita nalang tayo o i-document na lang natin na mag tanim tayo ng mga puno sa bundok or somewhere else. So magiging title natin ay "Plant trees to save the mother earth". Anu best ok ba?"
"Yes... I like it. It's so easy and convenient for us." Shet! sumang ayon naman si Adrianvirr "Addy"nalang for short. Magmumukha na naman akong kontrabida nito.
Bigla nya akong tinanong na nasa likod ako. Bigla kong inalis ang nakabusangot kong mukha at sinagot ko sya.
"No. I don't like it."
Biglang nagbulong bulungan ang iba kong mga kaklase at parang hindi sila suma sang ayon sa akin.
"Sa amin ok lang. Mas madali at nandun ang nature theme."
Singit ng isa kong kaklase na mas lalo ko tuloy na fi feel na nagmumukha na naman akong kontrabida sa bida na Clarize nato.
"I'll stick to my plan na pupuntahan natin yung mga natives na nakatira sa taas ng bundok. I We'll document ang lifestyle nila at paano sila umaasa sa nature. O diba hassle free. Kesa mag tanim tanim pang nalalaman. Magtanim ay di biro."
Pero nag bulong bulungan parin ang iba kong mga kaklase at parang hindi sila suma sang ayon sa plano ko.
"Hindi mo ba alam ang kwento sa lugar na yun? me sa demonyo daw ang mga tao doon."
Mejo nag aalalang sambit ng isa ko pang kaklase. Sumaangyon naman sila sa sinabi ng kaklase kong yun.
Bigla akong hinablot ni Clarize at kinausap sandali.