D E T O U R
"Take turns to terror and drive with fear."
"Ang tagal naman ng lecheng traffic nayan!"
Naiinip na sa tagal ng traffic si Jay, Boyfriend ko. Papunta kaming beach para mag bakasyon pero na stuck kami sa haba ng traffic.
Ako naman si Danna, Danna Mae Datay. 2 Years na kami ng boyfriend ko at aaminin kong nagkakalabuan na kami.
Lagi kaming nag aaway this past few months kaya naisipan naming magbakasyon baka mag work pa ang relationship namin.
Pero balak ko ng makipaghiwalay sa kanya ngayong bakasyon. TAMA ang pagkakataon na to kase makakapagusap kami ng kami lang dalawa.
"Bakit kasi dito ka dumaan?" naiinis kong tanong sa kanya.
Tumingin sya sa kin na nakabusangot at nagkamot ng ulo.
"Alam ko ba?! taga DPWH ba ako? alam ko ba na may ginagawang tulay dyan ngayon?! tss." naiinis nyang paliwanag.
Hinawakan ko ang binti nya at hinaplos haplos.
"Relax ka lang. Kahit hindi tayo makarating sa beach basta magkasama tayong dalawa, ok na yun."
Paglalambing ko sa kanya.
Ngumiti sya at hinawakan din ang kamay ko.
Ang bagal bagal umusad ng mga sasakyan kaya nag kwentuhan muna kami.
"Naalala mo ba nung una tayong nagkita?" nakangiti nyang tanong.
"Oo naman. Di ba sinampal kita kasi akala ko sinisilipan mo ako eh yun hinahanap mo yung nahulog mong piso. Hahaha"
May sayang bumalik sa puso ko ng maalala ko lahat ng mga pinagsamahan namin. Mga good times at bad times. Sa loob ng dalawang taon ehh marami nakaming pinagdaanan.
Bugs!
Biglang may bumangga sa likod ng kotse namin na naging dahilan kaya huminto kami sa pagtatawanan.
"Anu yun?!" nag aalala kong tanong.
Galit na bumaba si Jay pero biglang humarurot ng mabilis ang sasakyan at pumasok sa masukal na daan papasok ng gubat at bundok.
Agad pumasok si Jay sa sasakyan at sinundan ang sasakyan.
"Jay tama na. Hindi natin alam ang daan na to." pagaawat ko sa kanya.
"G*go yun, sisirain pa nya yung sasakyan ko. Humanda sya sa akin." nanggagalaiti sa galit si Jay.
Hindi sementado ang daan at masukal ang paligid. Masasabi mong walang kabihasnan sa lugar na ito. Ang daan ay patungo sa gilid ng bundok.
Alog alog kami sa loob ng sasakyan dahil sa mabato at hindi deretsong daan.
"Jay, baka mapahamak lang tayo. " pagaalala ko sa kanya.
Hindi na namin mamataan yung sasakyan na bumangga sa amin pero patuloy parin sa pag mamaneho si Jay.
Malayo na kami sa highway at hindi ko na nakikita ang daan.
Pagabi na at walang poste ng ilaw sa dinadaanan namin.
"Jay gabi na iliko mo na to..."
Huminto kami ng may nakita kaming dalawang daan.
Ang isa ay may sign na To Highway