J. JUDGEMENT

740 17 2
                                    

J U D G E M E N T

"Just when you thought the first was bloody."

PROLOGUE

[Apol's Point of View]

"Apol!!! Kunin mo yung gunting!!!" sigaw sa akin ni Jez.

Agad kong kinuha ang duguang gunting at daling pumunta kay Jez.

Tinarak ko sa leeg ni Jez ang gunting.

Biglang natumba si Jez habang hinahawakan nya ang duguan nyang leeg.

Tumingin sya sa akin habang unti unting nawawalan na ng hininga.

RBER SHOP.

Ang dugo ay nagkalat. Sa salamin. Sa tiles. At sa mga upuan.

Kami nalang ni Mang Danilo ang natira.

Maya maya ay inabutan ako ni Mang danilo ng basahan.

"Magpunas ka. "

"Magiging masaya na siguro si Sheyn." seryoso kong sabi kay Mang Danilo.

"Salamat sa tulong mo. Nabigyan ko rin ng katarungan ang nangyari sa anak ko." naiiyak na sabi ni Mang Danilo.

Hinaplos haplos ko sya para pakalmahin.

Ng nakapaglinis na ako ay lumabas na ako ng Barber shop para umuwi.

Paglabas ko ay nakatingin sa akin si MaNg Danilo at nakangiti ito.

Binaliktad nya ang karatulang open at naging CLOSE.

Ngitian ko rin sya at nakangiting umuwi.

J U D G E M E N T

Maya maya ay nagring ang cellphone ko.

"Damn it Apol! You know that i'm busy, bakit hindi kapa umuuwe?! gabi na! Siguro kasama mo na naman yang mga walang kwenta mong mga kaibigan nuh?! Asan sila? Pakausap ako!" Bungad sa akin ng Daddy ko sa phone.

Oo busy sya... Pero nakuha pa nyang mambabae.

Galit ako sa mga magulang ko dahil sa kawalan nila ng atensyon sa akin. Maghihiwalay na ang mama at papa ko dahil hindi na sila masaya sa isa't isa. Hindi man nila naisip na ako ang naiipit at mas nasasaktan sa kanilang dalawa.

"Asan ang mga kaibigan mo?!" Galit na tanong ni Dad.

"THEY'RE DEAD!" Galit kong sabi sabay baba ng telepono.

"Ahhh!" Sigaw na nanggagaling sa loob ng barber shop.

Napalingon ako at nakita kong duguang lumalabas si Dex.

Mabagal na tumatakbo si Dex habang patuloy na dumurugo ang kanyang bunganga.

Nakita nya ako at pinilit nyang makatakbo papunta sa akin.

"Uhmmm! Uhmmmm!" Takot na takot nyang sabi. Hindi na sya makapagsalita dahil putol na ang kanyang dila.

Maya maya ay lumabas si Mang Danilo dala dala ang duguang gunting.

Nang makalapit si Dex sa akin ay takot na takot syang umuungol na humihingi ng tulong sa akin.

Papalapit na ng papalapit si Mang Danilo at pilit na hinihila ako ni Dex para tumakbo.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Hinarap ko si Dex at maluha luha ko syang kinausap.

"Everything's gonna be okay."

Tumingin sya sa akin na parang alam nya na kasabwat ako ni Mang Danilo.

The Horror AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon