H. HaUNTED

928 16 13
                                    

H    a   U   N   T   E   D

"Is your past haunting you? or  your past hunting you?"

Prologue

"Dave wag mo akong bibitawan!?" Takot na takot si Shiela habang hawak hawak ko sya sa rooftop ng school buliding namin.

Duguan ang damit ko at puro hiwa at sugat ang mga kamay at katawan ko.

 H a U N T E D

[Dave's Point of view: Present time]

"Ikwekwento mo ba o ano?" Naghihintay na tanong ni Sheyn habang ako naman ay nakatulala at iniisip ang nangyari.

"Na trap kami ni Shiela sa pag aalay." Derecho kong sagot kay Sheyn.

Biglang nag iba ang expression ng mukha nya na parang alam nya ang ibig kong sabihin.

"Nakita na sya? " Malalim nyang tanong pero alam ko ang ibig nyang sabihin. Nakita na nga nila si Shiela. Sila ang makabagong o modernong grupo na sumasamba sa isang demonyong hindi ko kilala pero isa lang ang sigurado ako, hindi sila mabubuting nilalang.

Mga ilang linggo bago mamatay si Shiela ay nanibago sya. Tila mejo tahimik at may takot sa loob nya.

[Flashback]

Nakita ko sya sa hallway pero nagulat sya at tumakbo papalayo. Nakaramdam ako ng kaba at pag aalala dahil iba na ang ikinikilos ni Shiela nitong mga nakaraang araw. Hindi sya nag tetext, hindi nagpaparamdam.

Nagpasya akong habulin sya pero napahinto ako ng nakita ko syang sumakay sa isang puting van na puno ng mga nakaitim na lalake.

Sinubukan ko syang contactkin pero hindi sya sumasagot.

Napaano na si Shiela?

Agad kong kinuha ang motor ko at daling sinundan ang puting van. Nag aalala ako at baka kung anung gawin sa kanya ng mga lalaking kasama nya.

Hindi ako nagpahalatang sumusunod sa kanila.

Huminto ang van sa tapat ng lumang warehouse at doon ay bumaba ang limang lalake at isinama nila si Shiela.

Ng makapasok na sila ay agad akong tumungo roon at tahimik na nagmamasid.

 "Ang tagal ka naming hinanap." Boses ng isang lalake at ng tignan ko ay isang nakaitim na jacket at mejo punk ang dating. Mga 20+ na lalake ang nasa loob ng warehouse... may mga mangilang ngilang babae. Kakaiba sila, para silang isang frat, or worst... Kulto.

May nababalita may isang kulto ang kumakatok sa mga bahay at pagbinuksan mo ay kukunin ka nila at they will take you to your worst nightmare that you can't ever imagine.

Pinagmamasdan ko si Shiela pero may takot sa kanyang mukha.

"H-hhindi ba galit si mamang?" nagaalalang boses ni Shiela.

Sino si Mamang? Wala pang nababanggit si Shiela na mamang sa akin. Pag tinatanong ko sya sa past nya ay mailap sya sa akin.

"Matagal ka naming napatawad at ngayon ay matutupad na ang nakatakda. Nagpasya si Mamang na magpadala ng mga bata at makisalamuha sa mga tagapatag. Upang hanapin kayong tatlo. Si Sheyn, si Sharlene, at ikaw Shiela. Welcome home." Sabay yakap kay Shiela.

The Horror AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon