I. INSEPARABLE

771 15 9
                                    

I N S E P A R A B L E

 

“There’s a thing you just can’t set apart.”

 

 

P R O L O G U E

[Margie’s point of view: From Letter E (EVIL)]

Nakatulala lang ako at nakaupo sa may hagdanan. Takot na takot pa ako at fresh na fresh pa sa utak ko ang nangyari. Dumating na ang mga pulis at nagsimula na silang mag imbestiga.

“Misis, joke po ba ito?” natatawang tanong ng isang pulis habang kinakausap ang mama ko.

Mukhang hindi nila pinaniniwalaan ang mga testimonya ng mama ko. Hindi sila naniniwala sa Evil na nasa loob ng salamin na iyon.

“Anak ihahatid ko lang sila sa labas ah.”

Tumango lang ako sa mama ko. Naiwan akong mag isa sa loob ng bahay.

Tuk! Tuk! Tuk! Tuk!

May tunog  na nanggagaling sa taas. Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

Dahan dahan akong pumanhik sa taas. Takot na takot ako at baka hindi pa nawawala ang evil nay un. Bukas ang pintuan ng kwarto ko at dahan dahan ko itong binuksan.

Laking gulat ko ng may nakita akong isang babae na hinahaplos haplos ang mga basag na salamin.

Mahaba ang buhok nya. Hindi ko Makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa akin.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

Manginig nginig ako sa takot.

Bigla syang humarap sa akin.

“Ahhh!” Napasigaw ako.

Bigla syang tumayo at nagsalita. Hindi pala sya multo.

“Wag kang matakot! Hindi ako masamang tao.”

“Sino ka?!”  Pasigaw kong tanong.

Biglang pumanhik ang mama ko na nag aalala sa akin.

“napano ka? sino ka?” Tanong din ng mama ko sa kanya.

“Hindi po ako masamang tao. Nandito po ako para sa salaming iyan. Ako po si Sharlene.”

Nagkatinginan kami ng mama ko at alam ko ang nasa isip nya. Gusto naming malaman ang kwento sa likod ng salaming iyan.

Nilinis naming ang mga bubog at inilagay sa isang paper bag.

Bumaba kami sa may kusina at doon nag usap.

“Paano mo nalamang nandito ang salaming iyan?”

Una kong tanong sa kanya.

“Minsan po napadaan ako sa bahay nyo at nakita ko si Mary at si Abegail.”

Nalabuan kami dahil wala naming nakatirang may pangalan na Mary at Abegail dito.

“Sino yun? Wala naming…”

“Sila ang nasa salamin na iyan.”

Bigla akong kinilabutan sa sinabi nyang iyon. Kahit natatakot ako ay gusto kong malaman ang buong kwento.

The Horror AlphabetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon