Chapter 2

4.2K 162 3
                                    

Enjoy reading😘
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Chapter2:

Ashlie's Point of View

"Ashlie bumangon kana dyan may pasok ka pa, anong oras na baka malate ka nakapaghanda na ako ng almusal maligo kana at kumain" pagdilat ko sa aking mga mata nakita ko agad si auntie na niyuyugyog ang aking katawan.

"Opo,maliligo na po" naliwanagan naman ang mukha niya at hininto na ang ginagawa niyang pagyugyog sa akin.

"Heto na yung pera mo" may nilagay siya sa ibabaw ng study table ko.At tumalikod na

"Aanhin ko yan?"inikot nya ang katawan niya at nakaharap na siya sakin ngayon pero nasa tapat siya ng pintuan ko.

"Kainin mo kung pwede" ay napakapilosopo naman ni auntie."Ano ka ba Ash kailangan mo yan,alam kong nagbabaon ka ng snack mo pero in case of emergency magagamit mo rin yan."at tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko~i mean umalis na.

Lumakad na ako papuntang banyo,hinihila parin ako ng kama ko pabalik pero inisip ko na regular class na namin ngayon.

***
Nakabihis na ako 7:30 na at 8:15 mag start yung first period namin.

As usual,naka mask,ganun parin ang style ng buhok ko bangs is life haha at oversized na uniform.

Pababa na sana ako nang gumalaw ang bintana ko,oo alam ko ang tunog ng bintana ko pagbinuksan o hinihipan ng hangin kaya sigurado ako na bintana ko talaga yun.

Bumalik ako sa kwarto ko at chineck kung may tao bang nakapasok pagdating ko ay wala akong nadatnan nakabukas lang siya baka binuksan to ni auntie.Tsaka imposible naman na may taong makapasok dito eh ang liit kaya ng bintana ko.

Sinara ko nalang uli yun.Pagkatapos kong isara ang bintana ay tumambad sakin ang pusang balak kong letchunin kagabi.

Nakahiga ito sa kama ko at mukhang may sugat!

Papaalisin ko na sana siya pero nakaramdam ako ng awa Ano ka ba Ashlie imbis na letchunin mo siya may panahon ka pang maawa sa kanya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko.Kinuha ko ang first aid kit ko at ginamut ang pusang ito.

Namangha ako sa itsura niya ^0^ may pagkaintense blue ang mata niya at intense grey rin ang makakapal na balahibo niya.Ang cute niyang tingnan.

Hinayaan ko nalang siya sa kama ko dahil hindi naman ako allergic sa pusa.

Nadatnan ko si auntie sa lamesa na umiinom ng kape.Umupo ako doon at nagsimula nang kumain.

Ay hindi ko pa pala naikweto sa inyo si auntie hehe..

Siya si Yurie Era,simula nung baby pa raw ako siya na ang nag-alaga sakin.Napulot niya lang daw ako sa kalsada kaya ayun kinupkop niya.Masakit mang marinig ang salitang ampon nagpapasalamat parin ako sa kanya dahil sa pagtanggap sa akin.

Nung bata pa ako mama ang tawag ko sakanya ngunit nung malaman ko ang katotohanan ay nagsuggest ako na auntie nalang ang itawag ko sakanya sumang-ayon naman siya.

"Huwag mong tatanggalin ang mask mo nagkakaintindihan ba tayo?." sabi niya na hindi nakatingin sakin.

"Opo auntie"mahina kong sagot sakanya.

Tapos na akong kumain at nagtoothbrush na.Pagkatapos kong magtoothbrush ay kinuha ko na ang bag ko at lumabas~alangan naman kung pumasok matuturingan talaga natin na bobo si author nuh? (a/n:hoy hindi ako bobo ha..slight lang)

Mysterious Girl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon