CHAPTER 1
Nanunuod na naman ako ng Spongbob Squarepants, ilang araw pagkatapos ng pasukan ganito na lang ang ginagawa ko. Natutulog, kumakain, nanunuod ng kung ano-ano, at nagkukulong sa kwarto.
Pinunasan ko yung luhang nahulog galing sa mata ko, sinighot ko yung sipon ko, at sumubo ng isa pang scoop ng ice cream.
Ilang araw na din akong hindi naliligo, at kahit nababahuan ako sa sarili ko, parang wala na akong lakas para bumangon pa sa kama ko.
Naging kaibigan ko siya, dahil boyfriend siya ng kaibigan kong babae. Nung nakipagbreak sakanya yung kaibigan ko, ay sobra siyang nasaktan, at ako yung nagcomfort sakanya. Nung time na nakikipagbalikan yung kaibigan ko sakanya, ay ako yung nagpakilalang bago niyang girlfriend, para tulungan siyang gumanti. At simula nun, ay parang naging kami na.
Masaya kami. Pero panandalian lang pala yun, kasi nalaman ko na lang na gusto niya pala ang pinsan ko, si Jessy. Classmates sila, at sobrang close. Maganda ang pinsan ko, at maraming nagkakagusto, kaya anong laban ko sakanya?
Alam kong liniligawan na ni Josh si Jessy, pero ayos lang saakin yun, nakuntento na lang ako sa mga oras na binibigay niya saakin.
Hanggang sa malaman ng lahat yung saamin ni Josh. Maraming nagalit saakin, at marami ding naghusga saakin. Nagalit din saakin si Josh, dahil nagalit si Jessy sakanya.
Dumating ako sa point na inaway ko si Jessy, dahil nagalit siya kay Josh. Pero ang sinabi lang ng pinsan ko ay " Sa tingin mo, kaya kong bumalik sa dati, pagkatapos ng nalaman ko? Nasaktan din ako Andy, at pinsan kita."
Buti na lang ay last week na yun, kay di na ako pumasok pagkatapos nun. Iyak lang ako ng iyak sa kwarto, at nagkukulong.
Feeling ko nag-iisa lang ako sa mundo at walang nagmamahal saakin.
Di man lang nila pinakinggan yung totoong kwento, nagalit na sila kaagad saakin at hinusgahan ako.
Ako yung nauna kay Josh, pero ako pa yung lumabas na mang-aagaw?
Alam kong di naman alam ni Jessy.
Pero nasasaktan din ako! Kasi nagmamahal lang din naman ako.
Kaya wala silang karapatang ganonin ako kasi hindi naman sila yung, pinaasa at sinaktan.
Wala akong pinapapasok sa kwarto ko, merong mga nagpupuntang mga tropa ko, pero di ko sila pinapapasok.
Di ko pa kaya. Masyado akong nasaktan, at nawalan ng tiwala sa mga tao sa paligid ko.
*BLAG*
Bumukas yung pinto ko, at dire-diretsong pumasok ang bestfriend ko si Liz. Mabilis kong pinunasan yung mga luhang lumandas galing sa mata ko.
"A-anong ginagawa mo dito?" sabi ko.
Nagkukulong lang kasi ako palagi, at walang kinakausap. Kaya napangiwi ako sa pagkabasag ng boses ko, at sa tono ng boses ko mismo, parang hindi ako yung nagsasalita.
Umupos siya dun sa upuan sa tapat kama ko, at suminghot-singhot. "Ikaw ba yung nangangamoy? Baho mo na ah."
Inirapan ko siya. "Anong ginagawa mo dito? Di mo ba nakita yung nakasulat sa labas ng pintuan ko 'NO ENTRY EXPECIALLY ELIZABETH CHASE GUEVARRA'." sabi ko.
Nagroll eyes siya. "As if I care."
Tinignan niya yung paligid ng kwarto ko, at halatang nandidiri. Andaming mga nagkalat na gamit at pagkain.
"Alam ko baboy ka, pero masyado mo naman yatang liniteral." komento niya.
Di ko siya pinansin, at pinagpatuloy ang panonood ko. Bahala ka diyan, pakialam ko sayo.
"Penge nga niyan." sabi niya, sabay subo ng ice cream na dapat ako ang kakain.
Tinignan ko siya ng masama. Ngumisi siya at pinausog ako. "Akala ko ba mabaho ako."
"Sanay na ako, kailan ka pa ba bumango?"
"Anong kailangan mo?" tanong ko.
"Bilang bestfriend, syempre kailangan kitang icomfort."
Si Elizabeth Chase Guevarra, ang self-proclaimed bestfriend ko. Bitch yan, nakakainis, at ayoko sakanya. Sa lahat ng bestfriend siya yung pinaka walang kwenta. Tss. Bungangera, hindi supportive, nanlalag, walang kwenta mag comfort, at kontabida sa buhay ko. di ko nga alam kung bakit napagtitiisan ko tong babaeng to, e lagi kaming kontra-pelo sa isa't-isa. Pero dahil wala daw akong choice, ay hinayaan ko na, kawawa naman e.
"Kung ganyan ang way ng pagcocomfort mo, gusto kong malaman mo na. You. Suck." sabi ko sakanya, habang nakatingin sa tv.
Tumawa siya, at sumubo ulit ng ice cream.
"Tinawagan ako ng mama mo, one month ka ng nagkukulong dito. Nag-alala na sayo. Ano bang balak mo sa buhay mo?" sabi niya sabay batok saakin.
Hinawakan ko yung parte na binatukan niya at tinignan siya ng masama, gago talaga to, masyadong bayolente.
Sumubo ako ulit ng ice-cream. "One month na pala."
Nag roll eyes siya. "One month ka ng nagddrama diyan."
Lagi akong nagpapasalamat dahil di tulad ng ibang mga babae, pranka si Liz. Sasabihin niya yung ayaw niya sayo, mapapagkatiwalaan siya, at di niya ako huhusgahan kahit anong gawin ko sa buhay ko. Pero ngayong oras na to, di ko kailangan yung ugali niyang to.
"Sweet mo talaga. Lumayas ka na nga." sabi ko.
Tinignan niya ako ng masama, tumayos siya at binuksan yung mga ilaw. Napangiwi ako sa sobrang liwanag, one month akong di lumalabas ng kwarto, at TV lang yung ilaw na meron ako.
"Ang drama mo, lalaki lang yan, nagkakaganyan ka. Alam ko mahirap, pero subukan mo pa den, wag kang susuko. Makakatulong ba yung ginagagawa mo sa sarili mo at nagkakaganyan ka. Mapupunta ba siya sayo? Hinde. Kaya pwede ba umayos ka, kundi isasako kita at itatapon sa sapa."
Binalibag ko sakanya yung unan ko, sa sobrang inis sakanya, pero nakailag siya. "Nakakainis ka Liz! Di mo ko naiinitndihan, dahil di ikaw yung nasaktan, di ikaw yung hinusgahan, at di ikaw yung iniwan. Sobrang saket, lalo na pag alam mong wala kang kakampi at nag-iisa ka. Ako yung ginago, pero ako yung akala nilang masama."
Binalibag niya din saakin yung unan na sapol sa ulo ko.
"ARAY KO!" reklamo ko.
"Bakit ba iniisip mo nag-iisa ka? Anong tawag mo saamen nila Troy, Migs, Jayden, at Kent? Akala ko malaki yung tiwala mo saamen, pero konting problema lang pala, sumusuko ka na. Paano ka namin sasamahan sa mga problema mo, e ikaw mismo, ilinayo mo yung sarili mo saamin. Bigyan mo naman kaming chance, Jas. Please lang."
Di ko na napigilang umiyak, yinakap niya ako, at paulit-ulit akong nagsrry sakanya. At paulit-ulit niyang sinabi na ayos lang at nandito lang siya para saaken.
Start over. Yun yung gagawin ko. Alam kong mahihirapan ako, pero di naman ako nag-iisa, kasama ko si Liz, yung pamilya ko, at yung iba pang mga nagmamahal saakin. I'm not alone, I have then.
-------------
Author's note :
Vote and comment for the next chapter :)
BINABASA MO ANG
Fall Hard In Love. Again. (EDITING)
Teen FictionKung gaano kadali ang magmahal, ganun din kahirap ang mag let go at mag move on. Let go at move on, ang dalawang salitang magkaiba, na madalas na pinahahalintulad. Pero ang dalwang salitang ito ay may dalawang pagkakapareho din. Pareho silang: - Mad...