CHAPTER 5
Sa panaginip ko, nasa labas ako ng isang kwarto, kasama ang pinsan kong Jessy. Pareho kaming nakatingin sa pintuan ng kwarto.
Di ko alam kung bakit ko ginawa, pero di ko pinansin si Jessy, at pumasok sa kwarto.
Andun si Josh, nakaupo, at nakayuko. Ng marinig niyang bumukas at sumara yung pinto, ay napatungo siya.
Andun lang ako sa kintatayuan ko, at nagtitigan lang kaming dalawa.
Sobrang randam ko yung kaba at takot. Na nanigas ako sa kintatayuan ko.
"Hi." sabi ko.
Ngumiti siya, pero yung ngiting hindi umabot sa mga mata niya. Di katulad nung mga ngiting nagpapalundag ng puso ko. Umusog siya ng konti, at tinapik yung tabi niya.
Naglakad ako, at dahan-dahang umupo sa tabi niya. Tahimik kami pareho, walang gustong magsalita.
Pero alam ko sa sarili ko na hindi pwedeng habang buhay kaming maghihintayan. Habang buhay ko siyang hihintayin.
Bumuntong hininga ako. "So this is good bye." sabi ko.
Lumingon siya saakin. Malungkot yung mata niya, at medyo namumula na, alam ko konti na lang iiyak na siya.
I smiled at him. I touched his face, he didn't move, he just looked at me sadly, while I memorize every detail of his face.
Pinikit ko yung mata ko. "Mahal kita Josh."
Binuksan ko yung mga mata ko. Alam ko anytime, babagsak na din yung mga luha ko.
"Andy."
Linagay ko yung daliri ko sa bibig niya. "Panira ka naman ng moment e."
Tumawa siya ng mahina, pero di na nagsalita. "Mahal kita. Gusto ko maging masaya ka. Kaya papaubaya na kita kay Jessy. Alam ko mas magiging masaya ka sakanya. Alagaan mo yung pinsan ko ah?" sabi ko.
Nagsmile ako ulit sakanya.
Mahal ko si Josh, at dahil mahal ko siya, hahayaan ko siyang maging masaya. Kahit alam kong sasaya siya sa iba, ayos lang.
"Mahal din kita."
Nabigla ko sa sinabi niya, matagal na yung magulong relasyon namin ni Josh, at ni minsan di niya sinabi saakin yun, kahit na lagi kong sinasabi ko saknya kung gaano ko kamahal. Pero ayos lang, dahil nung time na yung, nakuntento na ako na nsa tabi ko siya.
Tumulo na yung mga luha niya. Pinunasan ko yung luhang bumagsak galing sa mga mata niya.
"Di mo naman kailangang sabihin Josh, naramdaman ko naman."
Di ko na siya pinagsalita.
At sa huling pagkakataon, hinalikan ko siya, sa pisngi, at lumabas ng kwarto.
Andun pa rin si Jessy, nakatingin sa pintuan, inaabangan akong lumabas.
Nginitian ko din siya, at yinakap. "Mahal kita Jessy. Alagaan mo si Josh." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
At dun nagising na ako, lagi na lang akong ginigising ng panaginip na yun. Yung araw na huli kong nakausap si Josh at si Jessy. Wala masyadong nasabi nung araw na yun, pero di na mahalaga yun, para saakin sapat na closure na saakin yun.
Di na ako nagulat na di ako umiiyak. Minsan kulang yung iyak, sa sobrang sakit na nararamdaman mo.
Maaga akong nagising para maiwasan si Bryce.
Pero parang nawala lahat ng plano ko kagabi. Nadrain sa panaginip ko.
Sana pala napaginipan ko na lang si Bryce.
Nakahiga lang ako buong magdamag, iniisip yung panaginip ko, habang nag-hihintay ng oras..
Bakit ba ang hirap mag move-on?
Lumabas ako ng kwarto ko na nakaligo at nakabihis na. Dumiretso akong kusina, para maghanda sana ng breakfast. Pero andun na si Bryce, kumakain, at nakahanda na ng pagkain.
Di niya ako pinansin, at nag patuloy sa pagbasa ng dyaryo at sa pagakain.
Umupo ako, at yinakap yung mga tuhod ko, habang tinititigan si Bryce.
BINABASA MO ANG
Fall Hard In Love. Again. (EDITING)
Dla nastolatkówKung gaano kadali ang magmahal, ganun din kahirap ang mag let go at mag move on. Let go at move on, ang dalawang salitang magkaiba, na madalas na pinahahalintulad. Pero ang dalwang salitang ito ay may dalawang pagkakapareho din. Pareho silang: - Mad...