CHAPTER 8
"Anong ginagawa mo?" tanong niya.
Tumigil ako sa paglalakad palabas ng pinto. Sasabay sana ako kay Bryce papasok, wala lang trip ko lang.
"Papasok na ko. Sabay na tayo." sabi ko.
Tinignan niya ako na parang tinatanong kung seryoso ba ako.
"Kung gusto mong malate, mag isa ka. Bye bye." sabi ko at nagmartsa na palabas ng unit namen.
Hinila niya yung bag ko kaya napatigil ako at muntik ng matumba.
Tinignan ko siya ng masama.
"Ano bang problema mo?" naiinis kong tanong.
Nakakairita na kasi siya. Di ako maka alis-alis sakanya.
"Rule number 1, no body, no one should know that we are room mates." sabi niya.
Inirapan ko siya, parang gusto ko namang malaman ng iba. Hello? Wag kang feeler, di kita type.
"K. Pwede na akong umalis?"
"Rule number 2, don't talk to me."
Nginitian ko siya. "My pleasure."
Di ko na siya hinayaang magsalita o mahila pa ako. Mabilis na akong tumakbo palabas.
May parule-rule pang nalalaman, e mag ttwo months na kaming mag room mates.
Akala mo naman kung sinong gwapo.
Kababa ko sa 1st floor ng building namin, bumungad saakin si Sean na nakaupo sa couch sa parang waiting area ng building.
Ngumiti siya nung makita ko, tumayo siya at linapitan ako.
"Good morning." bati ko.
"Good morning Andy, tara na?" tanong niya.
Tumango ako. Pinigilan ko siya ng may bigla akong naalala. "Si Yahn pala? Hindi ba siya sasabay?"
Umiling siya. "Nauna na siya, may gagawin daw. Tara na."
Naglakad na kami palabas ng building, nakasabay pa namin si Bryce na nakasimangot, at magulo yung buhok, pero ang gwapo pa din.
Inirapan ko siya, kahit di naman ako sure na nakita o napansin niya ako.
"Good morning Joshua." bati naman ni Sean.
Tinignan ni Bryce si Sean, tapos ako, at tumango lang tsaka naglakad palayo.
"Bat kaya badtrip yun?" tanong ni Sean.
"Aba malay ko." sabi ko.
Umiling siya, at naglakad na kami ulit.
Kabuilding ko si Sean, kaya lagi na kaming sabay papunta at pauwi. Kasabay din namin si Yahn yung bestfriend niya, at si Liz at John na nagkakadevelopan.
Kaming lang dalawa ni Sean ngayong umaga, dahil si Yahn nauna na, si John naman hinihintay pa si Liz.
Di naman kami akward ni Sean, masaya nga siyang kasama at kausap. Di kami nauubusan ng pinag uusapan.
Maaga akong nagising, kasi lagi akong nallate, tsaka gusto ko din makasabay si Bryce. Kaso nag iinarte nanaman. Di ko talaga mabasa madalas yun, may pagka bipolar masyado. Ang dami-daming rules. Puro number 1 at 2 lang naman.
Napailing ko. "May problema ba?" tanong ni Sean.
Napansin ata ako. Nginitian ko siya. "Wala. Ayos lang ako."
Tinignan niya muna ako, at tumango.
Hinatid niya ako sa room. Dumiretso na ako sa upuan ko, sa tabi ng natutulog na si Bryce.
Kinuha ko yung librong binabasa ko, at nagbasa. Pero di ako makapag basa ng maayos, dahil nakaka distract tong lalaking to.
Naka earphones siya, at nakaharap saakin. Kaya kitang-kita ko yung mala anghel na mukha niya.
Para siyang inosenteng bata, pag tulog. Pero bakit malungkot pa rin siya, kahit natutulog?
Sobrang gusto kong malaman., at the same time ayoko. Gusto kong malaman lahat ng about sakanya. Pero natatakot ako, dahil sobrang curious ako, at baka saan na mapunta to.
Kitang-kita ang haba ng mga pilik mata niya, ang tangos ng ilong, at ang kanyang kissable red lips.
Gumagamit kaya ng lip tint tong lalaking to? Nakakainis! Mas maganda pa saakin tong gwapong to.
Biglang bumukas yung mga mata niya. Wala na akong time pang uniwas ng tingin. Nagkakatitigan kami. Gusto kong iiwas ang tingin ko, pero gaya ng dati, parang nahypnotize niya ako, at di ko macontrol ang sarili ko.
Medyo ilang minutes lang kaming nagtitigan.
Dahan-dahan siyang ngumisi ng nakakaloko.
"Masyado na ba akong gwapo, at tumulo yung laway mo?"
Awtomatiko naman napahawak ako sa gilid ng bibig ko.
Damn!
"Ang kapal ng mukha mo."
"Crush mo naman." confident niyang sagot.
Inirapan ko siya. "Never in your wildest dreams."
Tumawa siya, at umiling.
"Of course you don't have a crush on me. Oh right. You're in love with me!"
WHAT?!
BINABASA MO ANG
Fall Hard In Love. Again. (EDITING)
Teen FictionKung gaano kadali ang magmahal, ganun din kahirap ang mag let go at mag move on. Let go at move on, ang dalawang salitang magkaiba, na madalas na pinahahalintulad. Pero ang dalwang salitang ito ay may dalawang pagkakapareho din. Pareho silang: - Mad...