CHAPTER 6

13 1 0
                                    

CHAPTER 6 (Part 1)

Nakaupo ako sa may kubo, nasa beach kame. At gusto kong manuod ng sunset, pero parang di naman nakikita mula dito sa kubo, kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad at maghanap ng magandang lugar, para manood ng sunset.

Ako lang mag-isa, nasa loob silang lahat. Naglalakad ako sa may dalampasigan ng may mapansin akong bato, kaya sinipa ko ng malakas.

"Aray!" may narinig akong sumigaw.

Mabilis akong tumakbo kung saan nanggaling yung boses.

May isang lalaking nakaupo, habang hinihimas yung noo niya.

"Naku sorry." sabi ko.

Tinignan niya ako. "Bakit ka ba kasi namamato?"

Lumapit ako at inalis yung kamay niyang nakaharang sa noo niya. Nagasgas at namumula.

"Sorry. Napalakas lang yung sipa ko."

Inalis niya yung kamay kong may hawak ng kamay niya. At tumingin sa dagat.

"Ayos lang."

Umupo ako sa tabi niya, at tinignan siya.

Gwapo siya, syempre, pero may mali sakanya habang tinitignan ko siya. May mali. At yun yung brown niyang mga mata niya, na nakatingin na sa palubog na araw. Blanko at malungkot.

Di ko tuloy mapigilang malungkot din. Ano kayang problema niya? Bakit siya malungkot?

"Di ka ba sinabihan ng mga parents mo, na bawal tumitig sa ibang tao."

Nagulat ako ng humarap siya na nakangisi, kaya automatic na napatingin ako sa papalubog na araw

Maganda nga siyang tignan tulad ng mga nakikita at napapanood ko. Pero mas maganda siya sa personal. Napaka magical ng mga oras na yun, habang nanonood ng sunset, kasama itong misteryosong lalaking ito.

"Ang ganda." di ko mapigilang sabihin.

"Mas maganda ka." sabi niya.

Napalingon ako sakanya, at nagsisisi. Nakatitig siya saakin, at nakangiting pinapanood ako.

Narandaman kong uminit yung mukha ko. Pero di ko kayang alisin yung tingin ko sa mukha niya.

Kumikislap yung mga mata niya, na mas lalong nagpagwapo sakanya. Kesa dun sa kaninang blanko at malungkot.

Hinawakan ko yung mukha niya, bumuntong hininga siya, at mas linapit niya yung mukha niya sa kamay ko.

Pinikit niya yung mata niya at sinabing "Please stay and take away all the pain."

At nagising na ako, dahan-dahan kong minulat yung mga mata ko. Nasa kwarto pa rin ako ng dorm, at kagaya pa rin ng dati ang lahat, maliban sa isa.

Nasa side ng kama ko si Bryce, habang pinapanood akong matulog. Nung mapansin ko siya ay nginitian niya ako.

"Good morning." bati niya.

"Goo-" tinakpan ko yung bibig ko.

Napaupo ako sa kama. Anong ginagawa niya dito?!! OMG! Sigurado akong mukha akong ewan, magulo yung buhok, may muta, may tulo ng laway, at bad breath.

"What the hell are you doing here??" tanong ko habang tinatakpan yung bibig ko.

Mahirap na baka maamoy niya yung bad breath ko.

Ngumiti siya pero hindi umabot sa brown niyang mga mata. Na blanko at malungkot.

Naalala ko tuloy yung lalaki sa panaginip ko. Sino kaya siya??

At bakit naman kaya malungkot si Bryce?

"Ang gulo at ang dumi ng bahay, kaya gigisingin sana kita, para magtanong kung anong nangyare. Kaso natutulog ka, you look so happy, you were smilling. Kaya di na kita ginising." paliwanag niya.

Mamaya ko na iisipin na, yun yung unang mahabang sinabi niya saakin ever.

"So naisip mo na ayos lang na panoorin ako?!" galit kong tanong.

Nagshrug siya at tumayo. "You look like an angel when you were sleeping. Now you look just like you're ready to eat me. I'm going." sabi niya at naglakad palabas ng kwarto ko.

Kumurap-kurap muna ako at parang tangang nakatingin sa pintuan.

After ilang minutes, lumabas na din ako. Dumiretso agad ako sa CR, para maligo and everything. Agad kong tinignan yung itsura ko sa salamin.

"Fuck."

Mukha akong nanganak ng tatlong beses na sunod-sunod ingg.

Mabilis kong ginawa ang mga morning rituals ko at naligo.

Pagkatapos kong maligo, dun ko pa lang napansin na wala akong dalang damit, at underwear lang ang nadala ko.

Wow! Sobrang ganda ng simula ng araw ko! Naala kong magdala ng underwear pero di ko naalalang magdala ng damet. Just wow!

Napagdesisyunan ko na lang na mabilis na pumunta sa kwarto ko.

Pero ng dadaan na ako sa kwarto ni Bryce, ay sakto namang paglabas niya, kaya sa sobrang taranta ko ay nadulas ako, at nabitawan ang twalya ko.

Siguradong masakit to.

Pinikit ko yung mga mata ko, pero di ko pa rin naffeel yung saket. Bumagsak ako sa matigas na medyo malambot na bagay.

Dahan-dahan kong binuksan yung mata ko, nagppray na sana buhay pa ako.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Bryce na halatang nag-aalala.

Tinignan ko lang siya, dahil di ko alam ang irereact ko.

"Uy. Are you hurt or what?" nakakunot na yung noo niya, at naghahanap ng sagot sa mukha ko.

Namula ako sa sobrang hiya. Napatayo ako mula sa mga braso niya.

Nakaramdam ako ng di ko maexplain na feeling ng maalis yung contact ng mga balat namen.

Tumakbo ako sa kwarto at liknock ang pintuan ng kwarto ko. In-on ko yung iPod touch ko, at linagay dun sa speaker, ginawa kong 100 volume.

Hindi ba pwedeng walang mangyari kung ano-ano pag nagkakasama kame? Nakakainis! Nakakahiya! Paano pa ako lalabas niyan?

Fall Hard In Love. Again. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon