CHAPTER 3

35 4 4
                                    

CHAPTER 3

*toot*toot*toot*

Ang ingay!

Kinapa-kapa ko yung cellphone ko sa bed-side table, para patayin yung alarm.

Asan na ba yun?

Napaupo ako, sa sobrang inis. Nakita ko yung cellphone ko na umiilaw at nag-aalarm, sa pinaka gilid ng bedside table. Kaya pala.

Kinuha ko yung cellphone ko at pinatay yung alarm. Humiga ulit ako, nakatitig lang sa ceiling ng bago kong kwarto.

One week na ako dito sa dorm, pero di pa rin ako sanay. Parang mini-condo yung dorm namen, may dalawang kwarto, may isang CR, isang maliit na kitchen, isang maliit na living room, at maliit na dining room. Yung kabuoan ng dorm room ko ay blue and white.

Maganda naman yung kwarto ko, may isang kama sa gitna ng kwarto, na puti and bed frame, habang yung kutchon ay color blue. May isang white side table sa tabi ng kama, na may lampshade. Sa gilid ng kwarto ay isang study table na color blue. Sa kabilang gilid yung closet ko na color white namanm At ang kwarto ko ay may nag-iisang sliding na bintana.

Simple lang, kaya gustong-gusto ko.

After ilang minutes, bumangon na din ako, at naghanda para sa school.

First day of school ngayon, at kahit one week na ako dito, hanggang ngayon di ko pa nakikilala yung roomamate ko, ngayon pa lang daw kasi siya darating, so solo ko yung unit.

Nakakainis kasi hindi si Liz yung roommate ko. Nagtanong kami kung pwedeng kami na lang dalawa sa isang unit, pero sabi nila na bunutan daw yon, at boy-girl policy.

Kumain ako ng breakfast, sinilip ko yung kwarto ni roommate bago ako umalis, pero walang tao. Di pa yata dumarating.

"Kailan kaya darating yun?." I mumbled.

After ilang minutes ng paikot-ikot sa university, dinala ako ng paa ko sa Green house. Umupo ako sa pinaka malapit na upuan na nakita ko.

"Ano ba yan, san ba yung building ko?" naiinis kong tinignan ulit yung map na ibinigay saamin.

Wala namang kwenta tong map na to, di man ako tinutulungan, lalo lang tuloy akong naligaw. Buti pa tong Greenhouse ang dali lang hanapin. Simula ng lumipat ako, lagi na akong pumupunta dito, pero di din ako masyadong nagtatagal kasi baka makita ko na naman si Mr. Angel. 

 Sa buong linggo ko dito sa university parang mag-isa lang ako. Wala pa si Liz, ngayon pa lang darating din, kasabay niya daw yung pinsan (daw?) niyang, dito nag-aaral.

Malay ko ba kay Liz, di ko naman kilala yung pinsan niyang yun. Di naman kasi masyadong close yung family nila Liz sa mga relatives nila? Yun yung alam ko.

 Ayoko kayang nag-iisa. Naulungkot ako, naalala ko lang si Josh.

Namimiss niya kaya ako?

Naiisip?

Malamang hindi.

Pakaialam saakin nun, second option lang naman ako, back-up, etc.

Pumikit ako, para pigilan yung pagtulo ng luha ko. Huminga ako ng malalim.

May naramdaman akong tao sa harap ko, napadilat ako. Nanlaki ang mata ko ng magsalubong ang mata ko at ang isang pares ng mga mganda at mapupungay na brown orbs.

Naheadbat ko yung lalaki, sa sobrang bigla.

"Ow!" narinig kong sigaw niya.

Napahawak naman ako sa noo ko. masakit nga. Aray ku pu! Pero mas masakit yata yung sakanya, hala!

Kinalbit-kalbit ko siya, nakatalikod kasi siya. "Uy. Ayos ka lang ba?"

Lumingon siya, hawak-hawak niya yung noo niya na namumula. "Ayos lang ako. Sorry, nabigla ata kita."

Hinimas-himas ko yung noo ko, habang tinitignan yung lalaking naheadbat ko. In fairness may itsura siya. Mukha siyang mabait at maamong tupa.

"Bakit ka ba kasi nandito?" sabi ko.

ngumiti siya, at umupo sa tabi ko. "Nakita kasi kita kanina, pumasok ka dito, naisip ko na baka nawawala ka, kaya pinuntahan kita, kaso natutulog ka."

"Nakapikit lang ako." sabi ko.

Ngumiti ulit siya. "Halata nga. Pero nawawala ka?"

Tumango ako at inabot yung class schedule ko sakanya. 

"Tara. Oras na, hatid na kita. Magkatabi lang tayo ng room."

Tumayo kami, pinagbuksan niya ako ng pinto, at naglakad na papunta sa HS department.

Sean Abueva ang pangalan niya, kabatch ko siya, member siya ng student council, at candidate siya bilang chairman this year.

"Ano?! Katabi lang ng dorm ko yung building ko!" naasar kong sabi.

Tumawa siya at tumango. Grabe naman! Kanina pa ako hanap ng hanap, katabi lang pala. Ginagago yata ako nito e! 

Hinatid niya ako sa room ko, tinginan lahat saaming dalawa, siguro kasi member siya ng student council kaya sikat siya. 

"Alis na ako." sabi niya.

Ngumit ako. "Sige. Salamat."

papasok na sana ako, kaso hinila niya ako pabalik.

"Baket?" sabi ko.

Nahihiya siyang ngumiti saakin. "Ahh kasi. Di ko pa alam yung pangalan mo? Kanina pa tayo magkausap."

Ahh.

Tumawa ako, at inoffer yung kamay ko. "Andrea Rodriguez, but you can call me Andy."

Kinuha niya yung kamay ko, at nag shake hands kami.

Umalis din siya kaagad. Bulungan na yung mga classmates ko, lalo na yung mga babae. 

Di pa man ako nakakapasok talaga, ay may narinig akong malakas na sigaw.

"ANDY!!!!!" 

Nabaling lahat ng tingin kay Liz, sino pa ba? Kakahiya siya.

Tumakbo siya papunta saakin, at hinila yung braso ko.

"OMG. Sino yung kasama mong guy? Ikaw ah, ang bilis mong mag move on."

Inirapan ko siya. "Anong alam mo, nakakahiya ka, bitawan mo nga ako, di kita kilala." sabi ko.

Ngumisi siya. "Ano ka ba! Osya, mamaya na lang kita iinterbyuhin. May papakilala ako sayo, yung pinsan ko."

"Aanhin ko yung pinsan mo?"

Di niya ako pinansin, dire-diretso lang kame sa dulo ng kwarto. Lahat sila nakatingin saamin. 

Tinapik niya yung lalaki sa likod na natutulog. Ang bastos talaga nito! Ng di siya pinansin, ay konotong niya yung lalaki. Kawawa naman siya. 

"Aray ano ba!"

Hinila niya ako, at nanlaki na naman yung mata ko! 

Oh noes!

"Meet my cousin Bryce Josh Arellano!"

Fall Hard In Love. Again. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon