CHAPTER 7 (Part 2)
"Hoy! Buksan mo nga to!!" sigaw ni Liz.
Sabi na nga ba may nagsasalita e, pinatay ko yung music na pinapakinggan ko, at tumakbo sa pintuan para pagbuksan siya ng pinto.
Nakasimangot siyang nagmartsa at humiga sa kama ko.
"Sabi ko nga pasok ka e." sabi ko.
Inirapan niya ako, kaya inirapan ko din siya. Umupo ako sa gilid ng kama 'KO', dahil innoccupy niya halos yung buong kama.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi dito kwarto mo."
"Tinawagan ako ni Joshua, nagkukulong ka daw." sabi niya.
Tumawag siya?
"Tumawag siya?"
Umupo siya, at tinignan ako ng seryoso.
"Oo, first time yun. Ni minsan di pa ako tinext, tinawagan, or any sort of contact. Kaya anong nangyare?"
Ang dami kong gustong itanong about sa pinsan niya, pero pinigilan ko dahil alam ko kung paano tumakbo yung utak nun, at kung ako sa inyo ayoko ng malaman.
"Walang nangyare. Nagkukulong lang ako, kasi trip ko. Assuming ka talaga." sabi ko.
Mukha naman siyang naniwala kasi di na siya nagsalita, parang may iniisip.
"6 ako nun, nung ipakilala saakin si Josh. He's adopted. Hindi siya nagsasalita, at laging mag-isa. Pero after 2 years, medyo nag-improve naman siya kahit konti, namamansin, sumasama na saamin, at nakikipagusap pag kailangan. Pero ganun pa rin." seryosong kwento ni Liz.
Gusto kong sabihin na wala akong pakialam, o itanong kung bakit niya sinasabi saakin yung mga bagay na yun, pero di ko magawa. Kasi alam ko sa sarili ko na interesado ako, sobra, sa di maipaliwanag na dahilan.
Para kasing problem si Bryce na mahirap isolve. At ako naman yung estudyanteng sobrang obsess na masolve yung problem.
Hindi ako obsess kay Bryce, pero merong something sakanya, na inaatract ako. Parang magnet.
Ang dami kong gustong malaman, at syempre, hindi ako papayag na hindi masagot yung mga yun.
"Josh excel almost in everything. Magaling siya sa academics, madami din siyang extra curricular activities. At bukod pa dun tumutulong din siya sa pagmmanage ng business nila. Maraming humahanga at malaki ang respeto kay Josh, dahil sa mga nagagawa niya." pagpapatuloy ni Liz.
Expect ko na yun, kasi mukha naman talagang genius si Bryce.
"At ineexpect siya na magmanage ng company nila in the future, but I know Josh, hindi niya ginagawa ang isang bagay, dahil lang yun ang gusto nila. And auntie and uncle understand that. They're just so amazing and cool! Kung makikilala mo lang sila!"
I rather not thanks.
"Josh never dated anyone, maraming nagkakagusto sakanya, pero ni isa wala siyang pinansin. Wala pang nakakitang may kasama siyang babae bukod sa babaeng kapatid niya, sa mama, at syempre ako." Liz said, and smiled proudly.
If I know kinukulit niya lang lagi si Bryce at tulad ko, wala lang din choice si Bryce tulad ko. 'Never give up' yata ang motto ng babaeng to, at di ka talaga tatantanan hanggat di ka nag ggive in sa gusto niya.
"Marami ngang nagsasabi na baka bakla siya. Unbelieveable right? lalaking-lalaki yata yung pinsan ko!"
Ang hirap naman maimagine si Bryce na ganun, parang malabo.
"Wala naman akong problema sa mga gays, pero I just know that Josh is straight. I have gay friends, lots of them. So I know one when I see one."
"So why are you telling me these stuffs?" tanong ko.
Kanina pa kasi siya salita ng salita pero di ko alam kung bakit niya sinasabi saakin ang mga bagay na to out of the blue.
"I think Josh likes you." sabi niya.
Habang tinitignan ang mga perfectly manicured nitang mga kuko, na parang wala lang ang mga sinabi niya.
Tinignan ko siya, na parang may tumubo pang isang ulo sakanya.
Bryce? May gusto saaken? saaken? Nakadrugs yata to e.
"What?" tanong niya, with matching taas kilay.
"Get out of my room."
Napa nga-nga siya. Alam ko di niya expect na yun yung sasabihan ko.
"What? Why?"
Nagroll eyes ako. "You heard me."
Tinignan niya ako, at alam ko nag-iisip siya kung susundin niya ako o kukulitin ako. But I know she knows better.
"Fine. Pero babalik ako! This conversation is not over." sabi niya at tumayo.
"Yeah. Yeah. Don't forget to lock the door." I waved her off.
Lumabas na siya sa kwarto ko, alam kong di pa siya umalis agad sa unit namen, dahil narinig ko pa silang nag-usap ni Bryce.
I turn my iPod on again.
I think Josh likes you..
I think Josh likes you..
I think Josh likes you..
Liz words kept on replaying inside my head. Di ko alam kung anong naisip niya at nasabi niya yun.
That's so impossible.
Pero kahit ganun di ko pa rin mapigilan yung sarili ko na maisip yung mga sinabi ni Liz. Dahil tao lang din naman ako, ayokong magpakaplastik, gusto ko din naman na may magkagusto saaken.
Pero di ko talaga ineexpect na magustuhan talaga ako ni Bryce, dahil let's face it, Bryce is almost perfect, too good to be true. At ang chances na magustuhan niya ako ay masyadong malabo.
Come on! Si Josh nga di ko napain love saaken, si Bryce pa kaya? Na sobrang out of my league?
You tell me.
Ilang oras din akong nagkulong sa kwarto, pero dahil sa tawag ng pangangailangan, lumabas ako sa aking pibakamamahal na kwarto para pumunta sa CR at makakuha ng pagkain, dahil sobrang gutom na ako.
Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto, sumilip muna ako kung nasa malapit si Bryce, di pa rin ako ready na makita siya.
Mukhang wala naman siya, dahil sobrang tahimik paglabas ko.
Pagkatapos kong magCR ay dumiretso na ako sa kusina. Nagulat ako nung may nakita akong pagkain sa lamesa na may sulat sa ibabaw.
Kinuha ko yung letter, at binasa ko.
And guess who wrote it. Of course.
It's Liz.
No.
It's Bryce.
Di ko alam ang maffeel ko sa letter. Pero di ko mapigilan ang pag ngiti ko.
Andy,
Never starve yourself for stupid reason. Eat everything. And sorry for whatever I did. Eatwell.x
-Josh
BINABASA MO ANG
Fall Hard In Love. Again. (EDITING)
Teen FictionKung gaano kadali ang magmahal, ganun din kahirap ang mag let go at mag move on. Let go at move on, ang dalawang salitang magkaiba, na madalas na pinahahalintulad. Pero ang dalwang salitang ito ay may dalawang pagkakapareho din. Pareho silang: - Mad...