CHAPTER 4

24 1 0
                                    

CHAPTER 4

*Gulong**Gulong**Gulong* 

"Di ko na kaya to!" 

Tumayo na ako, at antok na antok na lumabas ng kwarto ko. Grabe ang init! Ang lakas na ng aircon, ang init pa din, nakakauhaw. 

Naffeel ko na yung El Nino!

Kanina pa talaga ako, nauuhaw, kaso tinatamad akong bumangon. Plano ko talaga itulog na lang, pero mas nanaig yung uhaw na dala ng init.

Haaay. 

Magkatabi lang yung kwarto namin ni room-mate, at chineck ko muna yung kwarto niya. Wala pa ring tao.

Kaasar yung room-mate kong iyon! Excited pa naman akong umuwi kanina, para sana mawelcome siya, kaso magdamag na akong naghintay sakanya, walang room-mate na dumating.

Sayang efforts ko! Nagluto ako, naglinis, at nagbihis ng presentable, tapos di siya dadarating.

"Bahala ka sa buhay mo. Kahit wag ka ng dumating pakialam ko sayo." sigaw ko.

Dire-diretso ako sa mini kitchen ng unit namen, di ko na binuksan yung ilaw kasi medyo maliwanag naman sa labas at pumapasok yung liwanag sa loob ng unit.

Pero ang weird, nakalabas na agad yung pitsil ng tubig, tapos may isang baso ng tubig sa lamesa. Pero di na ako nakapag-isip sa sobrang uhaw.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng tubig ng mapansin ko yung lalaking nakasandal sa may lababo. Nabuga ko yung tubig na iniinom ko, at napasigaw ng malakas.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

Di ko masyadong nakita yung mukha niya, pero parang nagulat siya, at natatarantang tinakpan yung bibig ko.

Ang lakas niya, di ako makapalag. 

After ng ilang minutes na pagpalag ay sumuko na ako. 

Naramdaman ko yung hininga niya sa buhok ko, sa mukha ko, at sa tenga ko.

"Kahit kailan, ang ingay mo." mahinang bulong niya saakin.

Napasinghap ako. Nagsitayuan lahat ng balahibo ko, parang nakaramdam ako ng kuryente sa buong katawan ko, at nanlambot ang tuhod ko.

Dahan-dahan niyang inalis yung kamay niya sa bibig ko.

Agad akong lumayo sakanya, at binuksan yung ilaw.

Naka puting V-neck at naka grey na sweat-pants siya. Ganun pa rin yung buhok niya magulo, yung mga mata niya inaantok, habang yung bibig niya nakangisi. 

Ganun pa rin siya, perfection. 

"Anong ginagawa mo dito Bryce?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot, tinignan niya lang ako, mula ulo hanggang paa, tsaka siya humalakhak.

Tinginan ko yung sarili ko, at gusto ko ng maglaho na parang bula ng mga oras na yun. Naramdaman kong uminit yung mukha ko at sigurado ako na namumula ako na parang kamatis.

Bakit ko ba nakalimutan isuot yung robe ko? Nakasuot lang pala ako ng malaking loose na sando, at under-wear. Di kasi ako komportableng nakashorts, madalas nga naka under-wear lang ako.

Tumakbo ako, pabalik sa kwarto ko. Grabe! Anong mukhang ihaharap ko sa lalaking yun? Nakita niya na yung buong kaluluwa ko.

Paano pa ako makakatulog niyan? Gising na gising na yung buong kaluluwa ko?

Kainis yung lalaking yun.

*Gulong**Gulong**Gulong*

Waah! Kainis! Naiihi na ako.

Pero di ako lalabas, baka andun pa yung manyak na yun. 

Ang dami-dami naman kasing lalaki diyan, bat kailangang siya pa yung maging romm-mate ko? Pwede naman si Sam? Sam ba yun? O Shaun? Basta yung member ng student council.

Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan ng kwarto ko, sumilip muna ako kung andiyan pa yung lalaking yun. Mahirap na.

Sinigurado ko munang naka shorts ako, nagpalit na din ako ng malaking t-shirt. Wala na sigurong mapapansin yun ano? 

Ninja style ako kung maglakad papunta sa CR, dadaanan muna kasi yung kwarto ni Bryce, bago yung CR, kaya dapat maingat, baka biglang sumulpot.

"Kaasar! Kanina pa ako naasar dahil sa gwapong lalaking yun! Bahay ko din to, pero bakit kailangan kung gumanito-ganito?" naiinis kong tanong sa sarili ko.

Ewan ko ba naman kasi sayo, anong pinag-gagawa mo, para kang tanga diyan. sabi ng utak ko. Tss. Di marunong makisama.

Yung katawan ko, yung utak ko, tsaka yung puso ko di marunong makisama. Lumalandi kaagad!

Tandaan mo di reason yung pagiging heart-broken para lumandi ka andy, ano ka ba! Try mo pa ding kontrolin sarili mo. Iwas-iwas muna sa mga guys, kung ayaw mo na naman masaktan at kung ayaw mong may masaktan ka.

Saktan agad? Haliparot mo girl.

Naglakad ako ng 'MAAYOS' papuntang Cr, at dire-diretsong pumasok.

Nagtama ang dalawang mata ko, sa isa pang dalawang magandang pares na may kulay itim na mata.

Andy, wag kang titingin sa baba! Wag na wag kang titing-

OHHHHHHHMYYYYYYYYY.

"Ahh." sabi ko, habang pinipilit kong alisin yung tingin ko kay Junior niya.

"Sa susunod mag lock ka." sabi ko at nagkunwaring walang nakita at walang pakialam na bumalik ako sa kwarto.

Lutang akong humiga sa kama ko, at nakatitig lang sa kisame.

Kumuha ako ng unan at tinakpan yung mukha ko.

"Waaaaaah!"

Ang HABA-HABA ng gabing to, ang daming nangyari.

Ang daming nakita na di dapat makita.

Baliw ka talaga Andy! Ang Tanga mo!

Wala na yung inosente kong mga mata at utak, nadungisan na!

Sana di ko mapanaginipan yung nakita ko.

Fall Hard In Love. Again. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon