CHAPTER 2

32 2 0
                                    

"OMG. You look human." sabi ni Liz.

BASAG!

Andun na e, mattouch na ako sakanya, kasi feel na feel ko na ang ganda ko, tapos feel ko rin sasabihin niya din na ang ganda ko na, pero gaganyan siya.

Inirapan ko siya. "Darling, wag kang mainsecure saakin kahit mas gumanda na naman ako sayo." sabi ko sakanya.

Tumawa siya ng pilit. "Baby, you wish."

Tumawa kaming pareho. Nakaka-asar kami no? Ang bitch namin na ang sweet namin sa isa't-isa? Ganyan talaga pag magbestfriends. 

Nasa salon pala kami ngayon, nagpa-ayos si Liz, habang ako naman, nagpagupit. Yung dati kong mahabang buhok, ngayon ay maikli na, saktong tumaas lang mula sa balikat. Habang si Liz naman, ay palibhasa mayaman, kaya nagpagupit, nagpakulay ng buhok, nag pa linis ng kuko, nagpa hot oil, at marami pang iba at ayoko ng pag-usapan.

Ang ganda ko, promise. Nagmukha nga akong tao, tulad nga ng sinabi ni Liz. At wag ka, yung mukha ko, minsan lang matawag na maganda.

"Tara na, kailangan ko pang, magshopping!" sabi niya at hinila ako palabas ng salon.

Hinila ko naman yung kamay ko sakanya, at tinignan siya ng masama. May-nakakalimutan-ka-ba look?

Tinaasan niya ako ng kilay. "Ano?"

I rolled my eyes. "Duh. Ngayon ako mag-eenroll."

Hinila niya ako ulet, at kinaladkad ako. "Mamaya na, sasamahan kita, sabay na tayong mag-enroll."

Hinila ko ulit yung kamay ko sakanya. At tinignan siya ng masama. "Anong ibig sabihin ng sabay na tayo?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

Pilit siyang tumawa. "Ano kasi...Mamaya na lang. Shopping muna tayo. Promise sasabihin ko."

"Ayo-"

Di ko na natapos ang sasabihin ko, dahil hinila niya na ako at kinaladkad, sa bawat store ng mall. 

After ng ilang oras, ng pagkaladkad niya saakin, at pagbili ng kung ano-ano na di naman kailangan, ay yinaya ko na siyang kumain muna.

Pagkatapos naming kumain sa Pizza hut, ay dumiretso na kami sa sasakyan, papuntang school.

"Napagdesisyunan ko na lilipat din ako sa school na lilipatan mo." she blurted.

Di ko mapigilang mapaNGANGA.

Di ko alam ang irereact ko, dapat na ba akong matouch? 

Magsasalita na sana siya, pero tinaas ko yung kamay ko para patahimikin siya.

"Give me minute to process this new infromation you just told me." sabi ko.

Liz rolled her eyes and shrugged, but shut her mouth anyway.

Akala ko pa naman, Liz free na ako! 

Gusto ko lang naman, ma experience na wala siya sa tabi ko, de joke lang, ayoko sakanya, nakakasawa siya.

"Wag ka na. Nakakasawa ka na." sabi ko.

She rolled her eyes again and pouted. Eew ahh. Kadiri.

"Stop being a bitch, okay? Lilipat ako, kung gusto ko." sabi niya.

I groaned. Simula nung bata kami, ay siya na ang kasama ko, dahil magkaibigan ang pamilya namin, no choice ako kundi pakisamahan siya, at the rest is history.

Kung ikaw, di ka ba magsasawa?

"Bat ba kasi kailangan mong lumipat?" sabi ko.

Nasa parking lot na kami ng university na lilipatan ko. Napagdesisyunan ko ng lumipat ng school, parte ng 'Starting Over' ko.

O diba? Toni lang ang peg.

"Wala kang pakialam. Di naman ikaw, nagpapa-aral saakin, di ba?" she snapped

Fine.

So nag-enroll nga kami, andami naming pununtahan, at pagod na pagod na ako. Di ko pa man nga nalilibot talaga yung university na to. Nakikita ko palang na medyo, matanda na yung university, pero classy at elegante pa ring tignan, tapos malaki siya at malawak. Marami din iba't-ibang building, depende kung anong department.

"CR lang ako." paalam ni Liz.

Pero dahil di ako mapakali sa iisang lugar, ay naisipan kong lumibot sa bago kong school. May 15 buildings ang school na to per department, hiwalay pa yung main gate(main entrance) at mga side gates, yung gym, yung oval, yung green house, yung chapel, yung mga canteens per building sila, at yung mga dorms.

Di ko namalayan na dinala naman ako ng paa ko, sa green house. Di ko alam kung bakit, pero yun lang kasi yung naisip ko na tahimik at yung makakapag-isip at makakahinga ako ng maayos.

Di ko mapigilang mapaNGANGA sa tumambad saakin, maraming mga halaman at mga puno (Syempre green house. Duh.), may mga tables at upuan, may mga benches naman sa ilalim ng puno, transparent yung ceiling kaya sigurado maganda dito pag gabi, tapos sa gitna ng green house ay isang maliit na pavillion.

"Wow! Ang ganda naman dito!" sabi ko.

Naglibot-libot ako sa green house, hanggang sa makapunta ako sa pavillion. Nagbaliw-baliwan ako, kumanta, sumayaw, umarte, at syempre nag-ingay.

"Cause you make me feel like i've been locked out of heaven! Thank you fans!" sigaw ko.

Sobrang ganda, parang nasa heaven na ako.

*Whoosh*

May narinig akong gumalaw sa likod ng puno, sa likod ng pavillion. Kinabahan ako, dahil baka isang multo o isang mabangis na hayop yun. Paano ko pagtatanggol yung sarili ko? 

May biglang lumabas na isang lalaki. Di ko mapigilang mapaNGANGA. Grabe lord! sabi ko lang naman PARANG nasa heaven ako, wag mo naman totohanin.,

Yung kasing lalaki ay parang anghel sa langit na pinadala sa lupa, para magpalaglag ng lalaki ng mga kababaihan. OmyG. He's so gwapoo!

Sobrang itim at mukhang malambot yung buhok niya, ang pupungay ng mga mata niya at ang haba ng mga plik-mata, ang tangos ng ilong, magandang panga, at kissable red lips. 

Di ko mapigilang matulala, at mamangha. Tinitigan niya ako, at sumimangot. Dahan-dahan siyang lumapit saakin, ang swuave ng bawat kilos at lakad niya. Di ako makagalawa sa pagkakatayo ko, parang nahypnotize ako.

Lumapit siya saakin, di inaalis yung titig niya. Nakakatunaw yung black niyang mga mata.

"Ang ingay mo."

Bigla niyang hinawakan yung baba ko, at sinara yung kanina pa palang nakaNGANGAng bunganga ko.

Ngumis siya. "Breathe, love." sabi niya at humalakhak palayo.

Parang aso ay sumunod ako sakanya, kanina ko pa pala pinipigilan ang sarili kong huminga. 

Lutang ako, nung nahanap ako ni Liz, na inis na inis a nagddrama.

Di ko siya pinansin.

Isa lang kasi ang tumatakbo sa utak ko. Isang tanong.

What the hell happened?

Fall Hard In Love. Again. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon