Part 3

5.2K 39 0
                                        

Lizelle's Pov.

"Nakita niyo na ba yung bago nating kaklase?" Yan ang bulong bulongan ngayon sa classroom, may ano ba sa bagong kaklase namin?.

"Ang ganda niya! Nakita ko siya kanina na kausap si Ms. Madeline" sabi ng kaklase kong lalaki habang nag twitwinkle ang mata niya. Parang hindi na sila sanay makakakita ng maganda.

Nakinig na lang ako ng musika kesa sa bagong kaklase na pinag-uusapan nila. Hindi pala pumasok si Faye dahil pinauwi siya sa kanila.

Bigla na lang dumating si Ms. Madeline kasama ang bago naming kaklase pero nasa labas pa ata ito. At naging tahimik ang mga kaklase ko.

"Goodmorning Class, alam kong excited na yung iba sa inyo para makilala ang bago niyong kaklase. Ms. Mariano pwede ka nang pumasok." Sabi ni maam at tumingin sa labas ng pinto. Pumasok na din yung si Ms. Mariano na sinasabi ni maam.

Pagpasok niya pa lang napa nganga yung iba naming kaklase lalo na yung mga lalaki, ako? Cool lang ako. Inaamin ko na maganda siya, maputi matangkad lahat ng gusto ata ng lalaki sa kanya.

"Hello! I am Isabelle Mariano. Please take care of me"  pagpapakilala niya samin.

"Don't worry i will take care of you" sigaw ng kaklase kong lalaki. Kaya natawa sila pati na si Isabelle.

"Pwede ka ng umupo Ms. Mariano" sabi ni maam sa kanya. Kaya naghanap siya ng mauupuan at nagkasalubong yung mata namin. Nabigla na lang ako nung..

"Lizelle Seven Alvarez?!" Huh kilala niya ako? Lumakad siya papunta sakin. Tinignan niya yung I.d ko .

"So its you" mas nabigla ako nung hinalikan niya ako. Pero mas mas mas nabigla pa ako sa sinabi niya.

"Hello there my Fiance" at ngumiti ito ng napakaganda na makalaglag brief mo pero naka panty ako kaya hindi mahuhulog to.

------

Lumabas ako ng classroom pagkatapos ng eksena na ginawa ni Isabelle. Wtf Fiance? Hindi ko nga siya kilala. Pero alam ko kung sino makakasagot ng mga katanungan na sumasagi sa isip ko. Si Papa! Siya lang naman ang may kapakana nito. Arghhhh!

Tinawagan ko ang opisina ni Papa pero wala siya kaya pumunta ako ng bahay.

"Why are you here?!" Tanong ko sa kanya. Edi sino pa si Fiance ko daw.

" Pinatawag ako ni Tito Severino kala mo naman ikaw pinunta ko assuming" sabi niya habang confortable na nakaupo.

Tsk. Assuming my ass. Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso sa study room ni papa. Kumatok muna ako.

"Come in" sabi ng boses na nasa loob. Kaya pumasok agad ako.

"Pa ano yung sinasabi ni Isabelle Mariano na fiance ko siya?" Tanong ko agad sa kanya.

"Totoo yun anak" sabi niya na deretsong nakatingin sakin. Totoo nga.

"Hindi mo man lang ba tatanongin kung ano mararamdaman ko?

"Its for your sake" seryosong sabi niya sakin.

"Pa! May girlfriend ako!" Maluhang luha kong sabi sa kanya.

"Break up with her"

"What! No way!" Pag di ko sang ayon sa sinabi niya. Ayoko ng makinig sa walang kwentang sasabihin niya kaya lumabas ako.

"Alam mo kong ano magagawa ko kapag hindi mo sinunod ang sinabi ko Seven!" Sigaw niya sa kabilang pinto. Tsk!.

Nakita ko pa din na nasa sala si Isabelle hindi ko pa din pinansin ito at pumasok na lang sa kwarto. Nilibot ng paningin ko ang kwarto ko its been 3 months na hindi ako nakabalik dito after ng namatay si Mama. Nagbago na din si Papa after nuh , naging busy na sa work kaya napag-isipan ko na mag dorm na lang at nakilala ko dun si Faye. Shits si Faye pala!.

Tinignan ko ang phone ko at madaming call at tawag na galing sa kanya. 7 pm na pala hindi ko man lang  napansin ang oras dahil sa fiance na yan. Tinext ko siya at tumawag naman ito.

"Hello? Babe sorry hindi ako nakatext o tawag sayo" sabi ko sa kanya.

"Alam ko na" malungkot na sabi niya.

"Ha?" Hindi ko kase na gets kung ano ibig niya sabihin.

"Let's end this"

"What do you mean?" Tanong ko sa kanya at kinakabahan na ako.

"Yung tayo" at pinatayan niya ako ng phone.

"Faye" bumuhos na lang yung luha sa mga mata ko. Kahapon ang saya2 namin pero bakit ganun lang kadali.

Knock knock knock!

Natapos ang pag eemo ko nang may kumatok.

"Señorita! Pinapatawag ho kayo ni Señor" sabi ni Yaya Melia

Lumabas na lang at nakita ko si Papa na nasa sala. Buti naman wala na si Isabelle.

"Pa, pinapatawag niyo daw ako"

"Nakipag break kana ba?" Tanong niya sakin.

"Nakipagbreak siya sakin"

"Thats good edi wala na pala tayong problema" masayang sabi niya.

"Can i go to my room now?" Walang ganang sabi ko sa kanya.

Tumango naman ito , mabilis akong pumasok sa kwarto ko at binuhos ang mga hinanakit . Nakatulog na lang ako sa kakaiyak. Deym!




------
Dahil sa votes niyo ginanahan ako mag update. Heheh .Sorry kung hindi pa gaano ka expert sa BS.
Di ko alam kung saan patunguhan ng story na to pero ill try my best. Kamsahamnida!

Manyak Feels (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon