Part 9

1.3K 6 0
                                    

Lizelle

Hindi ako nakapasok ngayon sa school dahil nilagnat ako. Nabasa kase ako ng ulan kahapon timing din nagbuhos ang ulan pati na din ang luha ko ng hinanap ko kahapon si Faye. Pero ayaw ata kami ng tadhana na magkausap.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Isabelle. Kagabi pa siya nandito sa bahay nakita niya kase akong nakatayo lang habang umuulan. Nakalimutan ko kasi na sasama kami uuwi kahapon kaya hinanap niya ako. Nawala din sa isip ko yung sinabi ko sa kanya ng nakita ko si Faye. Faye na naman. Palapit siya sakin na may dalang soup. Siya kase nag-alaga sakin.

"Sexy naman ng nurse ko at maganda pa"  tinignan ko siya pababa pataas. Namula naman siya.

 

"Kumain kana lang kaya" sabi niya habang umiiwas  ng tingin.


"Subuan moko" paglalambing ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit minsan ok lang siya sakin pero pag iniisip ko si Faye. Naiinis ako dito kay Isabelle siya kase dahilan kung bakit wala na kami ni Faye. Ano kaya kung paibigin ko siya at iwan?


"Fiance mo kaya yan, at matatali kana" ang supportive niya ah.


"Hindi pa naman kami kasal"


"Baka pagsisihan mo pa yan" sabi niya.


"Bahala na"


"Ahh" hiyaw ko eh sinubuan lang niya kase ako at take note mainit pa yung soup. " bat mo ginawa yun" tanong ko sa kanya.


"Nakakangalay kaya at kanina kapa natulala dyan" arte din minsan.


"Oo na subuan mo na ko before that hipan mo muna" sabi ko sa kanya kaya hinipan niya naman ito.


"Chu chu chu" pangagaya niya sa tunog ng train habang sinusubuan ako.


Napanguso naman ako sa ginawa niya " hindi na kaya ako bata".


bigla ba naman akong halikan at ayun na naman siya bilis na inilagay sa bedside table ang soup at nagmadaling umalis. hay nako Isabelle pag hinalikan mo ulit ako alam ko na ang gagawin ko. napangiti na lang ako habang iniisip ang ginawang paghalik niya sakin. hindi naman siya siguro mahirap mahalin.









Nakapasok na ako sa school, magaling kase ang nurse ko. Natatawa na lang ako sa nangyari sa amin ni Isabelle, mabait naman siya. Nakita ko si Brea magkaklase pala kami pag naalala ko na naman yung sinabi niya sakin parang makakapatay ako ng tao. Mahal ko pa din kase si Faye kahit napagtuunan kong kilalanin si Isabelle.  Alam ko kase na may gusto siya dun pero hindi ko akalain na sasabihin niya yun mismo sakin. Sarap suntokin ng pota! Kaasar pa tong prof namin. Exam kase namin at open notes naman, dahil malayo ako hindi ko makita naka project lang kase exam namin. Tamad talaga bat nag prof pa siya. Ayun tumayo ako habang hawak2 ang phone ko tapos pinagalitan pa ako dahil baka pinicturan ko duh talaga. malay ko bang hindi pwede yung soft copy dapat daw hard talaga. Tinapos ko na lang ang exam sabay labas si Brea naman ngumisi pa nung pinagalitan ako at sayang hindi ko kaklase si Isabelle sa subject na yun.


Pumunta na lang ako sa library para mag-aral sa isang subject ko.


"Sus mang chichicks ka lang."kontra ng isip ko.


Peaceful kase dun nu ka ba.


"Blah blah blah chicks"


Tss.


"Ouch" hindi ko na namalayan may nakabangga na pala ako dahil sa kakausap sa sarili ko.  Nagulat pa siya ng nagtinginan na kami.


"You again?!"


"The one and only" nakangisi kong sabi " I didn't get your name babe and ehem number" Kunwaring tikhim at sabay lahad ng phone ko sa kanya.


Tinignan niya lang yung phone ko "Babe your ass!" Agad niya naman akong tinalikuran. Napangiti na lang ako big deal ba yung paghalik ko sa kanya.hahaha Nag-aaral pala siya dito hindi ko man lang alam ngayon ko lang kase siya nakita.


"busy ka kase sa pag landi kay Faye noon" sabi naman ng isipan ko.

 

Excuse me?.Kahit kailan kontrabida talaga to.


"Whatever"


Lumakad na lang ako papuntang library at umupo kung saan makikita ko yung mga pumapasok.

Pero mali ata ang pag upo ko dito kase habang may papasok nadidistract ako tinitignan ko agad.  Madami din palang magaganda dito sa school. Habang busy ako kakatingin sa mga pumapasok at sa mga maganda din babae nasa harapan ko namalayan ko na may nakatingin sakin. Tinignan ko yung sa left side at tama nga ako napataas pa ng kilay yung babae ng nagtitigan kami. Nginitian ko na lang siya at inisnob naman ako. Maganda naman sana kaso mukhang maarte. Tumayo naman yung babae kasama yung mga alipores niya at aalis na ata sila kase papunta sila dito sa exit. Pinasadahan ko siya ng tingin infairness ang sexy niya, yung boobs niya malaki din na gusto lahat ng lalaki. Hmmm.. tumaas pa ang tingin ko sa kanya at nagkita ang aming mata.schoocks parang mangangain siya ng tao. Nginitian ko lang siya hanggang sa nakalabas na.


"Buhay pa ba ako?" Bulong ko sa sarili ko. At nilagay yung kanang kamay ko sa puso ko kung humihinga pa ba ako.


"Oo, buhay ka pa" sagot naman ng isip ko.


"Hays, buti naman namatay na ata ako sa isipan ng babaeng yun"


Napagpasyahan ko na lang na lumabas sa lib at pumunta sa c.r ihing ihi na kase ako dahil dun sa tiger look ng babae.


Dahil wala naman atang tao hindi na ako kumatok kase nakabukas naman siya ng kunti. Nang nabuksan ko na nagulat na lang ako dahil may tao pala. Shiiits. At nakita ko yung ilalim niya may forest lake pa pala. Nakakita na ako nyan nakakagulat lang kase. Naramdaman ko na naman sa kanya ang pangalawang malutong na sampal yes she's the girl i kissed in the bar, na straight daw sabi ni Mon.


"Arghhhhhhh! Manyak!" Sigaw niya sakin at tinulak ako tsaka siya lumabas. Mabuti nalang naka kapit agad ako sa sink. Napahilamos na lang ako ng buhok kasalanan ko ba na hindi siya marunong maglock?! Lumabas na lang ako sa c.r na hindi na umihi nawala ata ng nakakita ako ng forest lake. Tsk.

 

Pumasok na lang ako sa isang subject ko at hindi na ako nakapag-aral dahil sa mga babaeng yun.


"So kasalanan pa nila?" Kontra naman ng isipan ko. Dinedma ko na lang dahil time na talaga.



Manyak Feels (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon