Part 8

1.5K 9 1
                                    

Lizelle

"Stop pretending"

"Ha?"

"Stop pretending that you don't care"

Kausap ko ngayon si Mon at sinabi niya ang dahilan niya kung bakit pinaalis niya ako ng pwersahan sa bar niya nung nakaraang gabi.Tama nga ang hinala ko siya nga ang nakita ko.

"Liz to Earth" arte niyang sabi

Duh " wala na akong pakialam dun"

"Yung totoo girl? Hahaha" pabebe niyang sabi sabay hampas sa balikat ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Fine fine fine. Oh siya alis na ako . Pag-isipan mo yan byee" sabi niya at tinanguan ko na lang siya.

Yokong isipin yung sinabi niya kaya nagbihis na ako para pumasok ng paaralan isang linggo na kase akong absent. Pagdating ko sa paaralan nakatingin sakin yung ibang estudyante. Tss. Ngayon lang ba ulit sila nakakita ng maganda. May nakita akong nagkukumpulan na mga estudyante kaya nilapitan ko sila.

"Uy ano yan" tawag ko ng pansin nila.

"Ay ikaw pala Liz nakabalik kana pala" sabi ng isang kaklase ko.

Tinignan ko siya at binigay niya naman yung phone na tinitignan nila kanina. Pagkakita ko hindi na ako napagulat. Napa tsk na lang ako binigay ko na sa kaklase ko yung phone niya. At nalaman ko na kaibigan din niya pala yung nag pa kalat ng nudes photos ni Stacy na isa sa mga kaklase ko. Hindi mo talaga minsan mapagkakatiwalaan ang isang tao kahit kaibigan mo na. Pumasok na lang ako kesa makikipag chismisan sa mga chismosa't chismoso.

Nakita ko naman si Isabelle na papasok, kaklase ko pala siya . Akala ko uupo siya sa tabi ko kase magkatabi naman kami pero umupo siya sa kabilang upuan na malayo sakin. Ipinagwalang bahala ko na lang yung inasal niya. Natapos din ang klase sa wakas na napaka boring history kase. Pumunta na ako sa parking lot kase dun ako sa mall mag lulunch magkikitaw kami ni Bren. Ipapasok ko na sana yung susi ng makita ko si Isabelle kasama ang lalaki na hindi ko kilala at ang  ganda pa ng ngiti habang kausap ang lalaki. Lumapit ako sa kanila.

"Ehem" nagtikhim ako kunwari at nagulat pa si Isabelle nang makita niya ako.

"Tanghaling tapat nag lalandian" bulong ko sa sarili.

Tinignan niya lang ako, yung lalaki naman parang naglalaway ng makita ako. Aso ata to eh.

"Nandito kana pala baby bat hindi mo ako tinext o tinawag man lang, tara na lunch na tayo" hinawakan ko ang kamay niya at inilayo siya sa lalaki.

Nagulat naman ang lalaki sa sinabi ko " ahmn wait may date kase kami ni Isabelle" pagpigil niya samin.

"Sorry ha? Hindi ba sinabi sayo ni Isabelle na may fiance na siya at ako yun" pagkasabi ko nun umalis na ako siempre kasama si Isabelle habang hawak ang kamay niya. Isinakay ko siya sa passenger seat at bago ako sumakay  napangisi ako sa lalaki at nakita ko ang mukha niya na luging lugi. Tinext ko na lang si Bren na hindi na kami makakasabay mag lunch kase kasama ko ang fiance ko at nag ok naman ito.

" anong ningiti ngiti mo dyan?" Tanong ko sa kanya ng nakasakay na ako.

"Wala"

Nakita kong hindi niya pa nakabit yung seatbelt niya kaya ako na ang gumawa.

" dapat kase magseatbelt ka " sabi ko sa kanya habang kinakabit ko. Nang tumingin ako sa kanya ang lapit na ng mukha namin hindi ko maiwasang titigan ang mapula niyang labi. Hahalikan ko sana siya pero bigla din itong nag iwas at siya na lang nagkabit ng seatbelt niya. Bumalik na lang ako at nag drive. Nag lunch kami ni Isabelle na hindi nag uusap hanggang sa bumalik kami sa school.

Lalabas na sana siya ng kotse pero pingilan ko siya at nauna akong lumabas at pinagbuksan siya ng pinto.

"Thank you" sambit niya

Nginitian ko naman siya ng nasa labas na kami at hinalikan ko na siya sa labi " Byee kita na lang tayo mamaya" nagmadali akong lumakad palayo sa kanya at naiwan ko siyang tulala sa kotse. Hahaha.

Nang nasa classroom na ako pinag- uusapan pa din nila yung mga picture ni Stacy. Tsk tsk. Bahala sila . Umupo na lang ako sa upuan para hintayin si Miss Maricar na siyang Physics teacher namin plus super hot. 

Lumapit sakin yung isang kaklase ko na babae. Brea ata name nito " totoo bang fiance mo si Isabelle?" Tanong niya sakin.

"Why?"

Napangisi siya bigla " edi mas ok yun. Walang sagabal pag maging kami ni Faye"

Napataas yung isang kilay ko nung sinabi niya yun. Aakmain ko na sana siyang suntukin ng makita ko na naman siya pero nawala din agad. Arghhh. Pagtingin ko sa kausap ko wala na yung hinayupak niya. Nagmadali akong pumunta sa kung saan ko siya nakita at tumingin sa paligid pero wala na siya. Napatingin na lang ako sa langit at naalala ko na naman ang lahat.






Faye....

---

Short update

Manyak Feels (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon