Part 12

924 16 4
                                    

Lizelle

Pagkatapos ng klase ko umuwi ako agad kase wala lang, wala naman talaga.  Papasok na sana ako sa condo kaso nakita ko si Isabelle na may kasamang babae pero hanap din ata babae. Gayradar
Napasinghap ako ng hinalikan ng babae si Isabelle sa pisnge.


Pumasok din ako agad ng naramdaman ko na nakatingin sakin si Isabelle. Narinig ko pa na tinawag niya ako pero hindi ako lumingon at nagmadaling pumasok sa elevator. Isasara ko na sana ng pigilan niya ito.

Narinig ko na kinakausap niya ako pero hindi ko pa din siya pinapansin. Bahala siya at buti nga tumahimik na siya.


"Akala ko na kung anong nangyare sayo nag date ka lang pala" mahinang sabi ko sa sarili ko pagkalabas ko ng elevator. Sinundan lang naman ito.


"Hoy" tawag niya sakin. "Hoy" tawag niya ulit.


"May pangalan ako!" Sigaw ko sa kanya ng nakapasok na ako sa kwarto ko. Kala niya.

Humiga ako sa kama at pumasok na naman ang eksena kanina sa isipan ko.


"Nagseselos ka lang" sabi ng isipan ko.

Hindi ako nagseselos...

Hindi ako nagseselos...

H-i-n-d-i a-k-o n-a-g-s-e-s-e-l-o-s!

Pilit ko sa sarili ko bakit naman ako magseselos diba? Naiinis lang ako, tama naiinis lang ako kase kanina pa ako text at call sa kanya pero ano? Pinaghintay ako sa wala. Tapos makikita ko siyang may kasamang iba? Makipag date lang.

Pumasok na lang ako sa bathroom para maligo para mawala yung eksena na iniisip ko kanina pa. Nakarinig na lang ako ng katok sa pinto. Nakatapis na
ako lumabas sa bathroom at binuksan ang pinto.

"Ano ang kailangan mo?" Tanong ko sa babaeng nakatayo sa labas ng pinto ko. Pero hindi pa din siya sumasagot.

"Tumutulo laway mo" sabi ko pa kase nakatingin lang siya sakin. Kaya dali2 niya naman pinahid yung bibig niya at nung nalaman niyang wala naman nakita
naasar siya. Napangiti naman ako sa loob ko

"Baka ikaw ang may kailangan sakin" sabi niya na naka pa meywang. Napakunot naman noo ko ako pa ang may kailangan ha!.


"Bakit naman ako ha?"

"Bakit mo ba ako tinadtad ng text at tawag?" Tanong niya sakin. Napaisip naman ako bakit nga ba?.


"Wala lang " saka sinarhan ko na siya ng pinto.


"Hindi pa ako tapos!" Sigaw niya sa kabila. Hinayaan ko na lang siya. Siya din naman ang mapapaos.


Nagbihis na lang ako para matulog. wala na akong ganang kumain.


Ilang oras na ang nakalipas pero gising na gising pa din ang diwa ko. Arrggh!. At yung eksena na namang yun ang pumapasok sa isipan ko. Nagbihis ako ng damit pupunta na lang ako sa Bar ni Mon. Pero bago ako umalis kumatok muna ako sa kwarto ni Isabelle wala lang gusto ko lang. Pero wala pa ding sagot kaya pinihit ko ang doorknob at ang swerte ko bukas ito paano na lang kung may ibang pumasok dito. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita kong tulog na pala siya. Naka nighties lang ito at wala pang kumot kaya makikita mo ang kinis ng kutis niya. Nakaka engganyo parang sinasabihan ako  "come baby touch me" di pwede! Naiinis ako sa kanya. Tinignan ko na lang ang mahimbing niyang mukha hanggang napadako ang tingin ko sa labi niya. Bakit ba parang kinakausap ako ng katawan niya. At eto pang lips niya parang nagsasabi ng "kiss me" ok lang naman siguro yun. Kaya hinay2 ko siyang hinalikan buti na lang tulog mantika siya at hinalikan ko din siya noo bago umalis.

Manyak Feels (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon