Part 5

2.9K 9 0
                                    

"Oh iha gising kana pala" sabi sakin ni Tiya Concia na kapatid ni Papa. At hawak2 nito ang mga pinamili para sa piyesta. Yeah nandito ako ngayon sa probinsya kakadating ko lang kagabi at natyempohan din na bisperas ng pyesta nila ngayon. Dali2 akong pumunta kay Tiya Concia para kunin ang pinamili niya.

"Sus kang bata ka, wag na bisita ka dito" pagtanggi niya sa pag tulong ko. Tinawag niya na lang si Pakito na kunin na lang ang pinamili nito.

"Mamasyal ka muna dyan sa labas iha at kami na ang bahala dito" sabi niya sakin sabay alis papunta sa kusina.

Lumabas na lang ako sa bahay at lumakad lakad. Dahil hindi ako kagabi naka masyal dahil nakatulog agad ako nang dumating ako dito at naintindihan naman iyon ni Tiya Concia. Tumingin ako sa paligid kahit bisperas pa lang madami ng tao na nagsasayahan at maraming ginagawa. Maganda ang simoy ng hangin dito sa probinsya nakakalimutan mo ang mga problema. Hays oo nga pala si Isabelle, pumunta siya sa bahay para sabihin na sa iisang bubong na daw kami titara. Wtf diba! Kaya dali2 kong pinuntahan si papa at totoo nga ang sinabi ni Isabelle kaya naisipan ko muna umuwi dito.

"Ateeee Lizzzz!" Tawag sakin ni Maca na pinsan ko. Isang taon lang naman ang agwat ng edad namin.

Kaya kumaway ako sa kanya pero hindi lang pala siya nag iisa at natuon yung pansin ko sa babaing kasama niya. Parang nag sloslow mo siya habang palapit sakin.

"Ateee?" Nagtatakang tumingin siya sakin. Nakalapit na pala sila.

"Huh?"

"Ganyan na ba ako kaganda para ma tulala ka?" Pagmamayabang niya sakin na malapad ang ngiti.

"Ha ha ha biglang lumakas ang hangin dito sa labas" sabi ko sa kanya at bigla niya naman akong binatukan.

"Hahaha"

Natigil lang kami ng napansin namin na tumatawa na ang kasama niya.

"Ay ate si Rica pala, kaibigan ko sa Manila. Rica si Ate Liz pinsan ko" pagpapakilala niya samin sa isa't isa. Nakipagkamay ako kay Rica na hindi niya naman tinanggihan. Ang lambot ng kamay mga bes.

"Hmm Liz na lang" ngumingiti habang hawak pa din ang kamay niya. Hindi ko na alam kung ilang segundo na ang lumipas na nakipagtitigan ako sa kanya.

"Ahem" nabitawan ko lang ang kamay niya ng tumikhim yung pinsan ko. "Ehh bakit Liz lang?" Naka smirk na tanong ng pinsan ko. Kaya tinignan ko na lang siya ng makamandag. Hahah

Napagpasyahan na lang namin na mamasyal at pumunta sa peryahan na malapit lang dito sa bahay ni Tiya Concia. Ngumingiti ako habang pinapanood sila ni Rica na naglalaro sa color×color. Ang ganda talaga niya.

"Sino?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko. Tinignan ko naman kung sino.

"Bren?!" Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit namiss ko ang hinayupak na to. Kalaro ko to nung bata ako kase nandito ako nagbabakasyon tuwing summer kaso nung lumaki na hindi na ako nakalagi dito.

"Namiss kita panget" nakanguso niyang sabi sakin habang pinipisil ang pisnge ko.

"Hindi ka cute wag kang ngumuso dyan" at nakatikim na naman ako ng batok. Tss. " pero mas panget ka" natatawang sabi ko. At sumimangot naman ito. " biro lang ano musta na? May jowa naba?"

"Eto pogi pa din at siempre may jowa at kilala mo siya" nakangiting sabi niya. " Ah liz sino pala yung sinasabi mong maganda?" Pagtatanong niya.

"Huh? Wala yun" napalakas pala ang pagsabi ko kanina.

Bigla naman dumating yung pinsan ko at si Rica. Inakbayan ni Bren si Maca at nagtatakang tumingin ako sa kanila.

"Liz, ito yung jowa na sinasabi ko" sabi ni Bren.

Manyak Feels (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon