Chapter 3 - Meet my kambal

26 0 0
                                    

Judea POV

Matapos ang napaka scandalong kaganapan sa Campus, Nahihiya akong pumasok ng maaga baka pag usapan nila ako sa School. Kaya hanggang ngayon nakahiga pa rin ako dito sa tinutuluyan ko na maliit na Apartment.Malapit lang sa Campus ang Apartment na ito. 

Pag mamay-ari ito ng isang retired Proffesor sa Campus si Mr. Crisostomo C. Agoncillo.Nakatayo ito sa isang maliit na kalye kaharap ng Second Gate ng Campus. Ang tawag namin dito Kalye de Boarders. kasi halos ng mga nakatayong bahay, at buildings eh tinutuluyan ng mga boarders.

Siya nga pala. May kasama pala ako dito. kaso nga lang di pa kami mag kakilala. hindi pa nga kami nagkakausap kakarating niya lang kasi ngayon, dapat kahapon pa dapat siya dumating kaso marami pa daw siyang dinala bago nakarating,. pero hindi bali na ako na lang makikipag kausap.

"Ahmm. ako si Judea, at ikaw naman si?" sabi ko, tapos napangiti muna siya bago sumagot.

"Ako si Coleen." sabi niya. Napaka ganda niya eh paano kamukha ko siya kaso nga lang medyo mas maganda ako.. joke :))

" Wow Coleen, nice name. taga saan ka?" tanong ko sakanya para magka alaman na at mag kakilala na.. kami na nga lang dalawa ang magkasama dito.

" Sa dulong bayan pa ng Pangasinan. malayo eh." sabi niya *gets ko na kung saan siya nakatira. She's from Bolinao, Pangasinan. Napakalayo ng bayan nila.Nagpatuloy ang pag uusap namin, at pareho naming nalaman na magkapareho kami ng course at section. what do I mean is classmates ko siya. 

may kamag anak daw siya dito sa bayan na ito. kaso malaki ang alitan ng mga parents nila, dito pa raw siya lumaki hanggang elementary siya dahil dito nakatira ang mother niya at ang tatay niya taga  

bolinao. ang gulo ano? Ibig sabihin may alam na siya sa bayan na ito. Kasabay ko na rin siyang pumasok.

Napansin ko siya na marunong siya manamit. at ang galing niya magdala ng mga sinusout niya. ang gaganda nga ng mga dress niya. She's wearing a fuschia color and flowering dress with doll shoes and adding necklace and bracelets. she look gorgeous.Nakuha ko na, fashionista siya.

Our first subject is College Algebra at hindi pa namin namemeet ang instructor namin doon. Sa itaas ang building na iyon. ayon yun g sinasabi ko na maraming bonsai, at may mini ponds na maraming koi..napaka hustle naman. kung late na kami eh di kailangan pa naming tumakbo.

alam naman na ayaw ng karamihan ang math. OO ako din ayaw ko ng Math. especially kung ang magiging instructor mo eh matandang lalaki at mahilig makipag usap sa blackboard. Kung pwede lang si Mr. Lovato ang magiging Instructor na lang namin baka may gana pa akong mag aral sa Math. eh kaso ibang pangalan ang naka lagay sa Registration form. Mr. De Guzman ang nakalagay. 

habang naghihintay kami ng Instructor. biglang pumasok si Mr. Lovato sa Room. Oh my!!! ang pogi niya.. gumaganda ang araw ko tuloy. siya na si Papa L. hahaha ang gwapo gwapo gwapo niya!!!!! bigla siya nagsalita. " this is the BEE 1-2? " oh my God.. ang ganda ng boses..lalaking lalaki. poging pogi!!!

"Yes sir.." we said in Unison.

"ahmm ok..naka leave kasi ang magiging instructor niyo ng 3 months dahil sa sakit niya. kaya ako ang magiging substitute niya. ok lang ba?" 'sir.. pwedeng pwede..hahahaha . napabulong ako sa sarili ko.

"Judea, mukhang patay na patay ka kay Mr. Lovato? " sabi ni Coleen. narinig niya ang mga sinabi ko.Sino ba naman hindi gaganahang sa Math kung gwapo ang instructor hindi ba.. ok na ok kami. matanda na kasi yung Mr. De guzman na yun.

"crush ko siya, napaka exciting ng math" sabi ko. at itinaas niya ang eye brow niya napatingin din kay Mr. Lovato at napangiti rin siya.

"oo nga exciting to." sabi niya.

___________________

nang matapos ang klase sa Math, at sa History. vacant time namin. Tumungo kami ni Coleen sa Canteen. Siya na ang best Companion ko siguro. Kasi kami na ang unang mag kasama sa aming  

section. at magkahawig naman kami. oh di perfect ng friendship. Dito sa School ang mga tindera sa Canteen ang susungit. nagtataasan sila ng kilay. bumili kami ng Isang  

Dutch Mill, Siomai at Cupcake.

Guest kung magkano lahat nun?

45 pesos..! 25 ang dutchmill, 15 pesos ang 4 siomai at 10 pesos yung cupcake. " ang taas na nga ng kilay , pati presyo an taas" bulong ko sa sarili ko. at napatingin ang babaeng nagtitinda. at tiningnan ko siya. hindi siya nagsalita pero alam ko na narinig niya ang mga sinabi ko.

umupo kami sa mesa na malapit sa bentana.at doon ipinagpatuloy nanaman naming magkwentuhan, kasi ito yung mabilis na way para maging close kami ni Coleen. Infernes huh. pareho kami ng trip at sadyang magkamukha kami. naka isip na nga kami ng tawagan.. "kambal" sabi namin pareho. 

Siya nga pala. pareho kaming ng style ng buhok, mata at lips. eh kasi nga magkahawig kaya nga kambal ang tawagan namin.sa kalagitnaan ng aming pag uusap may isang babae ang lumapit sa amin. nakasuot ng black skirt na napaka ikli subukan niya lang ibuyangyang yung dalawa legs niya kita na panty niya. at sando na puti na parang makikita na singit ng kili-kili niya. Kung nagtataka kayo sa salitang ibuyangyang ..salita po yun dito sa amin 

ibig sabihin ibukas ng malawak, alam niyo na widespread ang leg hahahaha. sabi niya " hey ikaw yung scandalusang babae kahapon. hindi ba?" at mukhang ang pangit ng dating sa akin ang mga words niya.

"pardon me? scandalusa. ano ba ang trip mo?" i said sarcasm. epal yatang babae ito eh.. " ikaw kaya muntik ng sagasaan ng kotse." sabi ko ulit. mukhang panibagong scandalo nanaman ito. timpi lang Dea.

" gusto ko lang na malaman mo na sikat na tao ang binabangga mo at hindi siya dapat binabastos ng mga feelingerang gil like you" what? feelingera? ako pagsasabihan niya ng ganun..laki ng tires(tupak) nito sa ulo.

" ahmmm Coleen time na malalate na tayo" sabi ko para maiwasan ang babaeng pokpok na panira ng araw.. at sa tingin palang ni coleen sa akin. alam niya na ang ibig sabihin. tumayo na kami at maglalakda na sana na biglang hinugot ang napak ganda kung buhok.

" huwag na huwag mo kong tatalikuran" then i said ouch at sabay hawak ko sa buhok ko. balak ko sanang sampalin siya eh..kaso may boses ng lalaki ang umawat at kilala ko kung sino siya. si Mr. Lovato ang gwapong instructor.." itigil mo na yan miss Patayan" at agad binitiwan ang buhok ko. kaya pala mahilig sa patayan ang bruhang ito, kasi pala apelyedo patayan.Oh my saviuor..mr. Lovato

"hindi pa tayo tapos" sabi ng babaeng iyon.. my goodness.

"Ok ka lang ba" sabi ni sir Lovato, oh my goodness siya ang prince charming ko sa araw na ito.. sa sobra kung kilig nakakain na ng red blood cell ko ang white blood cell ko sa pisngi ko...

"ok lang po sir.." sabi ko ... sa sobra kung kilig eh. umalis na lang ako baka kasi makita niya yung face ko. baka mapansin niyang crush ko siya.naglakad kami papalayo at habang naglalakd patungo sa Language Department nagsalita si Coleen " nakaka intensify ba si sir?" sabi niya. at di ko nagets

"what do you mean intensify?" sabi ko. " ano pa nakakakilig ano ba yan parang lindol lang yan kambal.. may intensity 1 2 3 at pataas.. " sabi niya.. sagot ko naman " so anong intensity yung naramdaman ko?" sagot niya " baka intensity 3, kasi crush mo lang siya" ..

habang naglalakad kami papuntang Language dpartment... a whistle blower!!! i mean busina...ng kotse ang narinig ko ng pagkalaksa lakas..

_______________

again!!! siya nanaman ..

Untitled NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon