Bangtan love:ep9 memory back

2 0 0
                                    

Bangtan love Ep.9 memory back

Natagpuan na ang bangkay ng 18 years old na si mina dela cueva sa tabing ilog na may naka sakal na lubid . Limang araw nang babad ang bangkay nya kaya ito ay hindi na makilala . Tanging makikilala ang bracelet na suot nito . Sinabi na rin ni manager kim na yun ang suot nya nang mawala ito at pinanghinaan pa ito ng makita ang bangkay ng kanyang trainee na ngayun ay in autopsy. " hindi ko alam kung anung masasabi ko pero may sakit talaga sya sa pag iisip , ako ang may kasalanan kung bakit sya nagkaganyan . Hindi ko na sana sya dinala dito kung alam ko lang " sagot ni manager kim.
" bakit nyo po ba sya dito dinala ,kung sa palagay nyo na hindi ito makabubuti sa kanya ?"
" matino sya nung una ko syang nakita at umasa sya sa magandang balita . Ayoko syang paasahin ." sagot ng manager ng echo ent. Sa ngayun iniimbestigahan na rin si manager kim taksu sa posibleng sangkot sa kaso ni mina dela cueva . Hanggang ngayun wala pa ring balita sa ina ni mina na kinokontak ng pulisya mula sa phillipines at hindi pa rin nagbibigay ng update ang mga doctor na nag autopsy kay mina .

Nagulat na lang kami ng mga sandaling iyon. Papaanong natagpuan ang bangkay nya ,sino ang natagpuan ? Nakatanggap naman ako ng isang txt mula sa repair shop kaya dali dali akong nagbihis .

" taehyung san ka pupunta?" si namjoon hyung
" babalik ako agad!" ako
" mag iingat ka "sina jungkook at hobi hyung .

Manager kim's pov

" nakausap ko na ang mga nag autopsy sa bangkay at nabayaran ko na rin po . Malulutas na rin ang problema nyo ." si suan.
" sige . ,tawagan mo ko kapag may balita ka na .at pwede bang hanapin mo uli yung sinasabi mong kamukha nya .?" ako
" masusunod po manager."

"sige sa ngayun .  Kausapin mo ang press at sabihin mo yung mga sinabi ko sayu . Wag na wag kang magsasalita ng totoo ,lahat yun rumors . Naintindihan mo ba?"ako

" opo manager" nag bow na sya at umalis . Sya ang representative ko sa magaganap na press conference regarding sa kaso ni mina at sana ay magtagumpay sya .

Jinhee's pov

Nandito ako ngayun pasakay ng bus at wala akong balak umuwi ,marami akong gustong malaman at sa pagkakataong to ,ngayun ko na sisimulan . Habang sa byahe nakatakip pa rin ang bibig ko ,may narinig akong naguusap sa unahan ko.

" grabi naman ,5 days na syang nakababad sa tubig ."sabi nung isa
"kaya nga ,kawawa naman"
" bakit ka maaawa dyan ,malamang nagpakamatay na sya tingnan mo may sakal ng lubid"

" nakakaawa naman talaga ang kalagayan nya ngayun dahil sa sinapit nya .naku sino naman kaya ang gumawa nito .?"
" ano ka ba hindi ka dapat naaawa dyan ,yan yung mina dela cueva na warfreak at sigurado ako nakapanakit yan kaya pinatay na ." yung isa  . Mga estudyante sila. Nang marinig ko yun agad kung tiningnan sa phone ko ang balitang natagpuan na nga ang sinasabing mina . Ibig sabihin hindi ako yun . Dahil eto ako at buhay , kung ganun kamukha ko lang si mina . Maya maya nakita ko sa video na inizoom pa ang kaliwang kamay nya at ang bracelet na yun ,malinaw na malinaw sa mata ko iyun ang nakita kong suot suot ko sa panaginip ko . Hindi ako pwedeng magkamali na iyun ang bracelet , pero bakit?bakit ko napanag ginipan at ano ang ibig sabihin ng mga vision ko . Pagdating ko nagtungo agad ako sa building ng echo ent. At biglang may nakita na naman ako sa vision ko yung building na yun may kasama akong dalawang lalaki papasok ng building, nasa pathway na ako ng mga oras na yun at sinusundan ko ang vision ko kung san man ito magtungo . At napatigil ako ng makita ko sa vision ko na tumigil din sa paglalakad at binuksan ang pintuan na kaharap ko, kaya binuksan ko din ito at nagulat ako sa nakita ko , napatulala at naging tuliro . Isa lang ang masasabi ko .... Muling nanumbalik ang lahat lahat ng makita ko sya . Ako . Ako ... Ako si mina dela cueva isa akong filipino at hindi korean citizen naging trainee ng echo ent. At ang lalaking nasa harapan ko ngayun ay si mr. Kim taksu na syang may kagagawan ng lahat ng sugat ko ng galit at pagkawala , sya ang taong nagnakaw ng malaking halaga sa mama ko ." m-mina ?"gulat nyang tanong . Wala na akong ibang masabi at bigla na lang tumulo ang aking luha dahil sa galit . Pupuntahan na sana nya ko ,pero bago nya ko mahawakan mabilis akong tumakbo at lumabas ng building . Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makalayo ako,saka lang ako tumigil ng maramdaman kong malayo na ako . Napaupo na lang ako at humagugol na ng iyak . Naalala ko pa ang mga sandaling dalawang lalaki ang nagdala sakin sa bangin at binaril ako pero laking pasasalamat ko dahil hindi nila ako natamaan ,na out balance ako sa pag iwas ko sa mga putok ng baril at sapo sapo ang likod ko na may tama ng saksak ,ang buong kamay ko ang nababalutan ng sariling dugo . Nahulog ako sa bangin at iyon na ang huli kong natatandaan . Isang murderer si kim taksu ,sya dapat ang naakusahan at hindi ako .
" hindi ,hindi ito pwede " napabulong ko habang naiyak pa din( trans in tagalog)

Bangtan loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon