Chapter 2

17 2 0
                                    

Shaira's POV

"Can you just stop fighting?!"

()_()⊙﹏⊙
Ganyan mga istura nila nung sumigaw ako.

Siguro hindi lang sila sanay na genon ako. Sanay kasi sila sa tahimik, hindi mainisin, at walang pake sa mundo na ako.

Gulat na gulat sila sa akin.

"Okay. Meron ako ngayon ha! So just shut up and please go to your seats. Okay?" Sige. Nagsinungaling lang ako para maiwasan yung tahimik na atmosphere.

They nodded. Syempre hindi kasama doon si Anthony. He just smirked and bumalik na sya sa upuan nya.

Hay. Ano na naman bang nangyari don?

Anthony's POV

Mwuhahaha! Meron pala sya ngayon ha? Iinisin ko sya lalo. Maghanda na daw sya sabi ng katawan ko.

Guguluhin ko pa dapat sya nang biglang dumating si Ms Vasquez. Ay, wrong timing naman tong si miss eh. Mamayang break time na lang.

"Okay. Class, may project kayo. Kailangan nyong magresearch tungkol sa mga sakit na nakakamatay. Pero dapat more than 25 na sakit ang naresaerch nyo. By partners kayong gagawa. Magsusulat ako ng mga numbers sa papel. Tigdadalawa. Kung sino ang makabunot ng parehas na number, sila ang magkapartner. Gets?"

"Yes ma'am." We all said.

Pumunta si Ms Vasquez sa harap ko at pinabunot ako. Pagtingin ko sa papel na nabunot ko, 7. Sino kaya yung isa pang 7? Sana naman isa sa mga katropa ko.

"1......2......................" Nakakatamad naman maghintay.

"7" Hay salamat sinabi na rin. Tumayo ako dahil number ko na ang sinabi.

At grabe, sa lahat ba naman ng istudyante sa room na to, sya pa talaga?

Oo, tama kayo. Si Shaira nga. Kainis naman oh.

Sinabi ni miss na kailangan daw naming pagusapan yung hatian ng research namin kaya kailangan magtabi muna.

Doon na ako umupo sa upauan ni Lian which is katabi ni Shaira.

"Hay nako. Mas gugustuhin ko pa mamatay kaysa maging kapartner tong lalaking to." Pabulong nyang sinabi pero pinilit kong pakinggan.

"Akala mo ikaw lang yung naiinis?" Sabi ko sa kanya.

"Narinig mo?" Tanong nya

"Akala ko ba matalino ka? Syempre narinig ko. Kaya ko nga sinabi yon diba?" Sabi ko

"Ugh." Pabulong nya na namang sinabi.

Yes! Naiinis na sya!

"By the way, kailangan may isa sa ating pumunta sa bahay ng isa sa atin. Para mas mapagusapan yung tungkol sa research." Sabi nya.

"Punta ka sa bahay namin. Sa Sabado." Sabi ko.

"Okay. Anong oras?"

"Mga 10:00 am."

Hahahahahaha. May ibabalak na naman ako. Buti na lang, wala si mama at papa sa bahay sa Sabado kasi busy sila sa company namin. Sa Lunes pa sila babalik sa bahay.

"Okay. Sa Sabado. 10 am. Teka saan ba bahay nyo?"

"Nasa Earth." Pamimilosopo ko sa kanya.

"Ugh! Saan ba kasi?"

Naiinis na talaga sya.

"Kita na lang tayo dito sa school. Tapos tsaka kita ihahatid sa bahay." Sabi ko.

"Sure ka? Baka magalit parents mo." Tanong nya sa akin.

"Yeah. Wala sila sa bahay sa Sabado. Pinaubaya na nila sa akin yung bahay hanggang Lunes." Sabi ko sa kanya.

"Oh, talaga? Baka magsisi lang sila sa ginawa nila." Bulong nya.

"Magsisi saan?" Tanong ko.

"Wala." Sagot nya.

"Oh ito pala yung number ko. Itext mo na lang ako kasi sure ako na malelate na naman ako." Dagdag ko pa.

"Oh, alam mo naman talaga na malelate ka eh. Aga-agahan mo naman. Ayoko maghintay."Sabi nya.

"Oo. Sige na. Try kong agahan." Sabi ko.

"Wag mong itry. Gawin mo. Dapat sure." Sabi nya.

Okay. May plano ako. Pero di ko muna sasabihin kasi, ayokong maging spoiler. Mwuhahahaha! Maghanda sya!

Regrets The UnexpectedWhere stories live. Discover now