Chapter 4

8 1 0
                                    

Anthony's POV

Kainis! Kauta ba naman yung mga yon. Napa-office tuloy ako. Pero sanay na ako. Every year naman nakaka limang suspensions na ako. Minsan higit pa doon.

Pumasok na ako.

Hindi ako kinakabahan kasi sanay na ako.

"Mr Garcia, you may take a seat." Sabi ni Mr Bautista.

Edi syempre umupo ako. Ano ba naman ang gagawin ko dito? Malamang uupo lang at makikinig kung ilang days ang suspension ko.

"Mr Garcia, ano naman yung nasa isip mo kaya mo nagawa yun kay Shaira?" Tanong nya sa akin.

"Sir kasi naman po si Shaira eh. Ang bastos po kung magsalita. At sir lagi nya po akong inaasar at binabara." Sabi ko.

"Mr Garcia, ang dami mo nang dahilan. Hindi na ako maniniwala sa mga dahilan mo." Sabi nya.

"Pero sir I am telling the truth. Lagi nya nga po ako binabstos kung magsalita. At parang sya yung lalaki sa amin." Sabi ko.

"Oo na. Alam ko na. Naniniwala na ako. At alam ko na alam mo na may parusa sa ginawa mo. At more than 5 times a school year ka kung maparusahan."

"Yes sir." Patamad kong sinabi.

"Okay. Pero dahil nga alam mo kung ano ang gagawin ko sayo, iibahin ko ang punishment ko. Para matauhan ka." Sabi nya.

Ano! Iibahin nya! Ano kaya yun! Sana naman madali lang.

"Sir. Ano po yun?" Tanong ko.

"Ang parusa ko sayo ay.........."







































































"Ibubuhol ko ng tali yung braso nyo ni Shaira."

⊙﹏⊙

"A-ano po sir?" Tanong ko ulit sa kanya. Baka sakali na mali lang yung rinig ko.

"Bingi ka ba? Sabi ko ibubuhol ko yung braso nyo ni Shaira gamit yung tali. O gusto mo iposas ko na lang. Diba sabi mo naman may kasalanan din si Shaira? Kaya ngayon, parehas ko kayong parurusahan. Nagbihis na sya at siguro ngayon ay papunta na yan dito. Kaya maghintay ka nalang. Malapit na kayong maibuhol." Sinabi nya habang kumukuha ng posas.

Hay nako. Dapat pala hindi na ako nagdahilan para hindi na sya madamay. Para hindi kami mabubuhol. Aish! Aasarin na naman ako ng mga katropa ko. Ay hanggang kailan kaya yon? Sana hanggang mamaya lang. Or two hours. Or one hour. Or sana one minute na lang.

"Ay sir hanggang kailan naman po?" Tanong ko.

"Hanggang bukas." Sabi nya.

Waaaahhhhh! Hanggang bukas? Bakit bakit ko pa kasi ginawa yun? Kainis naman oh!

"Eh, sir paano naman po kung kailangan pumunta sa restroom?" Tanong ko.

"Puntahan nyo na lang ako dito." Sabi nya.

May kumatok sa pinto.

"Come in." Sabi ni Mr Bautista.

Pumasok si Shaira. Syempre sino ba naman yung dapat kong i-expect.

"Ah sir, bakit nyo po ako pinatawag?" Tanong ni Shaira.

"Ms De Guzman, come here." Sabi ni Mr Bautista at nakangiti pa.

Wag Shaira! Wag kang lumapit! Ibubuhol lang tayo nyan!

"Lend me your hand." Sabi nya sa amin.

At binigay ko naman. Binigay ko yung kanan ko at binigay nya ang kaliwa nyang kamay. Pinagdikit nya ito at binuhol. Halata namang takang taka sya.

"Ah, S-sir bakit n-yo po pi-pinoposasan yung braso namin?" Tanong ni Shaira.

"Punishment ko sa inyo." Sabi nya.

"A-ano po- ah bakit nyo po ako binigyan ng punishment?" Tanong nya. At mukhang kinakabahan pa.

"Ah. Kasi parehas naman kayong may kasalanan. Mas malala nga lang yung kasalanan nya. Dahil sinasagot mo sya ng pabalang at lagi mo syang sinisigawan, inaasar at binabara, kaya ginantihan ka nya. Tapos ngayon, makukuha nyo yung dapat nyong makuha."

Nagulat na lang si Shaira sa sinabi ni Mr Bautista.

"Oh sige na, makakaalis na kayo. Lumipat na si Lian sa upuan mo Mr Garcia."

Paalis na kami pero biglang nagsalita ulit si Mr Bautista.

"Nga pala. Sana matauhan kayo sa ginawa ko sa inyo. Sayang bagay pa naman kayo." Tapos lumingon sya kay Shaira. "Ms De Guzman, hanggang bukas pa pala kayo mananatiling nakabuhol. Kapag dismiss na ang klase nyo tsaka ko palang yan tatanggalin. At kung kailangan nyo namang pumunta sa restroom, puntahan nyo lang ako dito."

Tumango lang si Shaira.

Pinakamasaklap na araw ko ito. Pinagsisisihan ko yung ginawa ko sa kanya.

Regrets The UnexpectedWhere stories live. Discover now