Chapter 3

14 1 0
                                    

Shaira's POV

Grabe. Sa lahat ba naman ng pwedeng kapartner ko sa project, yung kaaway ko pa? Bakit ba ganito yung tadhana?

"Okay. Class dismissed. Go back to your proper seats. You have to pass your projects on Monday. Clear?" Sabi ni Ms Vasquez.

"Yes ma'am." We all said in unsion.

"Okay. Class dismissed. You can have your recess."

Yes! Makakalayo na rin sa tabi ko itong mokong na to!

Sumabay na ako kina Hannah at Lian papunta sa canteen.

**Habang naglalakad**

Hay nako. Mapapapunta pa ako sa bahay nila sa Sabado. Kainis! Bakit kasi sya pa yung kapartner ko? Bakit?

"Hoy Shaira!" Nagulat ako nang sumigaw si Lian.

"Bakit?"

"Kanina pa kami nagsasalita rito at tumatawag sayo. Ano ba kasi iniisip mo?" Tanong ni Lian.

"Ah. Wala. Yung project lang. Ano ba pinag-uusapan nyo?" Tanong ko sa kanila.

"Sabi mo wala tapos yung project? Sa tingin ko may problema ka talaga. Sabihin mo na kasi. Kaibigan mo naman kami eh." Sabi ni Hannah.

"Ayos lang ako. Stress lang talaga ako sa mga assignments." Sabi ko.

"Eh wala nga tayong assignments eh." Sabi ni Hannah.

Aish! Ano ba kasi yung iniisip ko! Ugh! Nakakainis na tong feeling na to! Shaira. Bumalik ka nga sa reality!

"Nakakahalata na Shaira. Wag ka nang magsinungaling. May problema ka na talaga." Sabi ni Lian

Isip

Isip

Isip

"Kasi, ano eh. Uh, kasi, may..." Tumigil ako para magisip. "Kasi may narinig akong mga babae na pinag-uusapan ako. Sinasabi nila na panget, nerdy, and arrogant daw ako." Pagsisinungaling ko.

Ayoko naman kasing malaman nilang binibig deal ko yung pagiging partner namin.

"Shaira, wag ka nalang maniwala sa kanila." Sabi ni Lian

"Sino yon ha? Gusto mo awayin ko sila dahil sinasabihan nila ng hindi totoo at hindi maganda sa best friend ko?!" Sabi ni Hannah. Mukang galit na galit na ha?

"Natin. Hindi mo lang sya best friend. Ako rin." Natawa naman ako sa sinabi ni Lian.

"Hay nako. Lian naman oh. Ang ayos na ng pagdadrama ko rito eh. Nagsisiga na ako tapos manggugulo ka. Okay. Sige na best friend Natin."
Sinabi ni Hannah at ineemphasize yung word na natin.

"Oh ano, masaya ka na?" Tanong ni Hannah kay Lian.

"Oo." Sagot ni Lian.

"Oh. Mabuti naman." Sabi ni Hannah.

"Hoy. Tumigil na nga kayong dalawa. Maubusan pa tayo ng pagkain dyan eh." Sabi ko.

"Oo na po." Sabi ni Hannah.

"Meron nga pala to." Bumulong si Lian pero narinig ko parin.

Jusko. Naniwala nga ang mga babaeng to.

Nakarating na kami sa canteen.

Umorder ako ng spaghetti, juice, at ice cream. Syempre chocolate. Paborito ko yun eh.

Umupo na kami sa table. Nang tapos ko nag ubusin yung spaghetti, kakainin ko na sana yung ice cream. Pero, may dumali sa ice cream ko. Pagtingin ko sa taas ko, nakita ko yung demonyo.

"Hoy! Ano bang nasa utak mo at naisipan mo na dalihin ang ice cream ko!" Sigaw ko sa kanya.

"Ang nasa utak ko lang naman ay bullihin ka ng bullihin at inisin ka ng inisin. O nasagot ko na ba yung tanong mo?" Sabi nya.

"Pwede na rin yung answer mo. Pero bakit ba ako na lang lagi yung ginugulo at sinasaktan mo?" Tanong ko.

"Bakit ikaw ba yung nasaktan ko? Diba yung ice cream naman. Siya naman yung nasaktan eh." Sabi nya.

"Sa tingin mo ba mararamdaman yun ng ice cream? Yung mga ice cream walang buhay at hindi nakakaramdam. Kung may sasaktan ka siguraduhin mo na masasaktan sya. Or else, mapapahiya ka lang. Tulad nitong nangyayari sayo. Napapahiya ko." Sabi ko sa kanya.

"E-" Napatigil sya nang tumayo si Lian.

"Tumigil na nga kayong dalawa! Para kayong mga bata!" Sigaw nya.

Nagulat naman kami kasi bigla na lang syang sumigaw. Pati si Hannah nagulat.

"Anthony, pwede ka nang umalis." Sinabi ni Lian.

"Paano kung a-"

"Hindi mo ba narinig yung sabi nya? Umalis ka na!" Sabi ko.

"Oo sige na aalis na. Bye Ms. Ugly." Sabi nya.

Anong problema non?

Bahala na nga.

Papunta na kami sa classroom. Nasa harap na kami ng pinto nahuli ako sa pagpasok. Nakalampas na ako sa pinto nang may bumuhos na tubig sa akin. Nagulat nalang ako. Biglang pumunta sa harap ko si Anthony.

"Ayan ikaw na yung nasaktan ko. Hindi na yung ice cream o kung ano mang hindi nakakaramdam ng sakit." Aba pilosopo ito ha.

Biglang lumapit sa akin yung dalawa kong kaibigan.

"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo?!" Pasigaw na tanong ni Hannah sa kanya.

"Kanina, binubuhusan si Ms Ugly ng tubig at nakikipagusap sa kanya. Ngayon, sayo naman nakikipagusap." Grabe. Ang sarap patayin nitong lalaking ito. Napakapilosopo.

"Alam mo ang sarap mong patayin." Sabi ni Lian.

"Edi patayin mo ako." Sabi ni Anthony. Aba, ang lakas ng loob ha!

Magsasalita pa sana sina Lian at Hannah pero inunahan ko sila.

"Wala ba kayong balak na tulungan ako? Nilalamig na ako dito oh."

"Ah. Sorry. Gagantihan ka namin." Sabi ni Lian

"Oh ta-" Napatigil sya nang makita nya si Ms. Cruz.

"Anong kaguluhan to ha?! At bakit basa si Shaira at yung sahig?!" Tanong nya.

"Ma'am binuhusan nya po ng tubig si Shaira." Sabi ni Lian sabay turo kay Anthony.

"Anthony, go to the principal's office at once!" Sabi ni Ms. Cruz.

Mwuhahahahahahaha! Karma! Napala nya!

Regrets The UnexpectedWhere stories live. Discover now