Chapter 6

6 1 0
                                    

Shaira's POV

Buti na lang nagbago yon.

"Ms. De Guzman! Ms. De Guzman!"

Tiningnan ko yung paligid kung sino yung nagsasalita. Eh wala naman akong kasama dito. Wait lang, nasaan na nga ba sila?

"Shaira! Gumising ka na!" Mukhang si Lian yon ha. Pero wala naman sya rito.

Tinry kong buksan yung mata ko at nakita ko na nasa classroom pala ako. At nakita ko yung mukha ni Ms. Cruz. Mukhang galit. Tiningnan ko yung braso ko at wala namang posas. Edi panaginip lang yon. Yes! Hindi totoo. Edi ibig sabihin, nakatulog ako?

"Hoy Shaira, sabihin mo nga, bakit ka ba nakatulog ha? Kanina lang nagdedaydream ka dyan tapos pagtingin ko tulog ka na." Sabi ni Hannah.

"Oh. Its already 9:00. Class dismissed. Shaira, I will talk to you later. Go to my office." Sabi ni Ma'am.

Aish!

"Nga pala. May project tayo. Kailangan daw nating magsearch ng mga nakakamatay na sakit. Dapat daw more than 25 yung sakit." Sabi ni Lian.

"May mga partners ba?" Tanong ko.

"Ang talino mo ha. May mind reader ka ba para malaman mo na may partners." Sabi ni Lian.

"So may partners nga?" Tanong ko.

Tumango naman sila.

"Don't tell me si Anthony yung partner ko."

"Okay. Di namin sasabihin." Sabi ni Hannah.

"Aish. So si Anthony nga?" Tanong ko sa kanila.

Tumango naman sila.

Wait, this seems familiar, Ah! This is what my dream about. So maybe, baka warning yung dream ko! Baka dalihin nya yung ice cream ko or buhusan ako ng tubig.

Nasa canteen kami at trip kong bumili ng ice cream. Umupo na kami at padaan na si Anthony.

Anthony's POV

Papunta na ako sa table nina Shaira para dalihin yung ice cream nya.

Palapit na ako.

"Hoy Anthony. Kung balak mong dalihin yung ice cream ko para mahulog, wag mo nang ituloy. Wala ako sa mood." Sabi nya.

Paano nya? Bakit nya alam? May mind reader ba sya? May powers ba sya para makita yung future? Hayaan mo na. Bubuhusan ko na lang sya ng tubig pagpapunta na sya sa classroom.

Shaira's POV

Papunta na ako sa classroom at nagiisip na kung ano ang gagawin kong pagtakas sa tubig na ibubuhos nya. Ay alam ko na. Kunyare dadaan ako sa pinto pero pagkahakbang ko ng isa, hahakbang ako palikod. Great idea Shaira. Great idea.

Anthony's POV

Yes. Papunta na sya. Tubig, check. Marami, check. Kulang na lang si Ms. Ugly na parating na.

Papasok na sya sa room. And nakahanda na yung tubig ko. Nakahakbang na sya at ibubuhos ko na yung tubig ko. Patulo na sya. Yeee........ wait ano?

"Aish. Bro. Ano ba trip mo sa buhay ha? Pangarap mo bang maging waterboy or superhero paglaki? Yung ang powers ay tubig? Pang bobski lang yon ha? Wina warn lang kita kasi wala kang sweldo. Pero alam kong ayos lang sayo kasi mayaman ka naman." Sabi ni Bryan. Tropa ko at yung nabuhusan ko ng tubig. Si Bryan yung puro mga nonsense lang yung kaya sabihin.

Ito yung nangyari. Nabuhos ko na yung tubig pero di pa nabagsak. Malapit na syang mabuhusan pero nagmove backward sya para paunahin si Bryan. Kainis oh. Talaga bang may mind reader sya? Wew. Hanga ako. Sabi nga nila yung mga panget daw, sila yung mga may matinding talents. And sya ay meron.
Mind reader.

Shaira's POV

Hay. Yung tropa pa nya yung nabuhusan. Mwuhahahahahaha. 😊😊. Ang saya! Naisahan ko na sya. Ulit.

"Excuse me. Dadaan ako." Sabi ko habang padaan sa gitna nila.

Titisurin sana ako ni Anthony pero napatigil ako. Bumalik na ako sa upuan ko. Hahahaha. Ang galing nitong panaginip ko. Kahit mapapagalitan ako, its still useful. Okay na mapagalitan kaysa maparusahan na posasin kaming dalawa ni Anthony.

Tumingin sa akin si Anthony at nag-eye to eye gesture kami na may kasama pang parang pugot ulo na gesture. Psh. Ang daming alam non.

"Mr Garcia. Tawag ka ng principal." Sabi nung isang teacher namin. Actually, assistant sya ng principal. Pero, teacher rin naman namin sya eh.

Hahaha. Napatawag sya. And this time, sya nalang. Di na ako. Buti nga.

Middle of discussion.....

Knock
Knock
Knock

Binuksan ni ma'am yung pinto at dumating yung assistant principal.

"Can I excuse Ms. De Guzman?" Tanong nya.

"Yes. Ms De Guzman," Sabay tingin nya sakin.

Tumango ako sabay punta sa assistant principal aka Ms Dela Cruz.

Bakit kaya ako pinapatawag? Yikes! Anong ginawa kong mali? Psh. Nevermind. Lets just find out.

Pumasok na ako sa principal's office. Pagpasok ko, mukha ni Anthony ang bumungad sa akin. Ano kayang mangyayari? Katulad ba ng nasa panaginip ko? Wag naman sana!

"Ms De Guzman, take a sit." Sabi nung principal or should I say Mr Montero. Iba yung sinabi nung principal sa panaginip ko.

Umupo naman ako.

"Siguro naman nagtataka ka kung bakit kita pinatawag."

Tumango naman ako.

Nakita ko na mukhang bad trip si Anthony. Bakit kaya? Aish! Baka, no no no. Hindi na ulit mangyayari yon. Psh. Shaira naman oh.

"Itututor mo kasi si Anthony."

What the! What in this world? Bakit sa lahat ng itututor ko ay sya pa? Aish!

"Puwedeng bumaba ang score mo kung hindi mo sya itututor. Kasi kulang ka sa mga co-curricular at mga sports. Puro academics ka lang kaya no choice ka. Kasi di naman fair dun sa mga nasali sa sports. Kaya para di bumaba grade mo, itututor mo sya." Waaaahhhhhh! Dumapo na sakin ang malas! Sige na papayag na ako.

Tumango na lang ako.

"Okay. Yun naman pala. Okay you two can go back to your rooms. And bukas mo sya itututor sa bahay nila."

At bumalik na kami. Habang naglalakad, wala manlang nagsalita sa amin. Ang weird ng atmosphere. Mas ayos na yun kaysa mag away pa kami rito. Psh. Bad trip ako.

Regrets The UnexpectedWhere stories live. Discover now