Chapter 12

10 1 2
                                    

Shaira's POV

0_0

Ommo!! My gosh!!!!!!

Ang gwapo ni Kyahh!!

Landi ko. Pero di nga gwapo nga sya. Pero di ko sya crush ha. Mahal lang. Joke. Diba nga sabi ko sa inyo, yung nagligtas lang talaga sakin yung crush ko.

"I'm Jake Santiago. 15 years old. Nice to meet you all." Then he smiled. Waah!! Gwapo nya!!!

Ayun yung iba kong kaklase halos maging kamatis na. Kasabay pa ng pagpigil nila sa pagtili.

"By the way, I'll be changing your seating arrangements."

And inayos na ni ma'am yung seating arrangements

****|Hannah|Bryan  ****|****|****

Ivan|*****|Lian    Dave|****|Serena

Grace|****|Kim   Jake|Ako|Anthony

Ayan yung bagong seating arrangement.

Kung minamalas ka nga naman. Si Anthony pa tong nasa right side ko.

Kung suswertehin ka nga naman. Si Jake pa tong nasa left side ko.

Ang sama naman ng tingin sakin nung ibang babae lalo na si Serina. Luh!! Porket si Jake at Anthony lang tong katabi ko eh. Psh!

May pina-answer samin si ma'am. Exempted don si Jake kaso nag insist sya ba answer-an yun kasi tutal, napag aralan na naman daw nila yun.

"Uhm, excuse me, pwede pahiram ng correction tape?" Tanong ni Jake. Ako ba??

"Huh?" Tanong ko nang mapagtanto ko na ako pala ang kinakausap nya.

"Pede pahiram ng correction tape?"

"Ahh. Sige." Sabi ko then binigay ko yung correction tape ko sa kanya.

"Thanks." Tapos binigay nya na sakin yung correction tape ko then nagsmile sya kaya medyo lumingon ako sa kanan ko kasi baka namumula ako.

"Mukha kang kamatis." Medyo pabulong na sabi ni Anthony.

"Kamatis ka dyan! Mukha ka ngang ampalaya nong Sabado eh. Bitter!"

"Bitter? Kailan ako naging bitter non? May topak lang!"

"E-"

"Mr Garcia and Ms De Guzman! Shut your mouths!"

Aish! Nagiging magnet ako sa trouble kapag kasama ko to eh! Aish!

"Ikaw kasi eh." Bulong ni Anthony pero nakatingin parin sa papel nya. Tama. Titigan nya lang. Hindi kasi kayang sagutan. Hehe.

"Hala. Ako pa tong may kasalanan ah." Bulong ko rin habang nakatingin doon sa sinasagutan ko.

"Oo. Ikaw. Ingay mo kasi."

"Aba-"

"Ms De Guzman and Mr Garcia! Go out! Makakapasok lang kayo kapag tapos na ang klase ko dito. Also, continue answering that outside."

"Yes ma'am." Sabi ko habang nakatungo at naglakad na palabas. Nakasunod si Anthony sakin tapos sinara na nya yung pinto.

Ugh! Nakakainis! Magnet na ako ng kamalasan eh.

"Ayan. Kasalanan mo talaga." Sabi nya.

"At ako pa tong may kasalanan! Ikaw tong salita ng salita eh! Ugh!" Then sinagutan ko yung seatwork namin na hindi na pala seatwork dahil hindi na kami nasa upuan.

"Pakopya naman!" Sabi nya.

"Pakopya ka dyan? Bahala ka. Pakopya your face!"

Tapos may sinulat sya sa notebook nya then pinakita nya sakin yung nakasulat don. May nakasulat na 'pogi' at yun lang ang nakikita ko.

Regrets The UnexpectedWhere stories live. Discover now