Chapter 13

11 2 0
                                    

Shaira's POV

Nandito kami ngayon sa library nina Anthony at tinuturuan ko sya. Buti nalang at hindi na kami mag-gagawa ng prohect kasi naipasa na namin kanina.

Nagsasagot na sya sa papel. Teacher na nga tawag nya sakin eh. Like duh! Ang pangit ng tawag nya sakin! Mukha tuloy akong matanda.

"Teacher, paano to sagutan?" Mukha syang bata na nagpapaturo sa teacher nya.

"Ano ba? Wag mo nga akong tawaging teacher!"

"Oo na Ms Sungit." Ngayon Ms Sungit naman. Ugh! Talagang hindi nauubusan to ng nickname para sakin!

******

Nasa kwarto na ako habang nag se-cellphone.

Binuksan ko fb ko.

Then may chat head na lumabas.

Binuksan ko yun at si Anthony the panget lang pala.

'Hey Teacher.'

*seen*

'Hey'

*seen*

'Hoy!'

*seen*

'Hoy! Feeling famous!!!!!'

*seen*

Tapos nag offline ako.

Haha. Bastus ko.

Nag-close na ako ng data then humiga sa kama.

Malapit na pala ang masquerade ball.

Haist. Sino kaya first and last dance ko?

Sana yayain ako ni Jake. Pero himla nalang pag nangyari yun.

"Shaira! Bumaba kana! Kakain na!"

"Opo ma!" Sigaw ko tapos bumaba na ako.

"Anak, kumusta ang pag tututor mo kay Anthony?"

"Okay lang ma." Sabi ko tapos umupo ako sa upuan at nagsimula ng kumain.

"Nagtext sakin sina Lian kanina. Magsleep over daw kayo sa Sabado."

"Luh! Ang tagal pa naman eh. At bakit sa inyo nagtext?"

"Baka saw busy ka sa pagtututor kay Anthony." Sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko.

"What's with that smile?" Tanong ko.

"Wala. Masamang magsmile? Balita ko daw may transferee daw kayo. Pogi nga daw eh." Saan naman ni mama nahagip yung balitang yun?

"Opo. Meron nga po. Bakit nyo po natanong?"

"Wala lang. Nga pala, ibibili kita ng damit sa masquerade ball ah. Bawal ang hindi aattend."

"Opo. Sige na po." Sabi ko nalang. Wla naman akong magagawa eh.

Natapos na kami kumain at ako na ang naghugas ng pinggan.

Pagkatapos ko maghugas, naabutan ko si mama na nasa sala at nanonood ng balita.

"Ma, punta na ako sa kwarto."

"Sige." Sabi ni mama ng hindi inaalis ang tingin nya sa TV.

Tumaas na ako at humiga sa kama.

Mahal na mahal talaga ni mama si papa. Kahit wala na si papa, hindi pa rin naghahanap ng iba si mama. Loyal ehh.

Nag suot ako ng headphones at nakinig ng music.

"Here I was again tonight
Forcing laughters faking smiles
Same old tired lonley place

Regrets The UnexpectedWhere stories live. Discover now