Chapter 15

4 0 1
                                    

Shaira's POV

Dismissal na at hindi ko raw muna i-tututor si Anthony dahil may pupuntahan daw sila.

Maaga akong uuwi ngayon!

"Shaira! Tara sa mall! Bili tayo ng damit para sa masquerade ball!"

"Masyado kang atat. Hindi pa nga na-aanounce ehh. Malay mo maiba pa yung theme." Sabi ko kay Hannah.

"Edi maggala nalang tayo."

"Okay lang sakin. Sayo Shaira?"

Total, hindi ko na naman sya i-tututor, sasama nalang ako.

"Sige." Sabi ko.

Pumunta na kaming mall at naggala-gala.

"Uy! Ang ganda nung necklace!" Sabi ni Hannah na nakaturo doon sa loob ng jewelry store.

Pumasok kami sa loob at binili yun ni Hannah.

"Guys, timezone uli tayo?" Aya ni Hannah.

"Tara." Sabi ko.

As usual, doon kami sa may videoke.

Kinuha namin yung song book at ini-swipe na ni Hannah yung card.

Nagkantahan lang kami ng nagkantahan.

"Haist. Sana iba na yung acquaintance party natin ano?" Sabi ni Lian nang palabas na kami ng mall.

"Oo nga Lian. Sana nga iba na nung Grade 7 at 8"

Hindi naman ako makarelate sa kanila dahil hindi ako sumama noong acquaintance party dati. Nakahiwalay kasi ang party ng Grade 7 at 8. Marami na rin kasing students.

*******
Nagising ako sa alarm ko.

Naghanda na ako para sa school.

Syempre, dumaan muna ako sa may fishball-an.

-School-

Umupo na ako sa upuan ko at wala pa itong dalawa kong katabi.

Haha. Si Jake lang naman ang hinahanap ko ehh.

Maya maya pa ay dumating na ang dalawa kong kaibigan.

"Shaira! Wala pa si Jake?"

"Andito na sya Lian. Andito na sya. Tsk!" Pamimilosopo ko sa kanya.

"Pero mas bet ko pa rin sayo si Anthony."

"Share mo lang?" Pambabara ko kay Hannah.

"Aish! Palibhasa, crush mo si Jake ehh!"

"Luh! Di naman!" Sabi ko. Pero ang totoo, crush ko naman ata sya.

"Hi Shaira!" Sabi ni Jake nang bigla syang dumating sa room.

Tumingin naman sakin ng nakakaloko itong dalawa kong kaibigan.

"Hi." Sabi ko nalang..

"Oyy! Jake, marunong ka bang maglaro ng basketball?"

"Oo. Bakit?" Tanong ni Jake kay Hannah.

"Ahh.. May try-outs kasi mamaya."

Wow! Tong si Hannah kung makapagsabi kay Jake akala mo president sa basketball club ehh. Palibhasa si Bryan, nagpapatulong sa paghahanap ng mga kasali sa basketball. Tsk!!

"Ahh. Anong oras?"

"4 pm hanggang 6." Sagot ni Hannah.

"Ahh. Sige. Pupunta ako." Sabi ni Jake tapos umalis sya sa room.

"Shaira, sasama ka mamaya? Manonood tayo ng try-outs ng basketball?"

"Uhm... Di ko sure. At saka baka itututor ko si Anthony ehh."

Regrets The UnexpectedWhere stories live. Discover now