Boses [TTCC one shot entry]

2.5K 43 14
                                    

DISCLAIMER: This story is just a fanfiction of pilosopotasya's That Twisted Love Story and an entry on That Twisted Creativity Contest.


---***---


"Lalabas ka na raw bukas?" pagkukumpirma ni Note sa 'kin. Tumango lamang ako at ngumiti. "Mabuti naman magaling ka na. Susunduin ka namin ni Melo, ah?"

"Sige," sagot ko.

Kinuha ko 'yung walis tingting na nakasandal sa dingding at ang dustpan sa tabi nito. Pumunta ako sa damuhan at winalis 'yung mga dahon na nalaglag mula sa mga puno sa paligid.

Nakita kong sumunod si Note sa 'kin. "Ganito ba talaga kayo rito?" Tinignan ko siya ng nakakunot ang noo. "Pinaglilinis?"

"Oo kapag pagaling na," matipid kong sagot. Ibinaling ko ang atensyon sa taong nasa likod niya, pilit na inaaninag kung sino ito. Unti-unti akong napangiti nang makumpirma ko kung sino ang taong 'yun. "Lyle," bulong ko habang nakangiti.

Narinig ni Note ang binulong kong pangalan at lumingon sa likuran niya. Nakita kong ikinuyom nito ang kanang kamao at naghintay sa papalapit na si Lyle. Ngumiti ito kay Note pero isang malakas na suntok sa mukha ang nakuha niyang sagot mula dito.

Napatalon ako sa nakita, natigilan ang mga taong nasa paligid, maging si Note ay nagulat sa nagawa.

Isang magandang lalaki ang nakalapat ang likod sa damuhan sa harapan ni Note. Nakatukod ang kaliwang siko nito sa lupa at ang kanang kamay naman ay nakahawak sa duguang ilong. Inabot ni Note ang kamay niya upang tulungan ito sa pagtayo pero tinabig niya lamang ito.

Hirap siyang tumayo gamit ang mga braso. Pagka-tapak sa lupa ay gumanti ito ng suntok kay Note. Nagulat muli ang mga nasa paligid at nagsipasukan sa loob dahil sa nadamang takot sa nangyari. Kaming tatlo na lamang ang natira sa labas. Hindi napatumba ni Lyle si Note marahil ay nanghihina pa ito dahil sa pagkakasuntok ni Note sa kanya.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Note. Tumango siya, hawak ang kanang pisngi kung saan siya sinuntok ni Lyle. "Sige na, balikan niyo na lang ako dito bukas."

Humarap siya sa'kin at tinapik ako sa balikat, pagkatapos ay naglakad na palayo. Habang naglalakad ay hindi iniaalis ang tingin kay Lyle.

Lumapit sa'kin si Lyle. "Pasensya na sa pagganti sa kaibigan mo," bulong nito sa'kin.

"Ako nang bahala kay Note," sagot ko. Mas lumapit pa ako sa kanya, ibinagsak ko ang hawak na walis at ipinadama ang pagkasabik sa pamamagitan ng pagyakap.

Niyakap niya 'ko pabalik. "Salamat," aniya at saka kumalas sa pagkakayakap.

"Susunduin ako nila Note at Melo bukas," sabi ko pagkatapos yumakap. "Lalabas na 'ko dito."

Napansin kong napalunok siya ng laway, bakas sa mga mata niya ang pagkadismaya.

"Ayaw mo?" tanong ko. "Akala ko tanggap mo na 'ko?"

"Syempre, tanggap na kita." Binigyan niya ako ng ngiting dalisay, 'yung ngiti na bumihag sa puso ko, 'yung ngiti na dahilan ng pagkanta ko.

Naniniwala ako sa kanya dahil mahal ko siya. Siya nga ang dahilan kung bakit ako nandito sa lugar na 'to, pero siya rin ang dahilan kung bakit magaling na ako ngayon.

Naniniwala akong natuto na siyang mahalin ako. Hindi niya naman ako pagkaka-abalahang dalawin dito tuwing Linggo kung hindi ako mahalaga sa kanya.

"Gusto kitang makasama paglabas ko dito," sabi ko.

Boses [TTCC One-shot Entry]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon