Chapter 8: Are you joking?

6.8K 271 150
                                    

⪼ S A P P H I R E

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

⪼ S A P P H I R E

Nang talikuran ko sila, napahinto ako nang maramdaman kong marami ang nanonood sa amin. Some our peeking through the curtain or doors. Some are watching from the other building's windows. Some are also watching from the other side of the hallway and staircases. Bet they also heard the news about these newbies.

I stared at my fingers stained with blood. I hissed, wiping it off. 

Tingnan natin kung tatagal ang tatlong 'yon. If they fail to carry through, there's no way out. Huli na ang lahat para umatras. At isa pa, kasalanan ang umatras rito.

A bloody welcome is a ritual here katulad nga ng sinabi ko sa tatlo na 'yon. The seniors will beat you black and blue until they are satisfied, however, no one died from that since killing is prohibited.

Noong kami pa ang baguhan, ang mga personnel ang nag-welcome sa amin. Isang linggo akong hindi makabangon sa sobrang sakit ng katawan ko. Kaya those three, they should consider themselves lucky dahil mga students lang ang nagsagawa ng initiation.

"Why did you stop them?" Napahinto ako sa paglalakad at nilingon ang lalaking nakasandal sa pader. He got this snow white skin that is a total opposite of his effortlessly styled black hair. "The show's getting interesting though," ngumisi ito at umiling. Hindi na niya ako pinagsalita dahil umalis na siya habang binubulsa ang magkabilang kamay sa pantalon.

The name's Denver, I guess? 

Not sure though, hindi ko pa rin kabisado ang pangalan ng lahat kahit ilang taon na ako rito.


Kinabukasan, walang klase.

Free day sana ng lahat kaso pinagising kami ng maaga para dumalo sa official welcoming para sa newbies. Wala naman masyadong gagawin do'n, ipapakilala lang sila sa amin and that's it.

"Good morning," Hadley greeted me. Tinanguan ko lang siya. "Katabi ng room ko ang room nila Dannah at Shaiala, pinagtabi muna sila kasi wala pa raw sobrang room para sa isa."

"What do you mean 'wala pa'? So, there's a possibility na magkaroon?" The dorm could only accommodate fifty female students same with the dorm for males. Sobrang sakto lang ang lahat para sa amin. That's why I find it weird when I found out there are three new transferees.

We all headed toward the hall for the welcoming. Nandoon na si Ford, kinawayan niya kami at tinuro ang dalawang vacant seats. I rolled my eyes nang makita ko kung sino ang makakasama namin sa table. "Really, Ford? Of all seats?" Ngumiti lang siya ng malapad sa akin.

"Move, gusto kong katabi si Wayne Ford." Nagawa pa akong itulak ni Hadley kaya bumangga ako sa upuan ng makakatabi ko. He glanced at us with a raised brow because of the sudden commotion. "Sorry, Quinn. I have to sail my ship." Hadley said and Ford chuckled at her statement. Pagkatapos nila akong inisin ay sila na lang ang nagkwentuhan. 

Infernio Academy 1: Touch of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon