Chapter 55: The Final 10

3.6K 183 156
                                    

⪼ S A P P H I R E

"Cheers kasi single pa rin si Sapphire!" Pumihit ang ulo ko patugo sa direksyon ni Hadley at sinamaan siya ng tingin.

"Cheers kasi hindi pa rin nagkakagirlfriend si Silver since birth!" Pangangantyaw naman ni Ford.

"Gago." Ngumisi si Silver at akmang iinom na ngunit pinigilan siya ni Blake.

"Cheers kasi gumana ang teamwork natin!" Sigaw nito at katulad nila Hadley at Ford, inangat na rin niya ang wine glass sa ere.

"Teka nga." Pagpigil ni Denver sa kasiyahan, sa isang iglap natahimik ang lahat nang makitang seryosong seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa lamesa.

"Hindi ba't sabi ni Mr. President ay mahirap ang Battle? Saang banda naging mahirap iyon?"

"Someone helped us." Iisang pangalan lamang ang pumasok sa isipan ko nang sumagot si Silver. Napatingin ako sa kaniya kaya naman napatingin rin siya sa akin. Nagtanong ng kusa ang mga mata ko at para bang kusa rin akong binigyan ng sagot ng mga mata niya.

"Sino 'yon? Bakit kayo lang ang nagkakaintindihan?" Paguusisa ni Risei kaya iniwas ko na ang tingin ko kay Silver.

"Bakit nga ba Mr. President ang tawag sa kaniya?" Tanong ni Newt.

"Dahil President siya ng Infernio Organization?" Patanong na sagot ni Hadley sabay baba ng kaniyang wine glass.

"Ano bang name niya talaga?" Tanong naman ni Dannah.

"Walang nakakaalam. Kahit apelyido niya ay palaisipan pa rin." Humigpit ang hawak ko sa aking wine glass nang marinig ang sinabi ni Ford. Kahit alam ko ang sagot, itinikom ko na lamang ang bibig ko dahil wala naman ako sa posisyon upang pangunahan ang taong mas may alam tungkol sa bagay na iyon.

"Magsisimula na ang awarding in twenty minutes. Dalian na natin." Sabi ni Blake.

"Cheers kasi kasama ang lahat sa Top 10 ng Infernio Battle." Sabi ni Newt at inangat ang kaniyang wine glass.

"Don't give the others false hope, kapag nakasama ka roon it doesn't mean na makakasama ka na rin sa mga makakalabas sa Academy." Gusto ko mang palakasin ang loob nila lalo na ni Dannah pero hindi maitatangging tama ang sinabi ni Risei.

"Pero fifty percent ng grade natin ang performance sa Battle. Malaking pursyento na iyon. Kung mababa man ang performance mo tuwing Infernio Stage, tiyak mahahatak naman iyon ng Infernio Battle." Katwiran naman ni Newt.

"Oh tama na 'yan. Good vibes muna tayo ngayon, guys." Pagsingit ni Shai at dinamayan ang nakataas na kamay ni Newt sa ere. "Cheers!"

***

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang sampung crimson red colored chairs sa may stage. Abala sa pag-uusap-usap ang mga kasama ko sa table para raw ma-distract nila ang kanilang mga sarili mula sa kaba. 

Tapos na agad ang saya kanina.

Punong-puno ng tanong ang isip ko ngayon. Kampante naman ako na makakasama ako sa Infernio List yet I feel nervous. Paano kung hindi magawa ng iba? Paano kung ang ilan lang sa amin ang makalabas rito at maiwan ang iba? Hindi ako dapat nag-aalala ng ganito pero bakit hindi ko mapigilan?

"I just wanted to congratulate the all for your hardwork, but this ten students really deserve the price."

I feel nervous and I can't deny it. Not for myself, but for them. 

I believe in their skills pero hindi ko maitatangging magagaling ang mga nauna, so I'm just sitting here, waiting for a miracle to happen.

"Tenth place..." Kung may isang bagay ako na gusto kay Mr. President, iyon ay ang pagiging direct to the point niya, hindi na siya nag-aabalang magsabi pa ng pagkahaba-habang intro. "Blake Damon Winter." 

Infernio Academy 1: Touch of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon