Chapter 41: Unravel

3.4K 175 43
                                    

⪼ H A D L E Y

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko at inangat ang tingin nang mapansing may papalapit sa aking direksyon. It was Sapphire. She's wearing an emotionless face as usual. Emptier than usual. Umupo ito sa tabi ko pero pakiramdam ko ang layo niya pa rin sa akin. Diretsyo lamang siyang nakatingin sa kung saan habang ako ay heto, hindi maialis ang tingin sa kaniya. 

May umubo sa harapan ko kaya naman napatingin ako sa taong iyon. Nakita ko si Thalia na nakangisi sa akin na para bang tuwang-tuwa sa nangyayari.

It's been three months. 

No conversations, no interactions between the ten of us.

Oo, sumunod kami sa sinabi ni Professor Lee, or should I say sa utos mismo ni Mr. President dahil kada susuway kami ay may nakahanda na agad na parusa. Napangiwi ako nang salatin ko ang malaking pasa ko sa braso ko. Natamo ko ito nang sinubukan kong kausapin si Ford. 

But what made everything fair, pati ang grupo nila Giroux maaari na ring makatanggap ng parusa. Gusto na talaga ni Mr. President na magkaniya-kaniya na kami ulit.

Mahirap umaktong parang hangin lamang sila. Mahirap pero unti-unti na rin akong nasasanay. 

"Next." Nakita kong lumabas ang isang lalaki mula sa kwarto kung saan isinasagawa ang mental training na siyang tutulong sa'yong i-overcome ang biggest fear mo. Dati, magmula noong marinig ko kay Silver na hindi naman ito makakatulong at magmula noong araw na pwersahan nila akong pinapasok, ayaw ko na ulit bumalik rito sa lab pero wala rin naman akong magagawa.

Pagkatayo ko ay walang ibang nakatatak sa isipan ko kundi ang makapasa sa mental training. Isa rin itong batayan upang makasama sa Infernio Battle sa katapusan ng taon. Papasok na sana ako sa room ngunit may taong bigla na lamang humarang sa daraanan ko, hindi ito nakaharap sa akin kundi bahagyang nakatagilid.

"You can do it." Pagkatapos iyong ibulong sa akin ni Newt ay umupo na siya sa tabi ni Sapphire na siyang pinakadulo na ng pila. Nang maka-recover ay mabilis ko siyang nilingon at binigyan ng tipid na ngiti. Tinanguan niya ako ng bahagya at nginitian na rin. 


Matapos ikabit sa akin ang ilang aparato sa aking noo ay iniwanan na nila ako para raw hindi ako mahirapang mag-focus. Nang umalis siya, walang hanggang katahimikan ang nanaig sa kwarto. Unti-unti na rin akong nakararamdam ng kakaiba kaya naman ipinikit ko na ang mga mata ko at mahigpit na kumapit sa metal na higaang kinalalagyan.

Isang malakas na tunog ang narinig ko kaya naman idinilat ko na ang aking mga mata. Natagpuan ko ang sarili ko sa isang malawak na palayaan, sobrang dilim ng kalangitan at may kalakasan rin ang malamig na hangin. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napatalon ako sa gulat nang kumulog nang pagkalakas-lakas at gumuhit pa sa madilim na kalangitan ang isang napakatalim na kidlat. 

Fear of thunders and lightnings...

"Get the flag." Biglang umulit sa utak ko ang boses ng lab doctor na naka-assign sa akin. Dumilat ako at pinilit tatagan ang loob ngunit hindi maalis-alis sa akin ang takot lalo pa't palakas na nang palakas ang bawat kulog na naririnig ko. 

Damn, Hadley. Where's your courage?! 

Huminga ako ng malalim at inilibot ang paningin ko sa palayan. At sa hindi kalayuan ay nakakita ako ng kulay pulang bandera kung saan nakatatak ang simbolo ng Academy. Tila ba nagalit ang kalangitan dahil sa binabalak kong gawin kaya naman lumakas pa ang dagungdong nito. Nakakabingi. Gusto ko na lamang takpan ang tenga ko.

You can do it, Hadley. Come on! Ilusyon lamang ang lahat ng ito, matamaan ka man ng kidlat, wala kang mararamdamang sakit. Wala lang ang lahat ng ito kaya huwag kang matakot.

Infernio Academy 1: Touch of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon