⪼ H A D L E Y
"Dalawang order po nito." Sabi ko habang nakaturo sa beef steak. Isang order na lang ang nasa display pero malay niyo naman meron pa sa kitchen. Sana meron pa kasi super favorite ko talaga 'yan. I can't live without my precious beef steak.
"Isang order na lang ang natitira." Sabi sa akin.
"What?!" Naagaw ko ang atensyon ng ilan, pero ano naman? Hindi ako mabubusog ng mga tingin nila.
"I'll take that." Napatingin ako sa nagsalita sa tabi ko. Si Newt na naman? Kakahiwalay lang namin kanina dahil pinag-iisipan namin ang content ng presentation namin. Sawang-sawa na ako sa mukha niya, please lang. "Palagay na po sa plate ko." Inabot niya ang plato niyang may laman ng maraming kanin.
"Nauna ako!" I placed my hands on my waist, arching a brow.
"Got it first." Halos malaglag ang panga ko nang makitang nilalagay na nga sa plato niya ang supposed to be order ko. "Kain, Hadley!" Masiglang aya nito sa akin at itinaas pa ng bahagya ang plato niya na para bang pinagmamalaki sa akin na nauna siya. Madapa ka sana, Newt. Hindi na talaga ako natutuwa sa 'yo.
Umirap na lang ako. Sobrang nakakawarak ng puso kasi wala akong choice kundi pumili na lang ng ibang ulam. Naiirita talaga ako. Ilang beses na akong napagti-tripan ng ungas na 'yon. Aba! Lintik lang ang walang ganti.
Right after I order a slice of chocolate cake, dali-dali kong nilibot ang paningin ko upang mahanap si Newt. Nang makita ko siya ay ngumisi ako at nagpunta sa kaniyang direksyon. "Oh?" Tanong nito sa akin habang nakakunot ang noo.
"Si Mario at Luigi oh!" Tuwang-tuwang sigaw ko saka tumuro sa may entrance. Hindi lang si Newt ang napatingin kundi pati ang ilang estudyante. Sinamantala ko ang pagkakataon na 'yon para kuhanin ang slice ng cake na nasa tray ko at walang pasabing idinikit iyon sa buhok niya.
Oh! This is totally a devastating moment for New Harrison. He loves his hair more than anything else. He spend like half of his day styling his stupid hair. Ruining it is my cup of tea. I love seeing him annoyed.
"What the heck?" Mahina ngunit madiin niyang sambit.
"Oh! I thought you're having a sweet tooth? Am I wrong?" Nagkunwari pa aking gulat para mas lalo siyang maasar. Pinigil ko muna ang tawa ko pero maya-maya lang ay nabuga ko na ito dahil sobrang nakakatawa ang mukha niya ngayon.
"Hadley Grace Farell." Pagtawag niya sa pangalan ko habang nakapikit pa rin. I bet hindi niya maidilat ang mga mata niya sa takot na mapasukan ng icing ang mga ito. Poor, Newt. He looked so pathetic right now with that chocolate icing on top of his irritated face.
Nang dahil sa tuwa ko ay kinuha ko ang cellphone mula sa aking bulsa at dali-dali siyang pinicture-an. "Aw. So cute!" I admired the photo. Sa sobrang cute mo Newt ang sarap mong isako.
"Hadley, get this shit out of my hair and face!" Sigaw niya sa akin pero tinawanan ko lang siya.
"Nah, too lazy to do that." Sabi ko sabay kuha ng aking tray pero bago ako umalis ay may pahabol pa ako. "Enjoy the cake!" Akmang aabante na ako pero agad akong napatigil nang kamuntikan ko nang mabunggo si Risei. Kung hindi pa siguro siya hinila ng kasunod niya sa likuran ay malamang nasa sahig na ang dinner ko ngayon.
"Titingin ka sa dinaraanan mo ah?" Sabi niya habang nakataas ang kilay. Ugh, kakatapos ko lang magsaya tapos may sisira ng moment ko? Wrong timing.
"Sorry, hindi kita nakita. Ang liit mo kasi." I mocked and left with a smile of victory.
⪼ R I S E I
Napairap ako matapos akong lagpasan ni Hadley. Ako? Maliit? Masyado lang talaga siyang matangkad 'no. I'm not that small. Damn her.
"Hindi ka naman maliit." Sabi ni Blake na nasa likuran ko. Buti na lang pala at sumunod siya hanggang dito kundi madumi na ngayon ang suot ko. May maidudulot rin naman pala ang pagiging makulit niya.
Right? Feels nice to hear that.
Ever since talaga insecurity ko na ang height ko. I got bullied just because lagi akong nasa unahan ng pila tuwing flag ceremony. Kinakaya-kaya lang ako ng lahat noon. Pero kapag binalikan ko ang mga 'yon ngayon, wala silang idea sa kaya kong gawin sa kanila.
"Cute size lang." Tumaas ang kilay ko sa pahabol ni Blake. Napaatras naman siya nang humarap ako at kusa na lamang nawala ang pilyong ngisi sa mga labi niya. Unti-unti niyang inangat ang magkabilang kamay na para bang pinahihinto ako sa binabalak kong gawin o sabihin. I furrowed my eyebrows because of his weirdness. Hindi ko malaman kung takot ba siya sa akin or what.
"Oh joke lang 'yon! Huwag mo akong kakagatin."
"Tanga ka ba? Bakit kita kakagatin?"
One eye roll and he already went silent. But I was surprised when I heard him chuckling, totally not expecting it.
"Gagalit." He chuckled. "Kain ka na." Bahagya niya pang tinulak ang plato ko na tiningnan ko lang.
I stared at the food, hesitant.
Ever since I was a kid, I'm not into shrimps. But lately I always say to myself that I'll try to eat it. Wala naman akong allergy, ayaw ko lang talaga. Pero ngayon gusto ko ng magsisi kasi hindi ko alam kung paano magbalat.
Gamit ang kutsara't tinidor, halos panggigilan ko na ang nasa plato ko. Lumamig na ang kanin ko pero hindi ko pa rin nagagalaw dahil hindi ko mabalatan yung ulam ko. Kanina pa ako napipikon.
Damn, it's just a shrimp.
Natigil ako nang mapansin kong hindi gumagalaw si Blake. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at nakita kong nakakunot ang noo niya habang pinanood kung paano ako magbalat. "Tinitingin-tingin mo?" I rolled my eyes to hide t he embarrassment.
"Ano ba 'yan, Risei?" Natawa siya bigla. Nagulat ako pero hindi na ako nakaangal nang kuhanin niya ang shrimp mula sa plato ko.
"Bakit mo kinakamay?!" Galit na tanong ko sa kaniya. Malay ko ba kung malinis ang kamay niya! Ano ba kasing trip nitong si Blake? Bakit ba naman kasi hanggang sa pagkain ko kasama ko pa rin siya?
"Ikaw? Bakit mo ginagamitan ng kutsara't tinidor? Ayaw mong madumihan o hindi lang sanay?" Tanong niya pabalik kaya natahimik ako. Pinanood ko lang kung gaano siya kabilis magbalat. Ibinalik niya ang shrimp sa plato ko pero ang pagkakaiba ay wala na itong balat. I was so amazed and I didn't even realize my mouth is hanging low.
"S-Syempre ayaw ko lang madumihan." Depensa ko. Napatitig ako doon sa mga binalatan niya. Am I going to eat it? Ayaw ko sa kaniya at kung kakainin ko 'yon, madudungisan ang pride ko.
"Susubuan pa ba kita?" Tanong nito sa akin kaya naman kusa ng gumalaw ang mga kamay ko para kumain kaso bigla niyang kinuha ang spoon and fork ko kaya muli ko siyang nasigawan dahil sa gulat. "Magkamay ka, mas masarap kumain kapag nakakamay." Isn't that gross? I mean, kahit pa naghugas ako bago kumain may bacteria pa rin doon. At isa pa, bagong lagay ang nail polish ko kagabi. Baka masira.
"I don't like."
"Ay, gara." Para siyang batang naghahamon ng kaaway. "Dali, try mo kasi. I'll paint your nails kapag nasira." Para bang nabasa niya ang nasa isip ko. "Kaya ko 'yon, ako lagi ang gumagawa no'n kay Dannah kapag tinatamad siyang pumunta sa salon."
"Whatever." I rolled my eyes and stared at my plate. I'm still debating on my mind whether I'm gonna eat with or without utensils. Never ko pang nasubukan 'yon. But oh well, kung hindi naman dahil kay Blake hindi ako makakakain ngayon. Pagbibigyan ko na.
"Masarap?" Tanong niya matapos makitang sinimulan ko na ang pagkain ng nakakamay. I'm glaring at him while eating."Kain ka mabuti." Naglagay pa siya ng dalawang piraso ng shrimp sa plato ko. Napatitig tuloy ako sa kaniya. Ang seryoso niya habang binabalatan yung shrimp. His cheeks are kinda puffy and his lips were slightly parted with a pout.
I don't know.
That sight of him made me smile a little.
_
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 1: Touch of Hell
Mystery / ThrillerInfernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. It's for those students who wanted to learn more about their strengths and weaknesses. Only 100 selected ones, beware because everybody's a l...