⪼ S H A I A L A
It took us several hours to travel from the hidden place named Del Fuego all the way here to the town beside a sea. Carrying our baggage made us feel like foreigners. And the locals are literally giving us weird stares. Malamang iniisip nila kung anong meron.
"Wow!" Iyan lamang ang nasabi ko nang makapasok sa hotel na tutuluyan namin. Inilibot ko pa ang tingin ko sa paligid at hindi ko maiwasang hindi mamangha. Everything looks expensive and untouchable. Mr. President must be that rich para makapag-provide sa amin ng ganito kagandang tutuluyan.
"Sino ang magkaka-roommates?" Tanong ko kila Dannah.
"Kami na lang ni red head." Hinila ni Hadley si Risei at inakbayan. Nakita ko ang pagkairita sa mukha niya pero hindi naman niya inalis ang pagkakaakbay ni Hadley.
"Kami na lang ni Dannah!" Sabay-sabay kaming lumingon sa lalaking biglang nakiepal. Seryoso naming tiningnan si Ford habang siya ay napakalapad ng ngiti.
"Baka gusto mong masapak?" Pagbabanta ni Risei. Tumawa si Ford siniko si Risei na katabi niya lang rin.
"Selos ka, liit?" Pang-aasar niya.
Risei rolled her eyes, "Nakamove-on na ako sa 'yo." Okay, I'm lost. What move on?
"Good."
"And stop calling me 'liit'. My height isn't your balls' size." Napahagalpak ako ng tawa dahil sa naging banat ni Risei. Natawa rin si Hadley na para bang wala ng bukas, hindi talaga uso ang hiya sa babaeng 'to minsan.
"Burn, baby!" Pang-aasar ni Sapphire sa nakasimangot na si Ford. Risei is really good at roasting people. Iyon ang talent ng babaeng 'yan.
"Ang sama mo na sa akin ha? Porke't nakamove-on ka na!" Bulyaw ni Ford kay Risei pero imbis na sumagot ay naghair-flip na lang ito. Bitchesa pa rin talaga pero atleast sanay na siyang makipagbiruan. Hindi katulad dati na parang walang sense of humor sa katawan, kaya inis na inis ako sa isang 'to noon kasi parang kasalanang magbiro sa kaniya.
"Sige, tumawa lang kayo nang tumawa! Buti pa 'tong si Dannah hindi ako tinatawanan." Pinigil ko ang tawa ko sa pamamagitan ng pagkagat ng ibabang labi. Para namang bata 'tong si Ford.
Pigil na pigil kami sa pagtawa ngunit nang marinig ang malakas na tawa ni Dannah na bumasag sa katahimikan ay muli kaming nagtawanan ng malakas. Nakakatawa dahil sobrang hina ng boses niya kapag nagsasalita pero kapag sa tawanan ay dinaig pa niya kaming dalawa ni Hadley.
"Na-late lang pala yung kaniya." Wala ng nagawa si Ford kundi mapakamot sa kaniyang ulo at sumimangot na parang bata.
***
Nandito kami ngayon sa kwarto at kakatapos ko lang mag-ayos ng gamit. Pinasok ko na lahat sa isang cabinet kung saan share kami ni Dannah. No conversation can be heard, just the faint electropop music from Sapphire's phone. Medyo awkward pa rin pala ako sa kanila lalo na kay Sapphire.
"Maggagala-gala lang ako." Paalam ko na lang sa kanilang dalawa na kasalukuyang pang nag-aayos ng mga gamit. Napatingin sila sa akin at wala namang nagawa kundi tumango.
Ang sabi kasi nila sa amin, pwede naman raw umalis-alis rito sa hotel pero hanggang doon lang sa beach ang pwede naming puntahan. Nilagyan rin ng tracking device ang bawat isa sa amin para makasiguradong walang makakatakas.
"Gusto mong samahan kita?" Nakangiting tanong sa akin ni Dannah pero umiling ako.
"Magpapahangin lang naman ako, samahan mo na lang si Sapph." Hindi dahil sa hindi ko siya gustong kasama, bukod sa ayaw ko siyang abalahin ay sa tingin ko ay kailangan ng oras para sa sarili ko lang, kailangan ko ng kapayapaan upang makapag-isip-isip dahil nitong mga nakaraang araw ay mga bagay-bagay na bumabagabag sa akin.
"Okay, ingat ka. At isa pa medyo malamok na rin daw sa labas." Natawa na lang ako at tumango. Blake isn't lying when he said Dannah is such a mom.
Nginitian ko na lang si Sapph bago lumabas ng kwarto namin. Kaso pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay napatalon ako sa gulat nang makita si Denver. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pagkagulat at agad na rin akong napalayo.
"May kailangan ka?" I almost stuttered while asking. Bakit ba nitong mga nakaraang araw ay palagi na lang akong nakakaramdam ng kaba tuwing malapit sa akin ang taong 'to?
"Are you free tonight?" Tanong niya sa akin. Gusto kong tumanggi ngunit taksil ang mga salitang lumabas sa mga bibig ko.
"I am."
***
"So..." I broke the silence. Ang sabi niya, gusto niya ng kausap pero bakit ayaw niya namang magsalita ngayon? "Anong problema?" Tanong ko. Binalot kaming muli ng katahimikan, mukhang hindi niya alam kung saan magsisimula kaya binigyan ko muna siya ng oras upang maihanda ang sarili sa pagsasabi ng problema niya.
"First of all, Ashlynn. Are we okay?" Biglang tanong niya.
"Yes?" Patanong kong sagot. Bakit naman kami hindi magiging okay?
"Yung pag-iwas mo kasi sa akin parang hindi na dahil sa punishment." His chuckle was dripping with sarcasm that tasted bitter.
"Ano bang rason para kausapin kita?" Tanong ko pabalik.
"Is it because of the kiss?" I completely froze the moment his gaze met mine. He caught me off guard. How dare him?! Kinalimutan ko na nga iyon pero pinaalala niya na naman!
Kinalimutan? Sinong niloloko mo, Shai?
"Sorry for doing that." Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, hindi ko alam ang dapat kong sabihin.
"Bakit mo ba kasi iyon ginawa?" I asked as I finally found my own voice to speak.
"Akala ko kasi mababaling ko sa iba ang pagkagusto ko kay Sapphire kapag ginawa ko iyon."
Oh...
So all these time...may pagtingin pala siya kay Sapphire?
Biglang pumasok sa utak ko ang mga paraan ng pagtingin ni Denver kay Sapphire. Kung paano niya ito asarin minsan. Kung paano siya makipag-usap rito. I thought that was just his normal state, I thought that's how he normally interact with people around him. Pero hindi pala, lahat pala iyon ay may ibig sabihin.
Bakit ba hindi ko iyon nahalata agad para hindi na ako umasa? Ang tanga tanga mo, Shai.
I rambled a bit as I seek to vocalize a responsive answer. "You like her?" Iyon ang unang lumabas sa bibig ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko at para bang malapit na rin ako lamunin ng kaba kada segundong lumilipas. Kinabahan ako sa magiging sagot niya.
Pero hindi niya ako sinagot, ibaling niya lang ang tingin sa lupa at ngumiti ng mapait. Silence means yes, right? Iyon nga ba ang ibig sabihin ng pagtahimik niya? Pero paano kung 'oo' nga ang sagot sa tanong ko na iyon?
Paano na ako?
_
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 1: Touch of Hell
Mystery / ThrillerInfernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. It's for those students who wanted to learn more about their strengths and weaknesses. Only 100 selected ones, beware because everybody's a l...