⪼ S A P P H I R E
Halos sabay lang kaming natapos ni Bronze sa pagkain. Sa buong oras na iyon ay kwento lang siya nang kwento tungkol sa kung ano-anong bagay habang ako ay tahimik lamang na nakikinig sa kaniya habang kumakain.
Nabanggit niya rin sa akin ni wala na silang mama ni Silver dahil sa insidenteng nangyari noon. Nagkaroon raw ng malaking sunog sa bahay nila dahil kay Silver na aksidenteng nakatumba ang may sinding kandila, maaari pa namang maagapan 'yon pero base sa kwento ni Bronze ay naiwan raw iyon ng kapatid niya kaya kumalat na ang apoy sa buong bahay nila.
Iyon pala ang dahilan kung bakit abot-abot ang takot ni Silver sa apoy. Isang maliit na pangyayari na nakapagbigay ng malaking trauma.
"Kuya is not the type of person who likes to express his feelings. Kahit pa umaapaw na ang emosyong nararamdaman niya, itatago niya. Ayaw niyang may nakakakita sa kaniyang mahina siya, maski ako." He fixed his glasses again and drank his soda.
Well, halata namang ganong klase ng tao si Silver. He was like a snow, silent and cold.
"Why are you saying this to me?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin pero hindi siya agad sumagot. Nabasa ko ang mga mata niya, para bang may gusto siyang sabihin sa akin pero nagdadalawang-isip siya.
"You're the only person that can melt his cold heart." Panimula niya.
I remained silent.
"You're the only person he wanted to protect from any harm. Nabanggit sa akin ni Giroux kung paano ka ipagtanggol ni kuya sa Incognito nang mapagdesisyunan nilang ikaw ang unahing patayin."
"Talaga ba?" I didn't mean to sound sarcastic. I just couldn't believe what I heard.
"Nakatwenty-six questions ka na kaya. Next time na lang ulit." That made me frown.
"Marami na ba 'yon?"
"Twenty-seven." Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo ko at agad siyang tinaliman ng tingin. He chuckled and walked towards me. Bahagyang napaatras ang katawan ko hanggang sa mapasandal ako. I wore a confused face as he leaned down, placing his hand at the back of the chair.
"He's here. Kapag tinanong niya kung anong ginawa natin, sabihin mo naglaro lang tayo." Bulong niya sa mismong tenga ko. Kunot-noo ko siyang tiningnan habang siya ay kinindatan ako sa ikalawang pagkakataon. Lumayo na siya sa akin at naglakad palayo.
Sino naman ang nandito?
Inilibot ko ang paningin ko. And guess what? He's here. Silver's here. Nang mapansin kong masama ang tingin niya sa akin ay gumanti ako. Why is he glaring at me? Wala naman akong ginagawa sa kaniya.
"Hey, bro!" Malakas na sigaw ni Bronze nang harangan niya ang daan ng kapatid. Inalis niya ang pagkakabulsa ng magkabilang kamay sa pantalon at nag-dab pa. The hell is wrong with him? Bakit ba ang luwag ng turnilyo niya ngayon?
"Fuck off." I saw Silver mouthed those words as he pushed his younger brother out of his way. Ngumisi si Bronze at muling sumaludo sa akin bago tuluyang umalis. Napailing na lamang ako at nang ialis ko ang tingin ko sa kaniya ay nasa harapan ko na pala si Silver. Those pair of dark orbs became darker. He's definitely not in the good mood.
"Anong ginawa niyo?"
"We ate obviously." I said and pointed at the plates in front of me. Tiningnan iyon saglit ni Silver at pagbalik ng tingin niya sa akin ay parang mas nagalit pa siya lalo. Ano bang problema ng lalaking 'to?
"Stay away from him." Matigas na utos niya sa akin. He even clenched his jaw and closed his fists. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kaniya. Bakit ko gagawin 'yon? Wala akong nakikitang mali kay Bronze.
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 1: Touch of Hell
Mistério / SuspenseInfernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. It's for those students who wanted to learn more about their strengths and weaknesses. Only 100 selected ones, beware because everybody's a l...