⪼ R I S E I
The frustration building inside me is getting out of hand, and I can't seem to prevent it from growing because I couldn't find the root. Napatitig na lamang ako sa kisame at muling nag-isip-isip. Bakit ba magmula noong usapan namin ni Blake ay hindi na ako mapakali?
Magmula noong araw na iyon, hindi lang sa akin naging malamig ang pakikitungo ni Blake, maging sa iba ay ganon na rin siya. Kung dati ay makulit siya at masiyahin ngayon ay naging tahimik na siya. Hindi ako sanay na hindi naririnig ang malakas niyang boses niya tuwing nagkakasama-sama kaming sampo. Nasanay na akong siya lagi ang pasimuno ng lahat ng ingay kaya naman palagi kong hinahanap ang boses niyang bihira na lang naming marinig ngayon.
Hindi ko alam kung guilt ba 'tong nararamdaman ko. Nasaktan ko siya at ang pananakit kong iyon ang dahilan kung bakit siya nagbago. It must really hard for him to confess since meron pala siyang phobia sa mga babae pero na-overcome niya iyon, pero anong ginawa ko? Hindi ko inintindi ang feelings niya, para bang binalewala ko lang iyon dahil masyado na akong nabubulag ng pagkagusto ko kay Ford. Ni hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon si Blake.
Nadagdagan na naman ang bigat sa puso ko. Nakakasawang ng mag-isip-isip, sana kapag natulog ako ay mawala na ang lahat ng iyon.
Bumaling ang tingin ko sa pinto nang may narinig akong tatlong magkakasunod na katok. Agad akong tumayo at pinagbuksan ng pinto ang kung sino man ang tao sa labas. Nilibot ko ang paningin ko at huminto ang tingin ko kay Ford na nakasandal sa pader.
Natulala ako nang makita ko ang mukha niya. Napabitaw ako sa doorknob. Anong ginagawa niya rito?
"Risei, can we talk?"
***
Nandito kami ngayon sa field, nakaupo sa damuhan habang hinahayaang tangayin ng malakas na hangin ang aming mga buhok. Hinubad niya ang jacket niya at ipinatong sa balikat ko ng wala man lang pasabi. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Walang malisya 'to. Baka kasi lamigin ka." And he's being a gentleman again, typical Ford.
"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko. Sa unang pagkakataon, ayaw ko munang makita ang mukha niya dahil may hindi tama sa nararamdaman ko.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, baka kasi may masabi akong hindi maganda at masaktan ka." Umayos siya ng upo at nagsimulang paglaruan ang mga damo. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.
Parang alam ko na kung saan patungo 'to.
"Gusto mo ako 'di ba?" I froze. Pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko na pumipigil sa aking magsalita. Tumingin siya sa akin kaya naman mas lalo akong nanigas sa kinauupuan ko. Nang makakuha ng sapat na loob ay ibinuka ko na ang bibig ko at sumagot.
"Oo." Natatakot ako. Kinakabahan na rin dahil baka kung ano ang sabihin niya tungkol roon. Alam ko naman kasing wala akong pag-asa pero wala rin naman akong balak ipilit ang sarili ko sa kaniya. Kung ano man ang sasabihin niya ngayong gabi, tatanggapin ko. Kung ipaparanas man niya sa akin ang ipinaranas ko kay Blake, hindi ako magrereklamo.
"Risei kasi..." He paused. Hindi ko alam kung hindi ba niya alam kung saan magsisimula o sadyang ayaw niya lang talaga magsimula kaya naman dinugtungan ko na ang sasabihin niya na may mapait na ngiti sa aking mga labi.
"Hindi mo ako gusto 'di ba? Huwag kang mag-alala, nasa move-on stage na ako." I chuckled.
"Iyon naman pala! Bakit hindi mo binigyan ng chance si Blake?" Tanong niya sa akin. Just by hearing his name, my heartbeat became crazier.
"Hindi ko rin alam." Sagot ko. Bago pa man rin siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "Siguro dahil ayaw kong isipin niya na kaya ko siya binigyan ng chance ay para makamove-on ako."
BINABASA MO ANG
Infernio Academy 1: Touch of Hell
Mystery / ThrillerInfernio Academy is the biggest secret of Del Fuego, an institution that isn't solely focused on academics. It's for those students who wanted to learn more about their strengths and weaknesses. Only 100 selected ones, beware because everybody's a l...